Fe's
Niyakap ko nang mahigpit si Mommy. I am so happy, we won. Nakuha ko ang custody ng anak ko. He's coming with me now; the judge also asked my son, and he wanted to come with me. If I am his real mother, she should come to me. We also run a deoxyribonucleic acid or DNA test the first week because Kleizer, my son, doesn't want to believe that I am her biological mother.
And it's positive. Unang kita ko pa lang sa kaniya ng personal nang araw na iyon ay alam ko na siya ang anak ko. Napayakap din ako kay Dad pagkatapos.
He attended all the hearings. I am so happy that they didn't judge me. They didn't disown me. Sabi ni Dad, they will never do that. My parents love me and accept me regardless of what happens. I underestimated them. Kaya kahit si Dad ay medyo disappointed din sa akin.
Sana raw ay matagal na siyang nagka-apo. Matagal naman na talaga siyang nagka-apo. ‘Di niya nga lang talaga nakasama. Hindi niya na hinintay si Kuya Boss. I love my parents.
Hindi napatagal ang proseso at hindi ko talaga hahayaan na magtagal. Isa sa mga magagaling ang abogado, si Kisian, Alorah's husband.
Sobrang tuwa ang naradamdaman ko. I hugged my son. He smiled at me. "May isa lang po sana akong wish," sabi niya sa akin. Tumango-tango naman ako. Tumingin siya kina Paula.
Umiiyak ito ngayon habang yakap-yakap ni Zachary. I sighed. Inaalagaan niya ang anak ko ng ilang taon. Malamang sa malamang ay napamahal na siya rito, pero ikinasasama lang ng loob ko ay tinago nila sa akin. Tinanong din sila rito kung bakit nila nagawang ilayo ang bata sa akin.
I won't want them to go behind bars. Wala akong pakialaman na, ang gusto ko lang ay makasama ang anak ko. Kahit na puwede raw akong magsampa ng kaso sa paglayo ng dalawa kay Kleizer sa akin.
"What is it?" I asked him.
"Let them visit me," sabi niya. Tumango-tango na lang ako. Niyakap kong muli ang anak ko at hinalikan ko siya sa noo at pisngi niya.
"I will," sabi ko pa. Lumapit naman sa akin ang mag-asawang Consejo. Pinilit ko lang na ngumiti sa kanila.
Wala naman na silang magagawa, I am sure na hindi na nila kukunin ang anak ko sa akin. Si Daddy at ang pamilya nila Zach ay napag-usapan na ang tungkol dito. Nagkasundo na rin ito na they'll let me happy with my son. Hahayaan nila akong alaagan ito kahit na labag sa kalooban ni Paula.
She was my friend before, and I think, she just betrayed me because she's really in love with Zachary. Until now, kaya nga sila ang nagpakasal. Natakot lang siguro siya na si Kleizer ang maging dahilan upang magkabalikan kami.
Pero tang*na, alam ni Zach na anak namin si Kleizer pero hindi niya naman iniwan si Paula so what's the issue? Whatever it is, nasa kanila na lang iyon. That's their story, not mine. Tapos na ang pahina kung saan naging kami ni Zach. Wala na akong nararamdaman para sa kaniya. Matagal na 'yon, college pa lang ako.
Ang mahalaga ngayon ay kasama ko na ang anak ko. Pero...
Pero... I sighed.
"Alagaan mong mabuti si Klei, please," sabi niya sa akin. Niyakap niya lang si Kleizer. I let them. Umiiyak pa rin siya.
Nag-angat naman ako kay Zach. Wala lang emosyon na mababakas sa kaniyang mukha pero nagtanguan naman kaming dalawa.
I looked at Paula again. "Papakabait ka, ha, if you need something just call me, okay? I love you so much, son," sabi nito sa anak ko. Tumango-tango lang sa kaniya ang sampung taon gulang kong anak.
