NINETEEN: THANK YOU FOR EVERYTHING

2208 Words
Cadie’s “Ano na?” Geo mouthed at me. Sinenyasan ko siya na huwag magpakita sa Mama ko. “Sandali,” I mouthed too. Nasa tabi ko lang kasi si Mama at mukhang napapansin na rin ni Ani na parang may mali. Okay lang sana kung si Ani. Huwag lang si Mama dahil masisira lang ang plano namin. Tumango lang din sa akin si Ge. Sine-set up naming sila para magkausap sila roon sa may restaurant sa loob ng resort. I was wearing a bermuda short and open shirt. My mother and Anirema are wearing a two-piece swimsuit. Ang bata pa rin talagang tingnan ni Mama. Dalaga pa rin, hindi rin siya ganoon katanda pero malapit na rin siyang mag-senior. Alagang-alaga niya rin ang balat niya. Kahapon kami dumating sa beach. Kung hindi ako nagkakamali ay isa ito sa pagmamay-ari ng mga Montinelli. Si Fe kaagad ang pumasok sa isip ko. I sighed.   Nag-enjoy naman si Mama at nagustuhan niya talaga ang lugar na ito. Isa rin kasi ito sa magagandang resort na napuntahan ko. Minsan na kaming napadpad ni Geo rito noon. Kasama rin ang buong R’s ay napadpad din kami rito. Medyo malapit lang dito ang bahay ni Bob, anak ni Mikai na ex-girlfriend ni Keith. “Mama, nagugutom ako. Kain muna tayo,” sabi ko sa kaniya. Actually, hindi naman talaga ako nagugutom. Naroon na kasi sila Tita Lagros. Kaya rin nagpakita sa akin ang kaibigan ko na si Geo upang sabihin na handa na nag nanay niya. Kanina ay kinausap ns ni Geo ang Mama niya. Sinabi ni Geo kay Tita na gusto siyang makausap ni Mama. Kahit hindi naman iyon ang totoo. Gustong makipag-bati ni Tita kay Mama kaya pumayag na lang din ito. Sabi nito ay gusto niya rin na magka-ayos sila, matagal na. Sana lang talaga ay magka-ayos na sila ngayon. Geo and I are cousins. I am happy with that, kaya pala magaan ang loob ko sa kaniya noon pa lang ay dahil sa magka-dugo pala kami. Natawa naman ako. Buti na lang ay hindi na talaga kami napupunta sa usapan na mahal ako ni Geo sa higit pa sa kaibigan. Bumalik na sa normal ang lahat. Maliban sa akin, hindi pa lahat bumabalik sa maayos. I still want her. “Parang kakakain lang natin, Cadie. Mamaya na lang,” sagot ni Mama sa akin na parang gusto ko na lang na ngumiwi. Magsasalita pa sana ako pero naunahan na ako ni Ani. “Ma, I am hungry too. I wanted to eat na,” sabi nito. Napatingin ako kay Anirema. Tumingin lang din siya sa kain pagkatapos ay kinindatan ako. Parang ipinaparating niya sa akin na alam niya ang mga nangyayari. Sumimangot naman si Mama. “Tara na nga!” sabi nito. Nauna pa itong maglakad sa amin. “Saan tayo kakain?” tanong nito. Sinabayan na lamang namin siya ni Ani sa paglalakad. “I’ll lead the way,” sabi ko na lang. “Ang sexy mo,” sabi naman ni Ani kay Mama. “Mas sexy ka sa dalawa mong kapatid na babae.” “Huwag mo ‘kong simulan, Ani. Isa lang ang kapatid kong babae,” sabi pa nito. Natawa na lang ako kay Mama. May pagka-masungit talaga si Mama noon pa man. “I love you, Ma,” sabi na lang ni Ani. Hindi ko naman napigilan ang sarili na magsalita. “Why don’t you give her a chance?” I asked. Napatigil naman siya sa paglalakad. Hinarap niya lang ako ng diretso. “Why would I? She ruined our family,” sabi nito. Kailan kaya mapapatawad ni Mama si Tita Lagros. “May ginawa ba siyang masama sa iyo?” tanong ko sa kaniya. Sinamaan niya lang ako ng tingin. “Yes,” mataray lang na sabi nito at inunahan na naman kami ni Ani sa paglalakad. “I guess your plans will not work out. Buo sa utak ni Mama na hindi niya papatawarin ang half-sister niya,” biglang sabi ni Ani. She knew? “Paano mo nalaman?” tanong ko pa. “I heard you, may kausap ka sa phone kaninang umaga, don’t worry, wala naman akong binanggit kay Mama,” sabi nito. Napatango-tango na lang ako. Bakit nito ko lang napansin na mabuti pala talaga ang kalooban ni Ani? I shook my head. “We should follow her,” sabi ko na lang sa kaniya. Sumunod na lang kami kay Mama, papasok na