SEVENTEEN: HINDI DAPAT NANGYARI 'YON

3887 Words
Fe's  Sa bahay ko ako dumiretso pagkagaling namin sa lugar na iyon. Ramdam ko pa rin ang sakit at hindi ko talaga mapigilan ang pagluha ko tuwing maalala ko iyon.  Pero kahit na gano'n ay gusto ko pa ring makuha ang anak ko. Mahal na mahal ko siya kahit pagtabuyan niya pa ako. Ano nga ba naman ang aasahan ko? Wala ako sa tabi niya ng sampung taon kaya iintindihin ko na lang na ganoon talaga ang magiging reaksyon ko. Sasabihin ko na sa mga magulang ko ngayon ang tungkol sa anak ko. Iwas muna kay Kuya Boss. Ayaw kong madagdagan ang mga problema niya. He’s now really devastated. Inaasikaso na ng pamilya ni Carmie ang burial niya. Ang kapatid ko naman nagkukulong sa kuwarto niya sa mga oras na ito. Wala siyang kinakausap at gusto niyang mapag-isa. And, we all understand that.  Hindi niya matanggap na wala na si Carmie, kahit ako.  Hindi niya na makikita ang anak ko. I sighed. Hindi ko talaga inaasahan na mangyayari ito. Pati rin naman lahat ng mga malalapit sa kaniya. Si Cassie, iyak din ng iyak. Walang tigil, pina-pakalma lang siya ni James. I don’t know what’s the score between them at hindi ko na muna aalamin iyon. Sinisisi pa rin ni Cassie ang sarili niya. Kasalanan niya raw ang lahat.  Hindi ko rin maiwasang kabahan sa gagawing kong pag-amin kay Mommy mamaya. Ano kaya ang magiging reaksyon, na sampung taon na silang may apo. Tatanggapin ko na ngayon kong magagalit sila ng sobra. Kung i-tatakwil nila ako dahil sa ginawa ko ay tatanggapin ko. I am already 29 years old. I could stand with my own feet na. Ang kailangan ko lang ay ang anak ko.  Ang tangkad ng anak ko, ilang taon na lang, binata na siya.  Ang sakit lang talaga na hindi niya ako kilala. Hindi naman talaga. I sighed. Sabi ni Zera sa akin ay tutulungan niya ako para makuha ko ang custody ng anak ko, pero... namo-mroblema ako. Nasasaktan, hindi ko alam kung ano ang sunod na mangyayari.  Natatakot sa kung ano ang mangyayari. Hindi ko alam kung nakakapag-isip pa ba ako ng tama.  "Are you alright?" Napatingin ako sa Mommy ko. Napabuga ako ng malakas na hangin. Nandito kami sa couch sa living room. Ang tahimik ng buong bahay naming. Naninibago lang ako, everytime na dito ako mag-i-stay, ang lively ng paligid. Pati buong bahay ay nalulungkot sa pagkawala ni Carmie.  “Hindi ako okay, Mom,” pagsasabi ko ng totoo. Bumuntong-hininga na lamang din siya at pagkatapos ay niyakap ako. “Una, si Carmie, wala na. S-She’s my friend. Mommy…” Tumulo na naman ang mga luha ko. Nagsisimula na naman akong humagulhol.  “Shh.” “H-Hindi ko ma-imagine na mangyayari ito. Si K-Kuya Boss? Paano na siya? Paano siya nito babangon? He loves her so much. Half of his life is dedicated to her,” nauutal na sabi ko. Kasabay niyon ay ang paghagulhol ko. Totoo naman ang mga sinabi ko. “R-Remember when h-he refused to be the CEO of the company no’ng 2015? S-Sabi niya no’n, si T-Tharina na lang kasi hindi niya kakayanin na i-handle ang malaking kompanya, tsaka gusto niyang makasama lang si Carmie, ayaw niyang maging busy. Kasi si Kuya… palaging nandiyan kay Carmie, isang tawag niya lang. Pero, tinanggap niya pa rin a week after kasi sabi raw ni Carmie ay gusto niya ang idea na CEO si Kuya. So, his decision was depended on her,” hagulhol ko pa.  Hinihimas lang ni Mommy ang likod ko. "He'll cope,” sabi na lang nito.  Maybe, it’s time to tell her now. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at saka nagpunas ng mga luha.  “I want to confess something to you. This reason is the second one,” sabi ko pa. Napakunot lang ang noo ng mommy ko.  “What is it?” “T-Ten years ago, I m-made a s-stupid and regretful decision. I h-had a relationship with Zach, that time, nasa ibang bansa kayo ni Dad no’n, si Kuya naman, b-busy sa c-competition nila sa basketball,” garalgal ang boses na sabi ko.  Lalo siyang naguluhan. “Zach?” nakakunot noong tanong niya. Tumango naman ako sa kaniya.  “Zachary Consejo, Misael’s cousin,” sabi ko pa sa kaniya.  “And then what happened?” mataman lamang siyang nakikinig sa akin. “May nangyari sa amin. He never forced me, ginusto ko rin iyon. Dahil do’n, may nagbunga.” Napanganga siya sa sinabi ko.  “Don’t tell me na nabuntis ka ni Consejo? If oo, nasaan ang baby?”  Napahagulgol ako. Yumakap ulit ako sa kaniya at hagulhol lamang ng hagulhol. “I-I am really sorry…”  Kumalas lang siya sa pagkakayakap ko sa kaniya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Tiningnan niya ako ng diretso at seryoso. “What happened?” may diin na tanong niya.  “I experienced cryptic pregnancy; it means I wasn’t aware that I am pregnant. Nalaman ko lang no’ng araw na manganganak na ako. N-Natakot ako sa responsibilidad, natakot ako kay Daddy. Ipinagmamalaki niya ako sa lahat, I am intelligent and beautiful. Pinagmamalaki niya ako. Natakot ako na itakwil niya ako katulad nang pagtakwil ni Tito Steven kay Rance noon,” I said, sobbing.  It’s true. Tito Steven disowned my cousin, Rance, before. Medyo hawig lang sa problema ko about sa pregnancy, nalaman kasi ni Tito ang kagaguhan ni Rance. Nakabuntis siya pagkatapos ay pinipilit ni Rance na ipalaglag ito. Nangyari iyon, bago pa ako manganak.  Dahan-dahan nanlaki ang mga mata ni Mommy, umiiyak na rin siya. Ako naman ay nagpatuloy lang sa pagsasalita. “Mommy, I met in the hospital the family Catridge. They couldn't have a baby. I offered my child to them," I weeped.  Napatakip si Mommy ng kaniyang bibig. “What did you do?” umiiyak na sabi nito. “Why didn’t you tell us?”  “I was scared,” sabi ko pa. Patuloy lang ang pag-agos ng luha ko. Niyakap niya na lang ako at sabay kaming umiyak.  “Nasaan na siya ngayon?” tanong nito sa akin.  “Wala na siya sa mga Catridge, nasa poder siya ni Zach at nilalayo nila ito sa akin. We’ll file a case, aabot ito sa korte, will you support mo?” I asked, still sobbing. Tumango lamang siya sa akin. “Are you mad at me?” I asked. Umiling siya at kumalas sa pagkakayakap sa akin.  She stood up. “I am not mad. I am disappointed. You should’ve told us, you should’ve trusted us,” sabi nito at saka tinalikuran ako. Lalo lang akong napahagulhol.  Napatakip lamang ako ng mukha at nagpatuloy sa pag-iyak.  Hindi ko alam kung ilang minuto bago ako tumigil sa pagluha. Ngayon naman ay nakatulala lang ako rito, nag-iisip-isip nang bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Napatingin ako roon, it was from unknown number. Hindi ko sana sasagutin pero baka importante lang.  “Hello?” lantang-gulay kong bati sa tumawag.  “Where are you now?”  I blink a few times. Nakilala ko kaagad ang boses na iyon. It was from him. “Hindi ako umuwi ng condo. Nandito ako sa bahay,” may lungkot pa rin sa boses ko kahit na pinipilit ko na hindi ipahalata sa kaniya. Ayaw kong ipahalata kay Cadie na malungkot ako ngayon.  