DANIEL Huminga ako nang malalim at pumikit bago bumaba ng kotse ko at muling kumatok sa bahay nila Liane. Tatlong araw na ang makalipas matapos ng huli kong kita kay Liane at hanggang ngayon ay hindi ko pa din matanggap. Kahit anong pulot ko sa puso kong nagkapira-piraso, nabibitawan ko pa din at mas nadadagdagan ang sakit na natatamo ko. Hindi ko mapigilan makumpara ung nangyari sa amin ni Nicole sa nangyari sa amin ni Liane. Madali kong napulot ung sarili ko no'n! Siguro dahil alam kong mas mahal ko si Liane kesa kay Nicole, mas kaya kong panindigan si Liane kesa kay Nicole. "Ikaw na naman! Wala nga ang ate ko! Hindi namin alam kung saan nag punta?! Dahil sa'yo! Umalis ang ate ko! Kaya umalis ka din dito sa bahay namin!" bungad na sigaw ni Denver sa akin. Ramdam ko ung galit n'ya a