siya ng restaurant. “Kayo na pumili ng table,” sabi ni Mama sa amin. Nakita ko naman kaagad kung nasaan sila Tita Lagros at Geo. Tinuro ko roon. “I want there,” sabi ko. Nauna pa akong maglakad. Sumunod lang sa akin sila Mama. Nang mapansin kami ni Tita Lagros na papalapit na sa kanila napatayo ito. Si Mama naman ay bigla kong nakitang nanlaki ang mga mata. “What the hell are you doing here?!” may inis sa boses ni Mama. Kinalabit ko naman siya kaagad. “Ma, calm down. Don’t make a scene here, behave,” sabi ko sa kaniya. “Ma, it’s okay,” sabi naman ni Anirema sa kaniya. Pero hindi niya man lang kami pinansin. Si Geo naman ay pinanlalakihan na rin ako ng mga mata. “Loida, I thought you’re the one who invited me for a talk,” sabi ni Tita Lagros. Napa-facepalm naman ako. Si Mama naman ay agad na bumaling sa akin at sinamaan ako ng tingin. “Look, Loida. I am sorry for showing up to your family that time, hindi ko naman talaga ginusto iy –” My mother didn’t let her finish her sentence, “Stop, I don’t want to hear the hindi ginusto. All my life, I work hard to have a better life. Eh, ikaw? When my father died, sa iyo ipinangalanan ang lahat ng ari-arian niya. Kami ni Lena, hindi. Kung ano ang mga na-achieve namin ngayon ay bunga ng paghihirap namin. Pinalayas kami ng nanay mo sa mansion. Huwag mong sabihin na nakalimutan mo na iyon?” sarkastikong saad pa ni Mama.  Napanganga naman ako.  I don’t know that! Hindi naman nakasagot sa kaniya si Tita Lagros. Nagpatuloy lang sa pagsasalita si Mama. “You’re there, kaya mo kaming ipaglaban pero, ano? Pinanood mo lang kami. Akala ko kasi, okay tayo noon. Naglalaro pa tayo nila Lena ‘di ba?” May hinanakit na rin sa boses ni Mama. Lihim na lang din akong napamura. “Namatay ang nanay ko dahil sa gutom. Lahat ng kayamanan na pinaghirapan ng nanay ko tatay ko ay napunta lang lahat sa inyo.” Napanganga na lang ako. Ganoon din si Ani at saka si Geo. Hindi pa rin nakasagot si Tita Lagros. My mother turned to me. “Don’t think na ako lang ang may ayaw sa kaniya. Tinanong mo man lang ba ang Tita Elena mo?” tanong niya sa akin. Dahan-dahan na lang akong umiling sa kaniya. “Uuwi na ako ng mag-isa,” sabi nito sa kaniya. “Ma,” I called her. Tuluyan niya na kaming tinalikuran. “Huwag kang susunod, Cadie,” huling sabi nito bago siya tuluyan itong tulungan. Naiwan lang niya kaming nakanganga. Napamura na lang ako. “Ma!” I shouted. Hindi niya na ako nilingon. “Ako na ang kakausap,” sabi naman ni Ani at saka sumunod kay Mama. Ako naman ay napabaling lang kay Tita Lagros. “Is it true?” I asked. Tumango-tango lang sa kain si Tita Milagros aya napatango-tango na lang din ako at tumalikod na sa kanila. Tinawag pa ako ni Geo pero hindi na muna ako lumingon. Naglakad na lang ako papunta sa may hotel na panigurado ay doon ang punta nila Mama. We failed. I should’ve asked my mom first of what really happened to them before o kaya naman ay lumapit kay Tita Elena. Ang buong akala lang kasi naming ni Geo ay ang issue lang ay ang pagiging half-sister nila. Damn. Nakakunot nag noo ko habang naglalakad papasok na sana sa hotel pero natigilan ako nang may marinig akong boses. “Ouch, it hurts.” Nilingon ko ito. Bahagya pa akong nagulat nang makita kong naka-upo siya sahig at hinihimas niya ang kaniyang binti. Hindi ko naman naiwasan na lumapit sa kaniya. “Are you okay?” tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin pero nakikita ko na nasasaktan siya. “What happened to your legs?” I asked. “It hurts,” sagot niya naman. “Why?” “Nadapa po ako, medyo masakit lang but I think I’m gonna be fine. Can you help me to stand?” Agad namang nagtaas ang kaliwang kilay ko. I guess, he’s sixteen years old and then nadapa pa rin siya? I don’t want to believe na nadapa talaga siya. “Was that an actual stumble?” tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin pagkatapos ay nilingon ang malaking bato