"I love you too, Mommy," sagot naman ng anak ko. Napahikbi naman ako at saka napatango-tango. Si Paula ang kinilala niyang ina simula nang siya ay bata pa.
Hinalikan lang ni Paula ang anak ko sa pisngi pagkatapos ay humarap na siya sa akin. "Alagaan mo siya, okay? Please, Fe," sabi nito. I nod at her.
"That's what the mother does," I said. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap.
"I'm sorry for what I've done, for what I have said to you. Hindi ako umaasa na bumalik ang dating friendship natin pero umaasa ako na mapatawad mo ako," she whispered to me. "Alam ko na aalis ang mag-asawang Catridge pero hindi ko sa iyo sinabi. Naging makasarili ako. Dapat noon pa lang ay itinama ko na talaga ang pagkakamali ko. Sinadya ko talaga na magkita kayo ng mag-asawang Catridge... Sinadya ko 'yon nang malaman kong si Zachary ang ama ng bata," sabi nito sa akin.
Natahimik lang ako. "I'm so sorry," dugtong niya at kumalas sa pagkakayakap sa akin. I sniffed. "I just... I am just so in love with Zach. Itinapon ko ang pagkakaibigan natin para lang makasama si Zach," sabi pa nito. "Naging makasarili rin ako. I'm so sorry," she sobbed. Tumango-tango naman ako.
I could sense the sincerity in her voice.
Sorry. Ilang beses ko na ba na palaging narinig ang salitang iyan? Kaya niya nga bang matumbasan nito ang lahat ng pagkakamali ng isang tao? Kaya bang mapalitan ng sorry ang lahat kapag sincere ito? Kaya bang mapalitan lahat ng simpleng sorry ang mga sakit na naramdaman mo?
Sa tingin ko, hindi.
They say time could heal the pain.
For me, the pain will never go, everytime na maalala mo ang mga sakit na iyon ay masasaktan ka pa rin. All you need to do is to accept the situation, by that, mawawala ng kaunti ang sakit. Hindi na masakit katulad ng dati. Acceptance could reduce the pain.
Oo nga't lumipas na ang panahon pero hindi mo pa rin tanggap na nangyari 'yon? Ano na lang ang mangyayari?
Time could heal the pain.
Sampung taon na ang nangyari sa akin na iyon kaya puwedeng ma-i-apply ang katagang iyan, oras, araw, buwan, taon, dekada na ang lumipas, ay hindi pa rin nawawala ang sakit. Fresh pa rin sa akin ang lahat kasi hindi ko matanggap na nangyari iyon. Nang makita ko ulit si Paula. I could still feel the hatred.
Kahit na no'ng nag-usap kami habang in-process ang case namin. She told me something na pinagsisihan niya nang itinapon niya ang pagkakaibigan namin. Sincere siya no'n, pero ano? Kinamumuhian ko pa rin siya.
But now, I accepted it all. Tinanggap ko na ang lahat ng nangyari. Hindi ko na mababalik iyon.
May pagkakataon na magkita kami ng anak ko pero humarang siya. May pagkakataon na makasama ko ang anak ko, noon pa man pero hindi niya ako hinayaan. Okay, yes. I could say na naging makasarili rin siya.
"I forgive you," ngumiti ako sa kaniya. Tinanggap ko ang lahat pati ang sorry niya kahit na hindi naman ito kayang matumbasan niyon. Pinatawad ko siya because of her good side.
Alam ko na may natatago pa rin na bait sa kaniya. Pinalaki niya ang anak ko na maging mabuti. Inalagan niya ng mabuti ang anak ko. Siguro sapat na iyon para matumbasan ang kapatawaran na hinihingi iyan.
Ayon ang para sa akin.
Kleizer is a good one. He knew how to say 'po' and 'opo'. May galang siya. Palaban din siya, hindi siya kaagad-agad naniniwala kaya nga nag-run pa kami ng DNA, siya ang nag-request no'n. Medyo nasaktan lang ako kasi hindi niya talaga ako makilala ng puso niya bilang ina niya. But that's okay.
My son told me na lagi siyang pinapangaralan ni Paula. I sighed.
Na dapat ako ang gumawa. Pero ayaw ko nang palakihin ang problema na ito. Gusto ko na lang tanggapin ang lahat, ang mahalaga nga kasi ay makakasama ko na si Klei.
"Really? Thank you so much!" sabi niya. "This is your time para iparamdam kay Klei na mahal mo siya," sabi niya pa. Tumango naman ako sa kaniya.
"You can visit him every weekend if you want," sabi ko pa. Nagulat siya sa sinabi ko tapos naiyak siya at niyakap lang akong muli. Nagpasalamat siyang muli.
Natapos na ang lahat. Nakita ko rin si Zera at napayakap na lang din ako sa kaniya. I thanked her.
Umalis na kami sa court, naka-akbay lamang ako sa anak ko na malalagpasan na ako. “Mom, is it true that you used to be best friends before?” tanong niya sa akin. Tumango na lang ako sa kaniya. Sumabay sa paglalakad namin palabas ang Mommy ko. Hinila niya mula sa akin ang anak ko.
"Ang guwapo-guwapo mo naman! Ang tangkad mo talaga! Mana ka sa Tito Achill mo! Achiles! Achiles! May apo na talaga ako!" tuwang-tuwang sabi ni Mommy kay Daddy.
Sininghalan lang siya ni Dad. "I know, I know."
Natawa na lang talaga ako. Salita lang ng salita ang nanay ko hanggang sa makarating kami sa limousine namin.
"Wala ka nga lang dimple katulad ng Tito Achill mo," sabi pa ni Mommy habang nasa biyahe. Kanina niya pa kasi talaga dine-describe si Klei.
"Who is Tito Achill?" tanong ni Klei.
Nakakunot pa ang kaniyang noo. Nawala na lang ang ngiti sa labi ko nang maalala ko kung nasaan ngayon si Kuya. Dalawang linggo na ata siyang hindi pumupunta sa bahay. Hindi na rin kami nag-uusap. Nasa condo lang siya nagpipirmi.
Pero pumunta siya no'ng libing ni Carmie. I sighed. After that, hindi ko na siya nakita ulit. Hindi rin siya makausap ni Daddy kaya mukhang kailangan niya nang i-palit si Tharina sa puwesto. Tumanggi naman kasi ako nang i-offer sa akin ni Dad iyon.
Nag-resign na nga ako as a COO of the company, eh. Gusto kong ibigay ang buong atensyon ko kay Klei. Malamang tuwang-tuwa niyan si Tharina.
Ano pa nga ba? Matagal niya nang gusto ang posisyon na 'yon.
Sana lang talaga ay maka-recover kaagad ang kapatid ko sa nangyari.
"He's your Mommy's brother," sagot ni Mommy.
"Really? Where is he? Can I talk to him? I haven't seen him," sabi pa ng anak ko.
Nagkatinginan naman kami ni Mommy. Inilingan ko naman siya, gusto ko lang iparating na huwag nang banggitin kay Kleizer ang nangyari.
"He's busy. You'll see him soon," nakangiting sagot ni Mom. She caresses my son's hair.
Bigla naman akong may naalala. "Klei, can I ask you a favor too?" I asked him. Nilingon niya naman ako. Ang katabi niya kasi ay ang Mommy ko. Hinayaan ko na lang kasi tuwang-tuwa talaga si Mommy sa apo niya.
Siya ang first born. Napangiti na lang din ako.
"What is it, Mommy?" Parang gusto na lang tumalon ng puso ko ngayon. Hindi ako makapaniwala na maririnig ko na mula sa kaniya ang salitang iyan. Ang sarap sa pakiramdam pero gusto kong palitan.
"Huwag mo na akong tawaging Mommy," saad ko. Tinaasan naman ako ng kilay nila Mommy't Daddy. Natawa na lang ako, naiiyak pa rin ako siyempre, ito na ang matagal kong minimithi. "Call me, Nanay, or Mama, huwag lang Mommy kasi Mommy rin naman tawag mo kay Mommy Paula."
Nagkatawanan naman kaming lahat. "Mami-miss mo ba si Mommy Paula mo?' My mother asked.
"Yes, She's kind and sweet. Ayaw kong mahiwalay sa kaniya, but I guess I need and wanted to spend my life with my real mom," tiningnan niya lang ako ng diretso. Parang agad namang lumukso ang puso ko. Naiiyak na naman ako.
Maayos talaga ang ginawang pagpapalaki sa kaniya.
"Come here," sinenyasan ko pa siyang makalapit sa akin, and when he did. Niyakap ko siya ng mahigpit.
Nakarating kami sa bahay namin at wala kaming ibang ginawa kung hindi ang magkuwentuhan. Marami rin kinu-kuwento si Klei tungkol sa kaniya. Katulad na lamang ng mga naging performance niya sa school and I am so proud of him. Nakahiga lang kami sa kama sa kuwarto ko at yakap-yakap ko siya habang nagku-kuwentuhan kami. I told him how much I missed her.
Minutes later ay nakatulog na siya sa tabi ko. Gusto ko rin na matulog sa tabi niya ngunit tinawag ako ni Mommy.
Lumapit naman ako sa kaniya. Ayaw kong magambala ang gising ni Klei.
"Ano 'yon, Ma?" tanong ko sa kaniya.
"Mag-impake na kayong dalawa," sabi nito.
Napakunot naman ang noo ko. "Bakit? Pinapalayas niyo na kami? Don't worry, pinapaayos ko na iyong binili kong baha ㅡ ouch."
Natigil lang ako sa pagsasalita ng marahang pitikin ni Mommy ang noo ko. Dito talaga nagmana si Kuya Achill.
Kay Kuya Achill nga lang ay hindi marahan. Huhu, naalala ko no'ng mga bata kami na mahilig niya talaga akong pitikin sa noo.
"Bakit naman kita papalayasin?" sabi niya at saka pinameywangan ako. "Pupunta tayo ng beach. Para naman may bonding time kaagad kayo ni Klei," she added.
Napatango-tango lang ako sa kaniya. "Agree po ako. Magready na rin po kayo. Paano si Kuya?" sabi ko pa. Napabuntong hininga lang si Mom.
"'Wag na munang guluhin ang Kuya mo," sabi nito sa akin. "Ikaw? Kailan ka mag-aasawa?" Napangiwi na lang ako sa tanong niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
Pero sa totoo lang ay bigla ko na naman siyang naalala. Hindi na siya sa akin nagparamdam simula nang puntahan niya ako rito sa bahay. Hindi niya rin ako tinawagan kahit na naghihintay ako. Hindi na ako aasa, ako ang may gusto na lumayo talaga siya sa akin. Mabuti na rin talaga siguro iyon. I sighed.
"Mom! Ayaw ko nga mag-asawa. I've decided that I will give my full attention to Kleizer," sabi ko pa.
"Alam mo ang natutunan ko sa relasyon ng Kuya mo at ni Carmie?" Napakunot naman ang noo ko.
"Mommy naman!"
"Huwag magsasalita ng tapos." Napanganga naman ako. "Sino nga pala iyong lalaking pumunta rito no'ng sinabi mo sa akin ang tungkol kay Klei? Nakita ko sa CCTV," bigla niyang sabi.
Nanlaki lang ang mga mata ko nang maalala ko 'yon. May mga CCTV cameras nga pala kami rito sa loob ng bahay! Bakit hindi ko kaagad naisip iyon?!!
Gosh!
Issue na naman ito kay Mommy! "Ah, wala," sabi ko na lang at nag-iwas ng tingin.
"Pamilyar siya sa akin. Parang siya 'yong kapatid ni Vera," napangiwi ako pero napakunot ang noo sa sinabi niya.
Oo, naalala ko na Vera nga pala ang pangalan ng kapatid ni Cadie. Iyong namatay, kilala ni Mommy?
"Vera?" tanong ko. Kunwari wala akong alam.
"Oo, kinuha kasing Ninang si Sandra sa kasal niya, tapos may pinakita siya sa amin na picture. Kapatid niya raw iyon." Napangiwi naman ako.
"Pero patay na po si Vera 'di ba?" tanong ko sa kaniya. Kinunotan niya ako ng noo.
"Anong patay? Bagong kasal pa nga lang 'yon! Mag-iisang taon pa lang kaya anong patay?" Napanganga na lang ako.
"Ano pong a-apilyedo?" tanong ko.
Sa totoo lang ay nagbigay sa akin iyon ng goosebumps ang thought na iyon. Seriously? Patay na raw ang kapatid niya sabi ni Cadie!
Naalala ko pa talaga na Vera ang pangalan nito. Sinabi niya sa akin iyon!
"Hindi ko sure, pero something like Miller, gano'n. Parang Miller na. Iyon iyong apilyedo niya pagkadalaga, bakit?" tanong niya. Napakibit-balikat naman ako. Baka naman ka-pangalan lang.
"Engrande po ba iyong kasal?" I asked.
"Hindi naman, simple lang," sagot nito. Tumango na lang ako.
"Baka nagkataon lang na pareho ang pangalan nila," sabi ko pa.
"Baka nga po," sabi nito.
Salamat naman at nalingat si Mommy dahil doon. Hindi niya na tinanong iyong tungkol kay Cadie.
"Ngayon na nasa tabi mo na si Klei, eh, sana naman alagaan mo na siya, ha?" sabi niya. "'Wag mong hayaan na pagsisihan niyang sumama sa iyo rito ng kusa," sabi nito. Tumango na lang ako ulit. Ngumiti lang si Mommy at tinalikuran ako.
Nagsimula na akong mag-ayos ng gamit. Tahimik lang ang paligid ko habang inihahanda ko ang mga kakailanganin namin. Napabuga ako ng malakas na hangin. Iniisip ko si Cadie.
Nasaktan ko kaya talaga siya? Kamusta na siya? Nakakainis! Pinagsisihan ko talaga na sinabihan ko siyang lumayo sa akin pero kasi kailangan ko talagang ibigay ang buong atensyon ko sa anak ko. Magba-bonding kami bukas. I will be happy there, with my son.
Napatango-tango naman ako sa sarili ko. But I guess... I will be happier if...
I gasped. I will be happy without him. I will try! Of course. As long as I am with my son.
Nanlalaki na naman ang mata ko habang iniisip ang mga iyon. Parang pinapagalitan ko ang sarili ko. May pinipigilan ako.
Kaya kailangan ko rin tanggapin na hanggang doon na lang talaga iyong pag-uusap namin. I sighed.
Okay, fine. Nagdadalawang-isip ako, okay?! But then! I'll choose my son over anybody else. Kahit Cadie, medyo sad lang. Ano ba iyan, ang gulo ko na. Ewan ko...
Aaminin ko na, I missed him. Nami-miss ko iyong kasama ko siya tapos nagtawanan kaming dalawa. I also... napalunok ako.
Nami-miss ko na rin ang mga halik niya. Nami-miss ko na siya kausap. I'm a little bit sad because I missed him.
Hayst, i-enjoy ko na lang dapat ang sarili ko bukas. Pagpunta namin sa beach. Napatingin ako sa anak ko. Natutulog siya sa kama ko.
Nagpasya akong lapitan siyang muli at pagkatapos ay hinalikan ko siya sa noo. "I love you so much, and I am sorry for not being with you for ten years. I love you, Klei." I whispered. Ito ang unang gabi na makakasama ko ang anak ko sa pagtulog.