Naalala ko ang nangyari sa amin nang gabing iyon. Hindi ko na nga pala siya nakausap kahapon after niyang umalis. Napangiti ako… pero, na-freeze iyon nang maisip ko kung ano ang nangyari sa amin. Damn! Where’s my brain? We had s*x! Napalunok na lang ako. Sa sobrang occupied ko ay hindi ko ito napag-isip-isip kaagad. Ginusto ko iyong nangyari. Pero may mali, eh. Parang na-hi-hipnotismo talaga ako sa kaniya! “Would you mind if I go there?” tanong niya pa sa akin. Napalunok lang akong muli.  “D-Dito?” “I wanted to see you,” sabi nito. Ano? What should I do? Kailangan ba magsimula na akong iwasan siya? May nangyari sa amin! Akala ko kasi kaibigan lang kaming dalawa pero anong nangyari? Bakit ng aba nangyari iyon? Damn. Ang dami kong problema, unang-una na ang anak ko. Ayaw kong may dumagdag. Ayaw ko ng commitment. Ayaw kong mag-asawa. I will spend my whole life with my son.  “S-Sure,” sagot ko habang napapapikit. “See you,” sabi niya pagkatapos ay pinatay na ang tawag. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Dapat talaga ay iniiwasan ko na siya. Pero alam ko sa sarili ko na may parte na ayaw kong umiwas siya sa akin.  I sighed.  I wonder kung paano niya nakuha ang number ko. Baka kay Keith. Alam ko kasi ay hindi pa kami nagpapalitan ng numbers. Hindi rin siya nagtanong ng address ng bahay namin. Malamang ay alam niya na rin kung ano ang address ng bahay ko. So, he’ll come here. Tumayo na ako sa couch at naghilamos. Nagpalit na rin ako ng damit. Si Mommy naman ay nasa kuwarto niya. Malamang, may sama pa rin siya ng loob sa akin. Pagdating ni Daddy mamaya ay idi-discuss ko rin sa kaniya ang kad*wagan ko. I sighed.  Maya-maya pa ay tinawag ako ng isa sa kasambahay namin at sinabi nito na may naghihintay sa akin sa labas. Malamang sa malamang ay si Cadie na iyon. Again, kung tatanungin ako kung nagustuhan ko ba ang nangyari sa amin, I would say yes. Magsisinungaling ako kung hindi, he’s still gentle. Napapalatak na lang ako dahil sa kaisipang iyon.  Maliban lang no’ng first meeting namin. Mayabang iyong pagkakakilala ko sa kaniya. Simpleng sorry lang hindi nagawa? Kailangan ko pa talagang sabihin sa kaniya? Nag-sorry nga, wala namang sinseridad. Pero, no’ng hinalikan niya ako sa elevator. Hindi ko maiwasang mapa-ngiti. Bigla ko kasing naalala iyong ngisi niya bago magsara ang pinto ng elevator. Mukha siyang tanga pero hindi ko i-tatanggi na pogi talaga siya. Tapos nang gabing iyon, I saw his body. Like I’ve said, he has a great body. Parang gusto ko na lang sa kaniyang yumakap maghapon.  Napakagat-labi na lang ako. Masyadong malaswa nasa utak ko, hindi ko dapat ito iniisip sa mga oras na ito.  Napatikhim ako nang makita ko siyang nakatayo sa may gilid ng living room naming. Nakatayo siya sa harap ng glasswall. Dahan-dahan na lang akong lumapit sa kaniya. Hindi ko alam kung dapat ba akong mahiya o ano. “Cadie…” Mahina lamang ang mga boses ko nang tawagin ko siya. Dahan-dahan niya na lang akong hinarap. Pinipigilan ko na huwag mapa-ngiti pero hindi ko pa rin talaga maiwasan. I am glad that he’s here. Malapit na ako sa kaniya, kaya niya akong abutin kaya after niya akong lingunin ay hinili niya lamang ako papalapit sa kaniya. Nagulat ako and I thought he was going to kiss me on my lips. But I was wrong, pinagdikit niya lang ang mga noo naming. My eyes widened while looking at his closed eyes.  “I miss you,” mahinang sabi niya sa akin.  Mariin naman akong napa-pikit. Napakagat na lang akong muli ng labi, hindi ko na naman ang sarili ko. I hugged him. Parang gusto ko na namang umiyak. “Do you want to go out?” he asked me. “Candy shops? What do you want?” tanong niya pa sa akin.  Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. “No need, puwede ba kitang m-makausap?” I asked him. Iniwasan na huwag tumigin ng diretso sa kaniya. Baka kasi hindi ko masabi iyong gusto kong sabihin sa kaniya kapag tumingin lang ako ng diretso sa nang-hi-hipnotismo niyang mga mata.  “You’re talking to me right now,” sabi niya pa sa akin. He smiled at me.  I purse my lips before talking, “It’s about what happened to us. Hindi dapat nangyari iyon, and I guess. This is the last time that we’re gonna talk. A-ayaw ko nang mag-usap tayo ulit,” nag-aalangan pang sabi ko sa kaniya. “Are you avoiding me?” tanong niya sa akin. Nagsalubong na rin ang mga kilay niya na animo’y naguguluhan.  Tumango naman ako sa kaniya. “Yes, Cadie,” sabi ko sa kaniya. “Isang beses lang nangyari, huwag nang ulitin. I thought we could be good friends. But I was wrong. I should’ve let that happen.” “Why?” mariin at naguguluhan niyang tanong sa akin. Napahilamos naman ako ng mukha. Paano ko ba sa kaniya sasabihin ito? Paano? Siguro… dapat maging honest na lang ako. Hindi ko na kailangang magsinungaling. Baka lumala pa.  “B-Because…” Minabuti ko talaga na hindi ako nakatingin nang diretso sa mga mata niya kaya maayos pa naman ang mga salita ko kahit na naluluha na ako. “Ayaw kong mag-asawa,” sabi ko pa sa kaniya.  “Kung ayaw mong mag-asawa, hindi naman kita pipilitin. I don’t understand why you're telling me this,” sabi nito.  “’Di ba, alam mo naman na iyon? Ayaw ko ng commitment ngayon, Cadie. I’m sorry,” sabi ko at saka napayuko.  “What’s your real reason?” tanong niya sa akin. Hindi naman ako sumagot o nag-angat ng tingin. “Look at me, what?”  “I… have” –   I heaved a deep sigh – “I-I have a son,” sabi ko at napakagat-labi. Siguro, baka layuan niya talaga ako kapag nalaman niyang may anak ko.  “So?”  Hindi ko lang maiwasang manlaki ang mga mata. Hindi ko ine-expect na ayon ang i-sasagot niya sa akin. Dahan-dahan akong nag-angat muli ng tingin sa kaniya. He’s now clenching his jaw. “Ano naman kung may anak ka?” “Look, Cadie. Sampung taon kong hindi nakasama ang anak ko. Kailangan kong ibigay sa kaniya ang buong oras ko. Kailangan ko siyang pagtuunan ng pansin kaya sana maintindihan mo ako,” sabi ko pa sa kaniya.  Tiningnan niya lang ako nang diretso. “Do you regret what happened that night?” he asked me seriously. Napakagat-labi lang ako.  “Ayaw ko ng commitment. Wala akong balak,” sabi ko na lang.  “Great,” sabi niya na lang. “It’s nice seeing you today,” sabi niya sa akin. Tumingin na ako ng diretso sa mga mata niya. I saw frustrations and pain. Did I hurt him? Parang gusto ko na lang lunurin ang sarili ko pero hindi puwede. Hindi pa ako puwedeng mamatay dahil pupunan ko pa ang pagkukulang ko sa anak ko.  “I’m s-sorry,” nauutal pang sabi ko sa kaniya. Tumango lang siya bago niya ako tuluyang talikuran. Pinanood ko siya na maglakad papalayo sa akin.  Dahan-dahan namang nagsi-tuluan ang mga luha sa mga mata ko. He didn’t look back.  Napatakip na lang ako ng mga mukha ko at nagpatuloy ng pag-iyak. Basang-basa na ang palad ko dahil sa mga luha ko. I don’t regret what happened then, but I regret this. I regret what I said to Cadie. But I guess this is the right thing to do. I should focus on my son.  Cadie’s “What do you think?” Keith asked.  “I think, that’s a good idea. Ang kaso matagal pa naman ang pasko. Bakit ba pinag-uusapan natin ito?” tanong naman ni Arsye.  “Ber months naman na, puwede nang pag-usapan iyon,” sagot naman ni Keith. Nandito kami sa maliit na office na ipinatayo namin. This is for R’s, dito rin kami nagtitipon kapag may pag-uusapan o may kailangang gawin sa foundation. Dito rin nagpapadala ng donation ang mga gustong mag-donate.  “Still, ang aga pa rin. Ayaw mo lang siguro na mapunta kay Alonzo number 3 ang usapan, eh,” sagot pa ni Arsye. Sinamaan lang siya ng tingin ni Keith. “What? Nakita ko kaya kayo na magkasama kahapon. Sana all may payakap,” sabi pa ni Arsye. I raised my left eyebrow. May something ba sa kapatid ni Carmie at Keith?  “Nasaan nga pala si Richsza?” pag-iiba ni Mathilda sa usapan.   Si Geo ang sumagot, “Kausap ko siya kanina. Ngayon daw ang flight niya papuntang Baguio.” Hindi ko naman maiwasang maptingin kay Kate na tahimik lang din. I know that he’s still sad. Kahit ako naman ay nalulungkot sa nangyari kay Carmie Alonzo. “Ano namang gagawin niya sa Baguio?” tanong naman ni Arsye. Lahat na rin sila ay napatingin kay Kate.  Napansin naman ni Kate iyon kaya nagtaka siya. “Oh, bakit?” nagtataka nitong tanong. Nginitian siya ni Mathilda.  “Don’t tell me, hindi pa rin kayo nagbabati ni Richsza?”  “Bakit naman hindi pa kayo nagbabati. Pamilya tayo rito ‘di ba?” sabi naman ng kapatid ni Mathilda na si Arsye.  “Huwag ka na magtaka, eh, ex-girlfriend ni Kate si Richsza,” sabi naman ni Geo.  “Baka nasa harap niyo ko? Ang gagaling niyo, ah,” sabi naman ni Kate at napatayo sa kinauupuan niya. Iniwan niya na kami sa loob ng room na iyon.  “Ayan nag-walk out tuloy,” saad ni Arsye.  “Badtrip na naman,” “Malungkot pa rin nga kasi si Kate, even me, we all love Carmie,” singit ni Keith sa usapan. Mahahalata rin talaga ang lungkot din sa mga mata niya.   Napabuntong-hininga lang din si Arsye. “I love her too. Because of her, I’m still standing here,” nakangiting sabi ni Arsye. Naalala ko naman bigla ang tungkol kay Arsye. Sinubukan niya kasing magpakamatay dati siya dati, buti na lang ay niligtas siya ni Carmie.  “I will miss her,” dugtong niya pa. Natahimik na lang kami ng ilang segundo pero binalik lang ang topic kay Keith ni Geo. “Ano pa ba ang kinaba-badtrip-an ni Kate ngayon?” tanong nito.  “Hindi lang kasi si Richsza, may isa pa raw na bumalik,” sabi naman ni Mathilda. Nagkatawanan silang lahat. Bumaling si Mathilda kay Keith. “Ano? Pag-uusapan pa ba natin ang ganap ngayong pasko?” tanong nito. Napakamot na lang ng kaniyang ulo si Keith.  “’Wag na muna siguro, aalis na rin ako. Gusto akong makausap ni Phia. Mathy, paki-record na lang muna iyong funds ngayon. I have to go,” sabi nito pagkatapos ay tuluyan na siyang umalis. Dadaanan niya ako kaya tinapik niya na ang balikat ko. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Geo. Pareho kaming napangiti. “Ano namang binabalak niyong dalawa?” tanong ni Mathilda sa amin nang mapansin niya kami.  “Wala naman, we have to go na rin,” sabi pa ni Geo kay Mathilda pagkatapos ay hinila niya na ako palabas.  “So, the Oplan: Pagbatiin si Mama ko at Mama mo starts now!” sabi niya at nagkatawanan kami. Sumakay na kaming pareho sa sasakyan ko. Inihatid ko siya sa bahay nila at pagkatapos ay umuwi na rin ako sa bahay.  Magkikita naman kami mamayang gabi. Natawa na lang ako sa idea na ito, pero gusto ko rin naman talagang magbati sila Mama. Alam na naming na magpinsan kami, alam na rin ni Tita Lagros na anak ako ng half-sister niya pero hindi naman siya nagalit.  Si Mama lang talaga itong galit na galit.  Nakaramdam na naman ako ng lungkot nang maalala ko si Fe. Tatlong linggo na ang nakakalipas nang magbati kami ni Geo. Naging maayos kami at sinusubukan niyang bumalik kami sa pagiging normal na malapit na magkaibigan, and I am glad. Babalik din naman siya sa Japan, hindi ko alam kung ano ang babalikan niya pa sa Japan, may trabaho ba siya roon? I don’t know. I asked her once pero ayaw niya namang sagutin.  