malapit sa kaniya. “Yes. Naglalakad ako tapos hindi ko po napansin iyong bato kaya po ako nadapa,” sabi niya. Na-convince niya naman ako roon kaya naman tinulungan ko na siyang makatayo. “Kaya mong maglakad?” I asked him when he finally stood up. He nods at me. “I am fine now, thank you,” sabi nito sa akin. Nakahawak siya ngayon sa balikat ko habang tumatayo siya ng maayos. Hinayaan ko lang siya hanggang sa tuluyan na siyang umayos ng tayo niya. Mukhang okay naman na siya. Dahan-dahan naman siyang bumitaw sa akin. He smiled at me. I smiled at him too. I don’t know what just happened but looking at him… damn, I remember someone. “Thank you again, you can continue your walk now po,” sabi niya at tinalikuran niya na lang ako. Napatango naman ako at saka napakibit-balikat. Tinalikuran ko na siya at nagsimula nang humakbang pero hindi pa man ako nakaka-tatlong hakbang ay may narinig na naman akong boses. This time, it’s familiar. Super. “Klei, what happened to your leg? Bakit ka pilay? OMG! Tumawag kayo ng ambulance! BILIS! BILIS!” nag-hihi-hysterical na sigaw nito. Natigilan talaga ako ng sobra. Kahit hinid pa ako lumingon ay alam ko kung sino ito. Pero naguguluhan ako. Anak niya iyon? Seriously? I thought, her son is a ten-year older boy pero bakit ang tangkad ng lalaking iyon? It’s obvious na iyong tinulungan ko na makatayo ay ang tinutuko niya. Napagkamalan ko pa ang bata na sixteen years old! “Mama, calm down, he’s –” rinig ko pang saad ng batang nadapa kanina. Hindi niya na natapos ang pagsasalita niya nang sumigaw na naman ang nanay niya. Tsk. “IKAW! LALAKING NAKATALIKOD, HUMARAP KA SA AKIN! PUTANG*NA MO?! ANONG GINAWA MO SA ANAK KO? ANG KAPAL-KAPAL NG MUKHA MO!” sigaw nito sa akin. Malamang sa malamang ay ako ang tinutukoy niya. Dahan-dahan ko naman siyang nilingon. Pagkalingon na pagkalingon ko ay nakita ko kung paano rin dahan-dahan na nanlaki ang mga mata niya. Napangisi na lang ako. “Yes, Miss, alam ko na makapal ang mukha ko simula nang may mabangga ako,” sabi ko pa. Mga apat o limang metro ang layo ko sa kaniya kaya naglakad ako ng kaunti papalapit sa kanila ng lalaking tinulungan ko. I guess, that’s her son. Kakasabi niya lang. “W-What a-are you doing h-here?” she asked me. I just smiled at her. “I want to unwind,” sabi ko pa. Tumingin ako sa anak niya na ngayon ay hawak-hawak niya na. “Is he your son?” I asked casually. “Yes…” "Why did you say bad words to him? He helped me,” sabi nito sa kaniyang ina. Pinanood ko lang silang dalawa. Kaya pala nakaramdam ako ng familiarity nang ngitian ako ng batang ito. Pareho pala sila ng ngiti ng kaniyang ina.  “R-Really? Did you say ‘thank you' to him?” Fe asked her son. “Of course,” sabi nito. “Stop worrying, I am fine.” While looking at them, hindi ko maiwasan na mapangiti. Maybe, this is what she really wanted. Kailangan niya ng oras sa anak niya kaya rin siguro ayaw niyang mag-asawa. Siguro hindi dahil sa hindi pa dumadating ang The Right One na sinasabi niya, or maybe yes, but the right one that she’s talking about is her son. Ilang taon na nawalay ang bata sa kaniya at gusto niyang punan ang mga pagkukulang nito sa kaniya. I get it now. I nod at myself. Hindi ko na pala siya kailangang kausapin siya pagkagaling ko sa beach resorts na ito. It’s no use. Sinimulan ko na silang talikuran. Humakbang na ako papalayo but Fe called me, “Cadie, wait.” Nilingon ko naman silang muli.  “Thank you,” sabi pa nito. Tumango na lang ako sa kaniya. Maybe, when I came to her house, that wasn’t our last talk. But today. “Thank you too” – I bitterly smiled – “for everything.” Hindi ko na hinintay ang magiging reaksyon niya. Tuluyan ko na silang iniwan doon. Napabuga na lang ako ng malakas na hangin. Nagulat pa ako nang mapansin ko ang sarili ko na nagluluha. Natawa na lang ako sa sarili ko. Why am I even crying?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD