3 Months Later 3rd Person POV "Kumusta ka?" Agad napalingon ang dalaga sa taong pumasok sa bahay na kan'yang tinutuluyan. Tatlong buwan na ang lumipas matapos ang mga kaganapan sa buhay ng dalaga at tanging ang taong ito lamang ang nakakaalam kung nasaan s'ya dahil ito mismo ang nagdala sa kan'ya dito. "Ayos lang," tugon nito at sinalubong ang bisitang may bitbit ng mga kailangan n'ya sa susunod na mga araw. Kumpleto ito sa pagdala ng mga supply n'ya. Gamot, pagkain at mga prutas kahit pa minsan ay s'ya mismo ang pumupunta sa wet market para mamili ng mga fresh na kinakain n'ya. Maganda ang bahay na pinagdalhan sa kan'ya. Maraming punong nakapaligid at sariwang hangin ang nalalanghap n'ya, ibang iba sa hangin ng iniwang lugar. Matapos ayusin ng dalawa ang mga supply na dinala ng b