Tatlong linggo na rin ang nakakalipas nang huli kong makausap si Fe. I don’t have any idea that we’ll end up like that. But the truth is, I missed her every day. I wanted to call her, may number niya naman ako pero hindi ko na lang ginawa. Pinupuntahan ko na lang ang bahay niya araw-araw.I'm hoping to get a glimpse of her. Araw-araw akong dumadaan sa bahay nila para silipin man lang siya mula sa labas pero hindi ko naman siya nakita. Hindi rin siya pumapasok sa opisina, iba ang gumagawa ng trabaho niya.  Hindi ko pa alam ang tunay na dahilan kung bakit ko ginagawa iyon. I like her, and I admit that. I’m still figuring out if I love her.  She told me that it was our last talk but I… I just couldn’t accept it. But I heard the news about her and her ten-year old son. Sinabi rin sa akin ni Keith na pinsan ni Misael Consejo ang ama ng anak niya. I sighed, wala pa akong masyadong, ayon lang ang alam ko.  Nasa korte raw sila sa mga oras na ito. Para sa custody ng anak ni Fe. Kailan ko kaya ulit siya makakausap? Makakasama ko pa ba siya? Makakausap ko pa ba siya?  I missed her. I wanted to kiss her, hug her and make love to her again. She’s my first. My first kiss, at ang unang babaeng nakasama ko sa kama. Gusto ko na siyang makausap pero pinapatapos ko na muna ang problema’t isipin niya. Alam ko naman na iyon talaga ang gusto niyang iparating sa akin sa huli naming pag-uusap.  Na magiging problema at sakit ng ulo ang dala ko sa kaniya.  “You’re here…” my mom said, smiling. Nandito na ako sa bahay at nakita ko kaagad ang mga gamit dito, parang maglilipat bahay kami.  Ngumiti lang din ako pabalik sa kaniya. “Ayos na ba ang lahat?” I asked. I turned to Ani. “Are you ready?” Tumango-tango lang sa akin si Ani.  “Yes!” sabi nito sa akin. Lumapit ako sa kaniya at ginulo-gulo ang buhok niya.  “Then, we gotta go,” sabi ko pa. Tinaasan naman ako ng kilay ni Mama.  “Hindi mo pa rin sinasagot nag tanong ko bakit gusto mong mag-outing tayo sa beach?” sabi nito. Natawa na lang ako. Si Geo ang tanungin mo, Ma, siya ang nakaisip nito. Ang plano ay lahat kami nila Geo ay pupunta sa beach at sisiguraduhin namig na magkakaroon ng bonding time at acceptance ang mga magulang namin ngayon.  “Kasi, lagi na lang po kayong stress. Pati rin po si Ani, sa pag-aaral niya,” natatawa na lang na sabi ko.  Lumabas naman na kami ng bahay. Ipinasok ko na sa kotse ko ang lahat ng gamit na dadalhin namin sa beach resorts and hotel kung saan kami nagpa-reserved. “Aalis na ba tayo ngayon?” tanong pa ni Mama.  “Oo nga, aalis na tayo. Medyo malayo-layo pa ang biyahe,” sabi ko pa.  “Tatlong araw lang tayo ro’n, ah?”  Natawa ako pati na rin si Ani. “Ayaw mo bang sumama, Ma?” tanong ni Ani.  “Gusto naman,” umirap pa si Mama.  “Kung ayaw mo, Ma, huwag na tayong tumuloy,” sabi ko naman. Sumimangot lang si Mama. Siyempre, hindi iyan sasang-ayon sa sinabi ko dahil unang-una naayos na ang mga gamit namin. Pangalawa ay si Ani, nandito.  “Tutuloy tayo, siyempre! Minsan lang naman tayo mag-ganito! Tara na!” sabi nito. Pumasok naman kaming lahat sa kotse. Ako naman ay may ngiti lang sa labi.  Right now, ang nasa isip ko ay ang plano ko na lalapitan ko na talaga si Fe. I wanted to talk to her. After three days… Pagka-uwi na pagka-uwi namin galing beach
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD