[LD2: VI]

3218 Words
[LD2: VI]   TORRENCE’S POV     “Are they dead already?” -Hail   “We can help you Tori! We can hire killers to shoot them!”-Gail   “Hey Gail you’re so brutal! Tori we can talk to our parents about your case. They can help!” -Hail   Nagtatalo na naman ang kambal ng tadhana. Kaya minsan ayokong nalalaman nila ang nangyayari sa’kin. Kaya lang paano ko naman maiiwasan eh halos kalat sa buong school kaya naghigpit ang security. Bawal na din dumaan sa likod ng basta-basta. Kelangan may makidnap muna bago maghigpit.   “How are you now? Are you okay? Do you need a rest?” nakakatuwa naman kasi halata sa mukha nila na nag-aalala sila sa’kin.   “Don’t worry girls. She’s fine. Pababayaan ko ba naman sya?” mabuti na lang at nandito din si Cliff. Hindi na sya basta-basta umaalis sa tabihan ko ng wala akong ibang kasama. Mas natrauma pa ata sya kesa sa’kin.   “Thank you so much Cliff for saving our Tori.” Papayakap na sana si Hail kay Cliff pero pinigilan sya ni Gail. Napakakulit talaga nitong dalawang ‘to.   “Bakit ka ba kasi nakidnap? Anong gusto nila sa’yo? May kinalaman ba ‘to kay Cliff?” tanong ni Gail na medyo sumama ang tingin kay Cliff.   “No! Walang kinalaman si Cliff sa pagkakakidnap ko. Tingin ko mistaken identity lang. Nun lang din kasi nalaman ng mga kidnappers na kilala ko si Cliff so alam kong hindi dahil kay Cliff kung bakit ako nakidnap.” Umakbay sa’kin si Cliff. Mas protected ang pakiramdam ko ngayon alam kong nandyan lang si Cliff. Alam ko namang hindi nya ko papabayaan.   “Binayaran ko na nga lahat ng media para hindi na makarating kina grandma ang nangyari. Mabuti na lang at madali silang kausap.” Sabi ni Cliff habang nilalaro ang kamay ko.   “Ay naku lahat naman nakukuha sa pera.” Sabi ni Gail while rolling her eyes. “Pero kung nakidnap si Tori, willing akong magbayad ng malaki matubos lang sya.”   Natawa naman ako kay Gail. Mataray nga sya pero busilak naman ang puso nya. Kahit palagi silang nag-aaway ng kapatid nya mahal na mahal naman nila ang isa’t isa.   “Oh my gosh we need to go! Pinapauwi kasi kami ng maaga ng butler namin. May darating daw kaming relatives.” Sabi ni Hail na nagmamadaling tumingin sa cellphone nya.   “Tatawagan ka namin agad Tori once na matapos ang family thing na yun. If you need anything, just give us a ring okay?” nagbeso na sa’kin ang kambal ng tadhana.   “Thank you girls. I love you two.” At alam kong magtatalo na naman sila kung sino sa kanila ang una kong mahal kaya ako na ulit ang nagsalita. “Pareho kayo. Pantay. Walang una, walang pangalawa okay?!!”   Nagnod lang si Hail na parang isang bata. Umalis na silang dalawa habang sinasabi ni Hail na pantay ang pagtingin ko sa kanilang magkapatid at hindi dapat lumamang si Gail. Napakasaya nilang dalawa. Parang wala silang problema kundi kung sino ang mas mahal ko sa kanila at kung anong mas bagay na gamit ang bibilhin nila para sa’kin. Maswerte ako at nagkaron ako ng kaibigang tulad nila at ng boyfriend na katulad ni Cliff.   Tinitigan ko sya ng matagal. Sino bang mag-aakala na ang hinahabol ko dati nasa harapan ko na ngayon. Pinoprotektahan ako at inaalagaan. Napakaswerte ko naman talaga. Hindi ko mapigilang mapangiti.   “Bakit ka ngumingiti dyan ha?” tanong ni Cliff habang hinahaplos ang pisngi ko.   “Wala naman. Naisip ko lang yung mga pinaggagawa ko dati para lang mapansin mo ko. Naalala ko pa nung sinundan ko kayo ni Jane. Nakakahiya ako nun.” Natatawa kong sabi.   “Mas ako kaya ang nakakahiya nun, nakita mo akong umiiyak.” Umupo si Cliff sa tabihan ko habang hawak-hawak nya pa din ang kamay ko.   “Nakakatuwa lang isipin na sa ganito din pala mauuwi ang lahat.” Nakatingin lang ako sa kamay namin na magkahawak.   “What do you mean?” parang nag-iba ang tono ng boses ni Cliff. Parang bigla syang nalungkot. “Nagsisisi ka na ba? Nagbago na ba ang isip mo?”   “What?” hinampas ko sya ng mahina. “What I mean is tayo din naman pala bakit kelangan pa nating dumaan sa kung ano-anong obstacles. Kelangan pa nating masaktan, umiyak, mahirapan. Siguro mali lang talaga ang naging desisyon ko dati.” Sa natatandaan ko kasi ako ang lumayo kay Cliff. Ako ang umayaw dahil lang sa ilang beses akong nasaktan dahil sa kanya. Pero nung nawala si TOnsi sa buhay ko mas maraming sakit yung naramdaman ko at si Cliff ang nandito sa tabi ko sa mga panahong yun.   “Lahat naman ng mga nangyayari may dahilan. Isa pa kasalanan ko naman. Kung hindi kita nasaktan ng paulit-ulit noon eh di sana sa’kin ka na dati pa. Hindi ko pa kasi agad narealize dati dahil masyado pa kong bulag kay Jane. Masyado din kasi kong nabibilisan sa mga nangyari. Naisip ko lahat ng bagay may right time. Kapag nagmadali ka madali ding mawawala lahat.” Napatigil ako sa sinabi ni Cliff. Parang tama sya, mabilis kaming nagsimula ni Tonsi. Isang biglaang pangyayari kaya naging kami. At isa na namang mabilis na pangyayari na magpapakasal kami agad. Kaya sa isang iglap nawala lahat. Sa sobrang bilis ng lahat, sobrang bilis ding nawala.   “Nagbago man lahat, nandyan ka pa din at super thank you kasi hindi ka nawalan ng pag-asa. Paano na lang kung umalis ka na talaga bago pa lang kaming ikasal ni Tonsi, siguro nasa ibang babae ka na ngayon.” Niyakap ako ni Cliff.   “Kahit nasaan naman ako ikaw pa rin ang iisipin ko. Kahit may kasama man akong iba babalik pa din ako kapag kelangan mo ko. Pero dahil nandito ako at wala akong kasamang iba, wala ka ng dapat isipin okay? Iniisip ko ngang ipakilala ka na kina grandma.” Bigla akong napahiwalay kay Cliff dahil sa sinabi nya.   Sa reaction ko alam na nya kung anong ibig sabihin. I mean, ayoko. Hindi pa ko ready. Sa kwento lang ni tita Leticia alam ko na kung anong klaseng tao ang grandma ni Cliff. At alam kong hindi nya ko magugustuhan.   “Ayaw mo ba?” seryoso nyang tanong.   “Hindi naman sa ayoko kaya lang – kaya lang alam naman natin na hindi nya ko magugustuhan. Ayoko lang maulit yung nangyari sa papa mo at kay tita Leticia. Gusto ko ready na ko kapag pinakilala mo ko sa kanila.” Alam ko namang naiintindihan ako ni Cliff. Alam nya din kung anong nangyari sa mga magulang nya. Bakit ba kasi ganun ang mayayaman. Mas marunong pa sila sa buhay ng mga anak at apo nila. Puro pagpapayaman na lang ang nasa isip, hindi man lang nila tinanong kung masaya pa ba sila.   “I understand. Pero kapag may event sa bahay isasama kita whether you like it or not.” Hindi pa ko ready at alam ni Cliff yan pero kung wala namang mangyayari sa’king masama why not di ba?   “Ang bilis naman ng oras. Aalis na nama ako at babalik sa company. Bilisan mo ngang gumraduate para palagi na tayong magkasama.” Gumagawa talaga ng paraan si Cliff para makapagkita kami. Ganyan ako kaswerte kaya naman ang iba ang tingin sa’kin ng mga tao dito. Mga inggitera kasi sila. Sinasabi nila na nakajackpot daw ako. Na totoo palang niloko ko si Tonsi. Na pinagsabay ko ang magkapatid. Ay naku dahil immune na ko sa mga sinasabi nila hindi na ko tinatablan. Kahit naman anong sabihin nila hindi naman magbabago tingin ni Cliff sa’kin.   “I gotta go. I’ll call you later. Hindi kita mahahatid ngayon ha. May meeting kasi ako at may imemeet pang client.” Tumayo kami at tumingin ako sa kanya.   “Thank you so much cliff. I’m so lucky to have you. Wala akong kahit ano pero minahal mo pa din ako. Kung tutuusin madami dyang mayayaman at magagandang babaeng nagkakandarapa sa’yo pero ako pa din ang pinili mo.” Maluluha na sana ko sa tuwa pero bigla nya kong niyakap ng mahigpit na mahigpit.   “Wag ka na nga ulit magsasalita ng ganyan. Ako ang maswerte Torrence. Dahil kahit na sa’kin na ang lahat hindi pa din sapat kung wala ka. You complete me. Ikaw lang. Wala akong pakialam kahit sinong babae pa ang magpakita sa’kin pero hinding-hindi ka nila mapapalitan. Ayoko ng ganito ha. Gusto ko masaya lang tayo palagi. Nandito ako para pasayahin ka at hindi para maliitin mo ang sarili mo. Okay?” Wala na akong ibang nasabi. Niyakap ko na lang din sya ng mahigpit na mahigpit. Ang lalaking kayang ibigay ang buhay para lang sa’kin. Wala na kong mahihilang pa kundi magtagal kaming dalawa.   Humiwalay sya sa’kin at tumingin sa relo nya. “Take care. Tawagan mo ko agad kung may problema. Okay? I love you.” At humalik sya sa cheek ko.   “I love you too.” Pinagmasdan ko syang maglakad palayo habang ako naiwang nakatayo at parang naging yelo sa sobrang saya ng pakiramdam ko. Pero natatakot na kong maging sobrang masaya baka mamaya bigla na naman ‘tong mawala. Maganda na yung magexpect ako ng mga hindi magagandang bagay na pwedeng mangyari para naman hindi na ko masyadong mahirapan at masaktan ng todo kapag nangyari na.   Naglalakad ako papunta sana sa library ng bigla akong may nakitang babae na parang binubully. Lumapit ako sa pwesto nila at nakita ko sya na inaagaw ang bag sa dalawang lalaki at isang babae.   “This is mine!!!” sabi nya habang higit-higit ang bag.   “Di naman yan bagay sa’yo!! Ibigay mo na kasi kung ayaw mong masaktan!!” sigaw nung babae.   “Hoy! Tigilan nyo nga yan!!” nagulat silang tatlo ng sumigaw ako.   “Oh, look who’s here.” Hindi ko naman kilala kung sino yung babaeng yun at kung bakit nila inaagawan ng bag ‘tong walang kalaban-laban na babae. Pasalamat sila wala sina Gail at Hail kung hindi baka kung ano nang nasabi nung dalawang yun. Wala naman din akong karapatang magsalita ng kahit ano dito dahil hindi naman ako mayaman katulad nila.   “Ang yabang dahil girlfriend lang sya ni Cliff.” Bulong ng panget na babae ‘to.   “Kahit hindi ako girlfriend ni Cliff pipigilan ko pa din kayo sa ginagawa nyo kaya alis na!!!” hinigit ko sa kanila ang bag ng babaeng ‘to. Mukhang nakita ko na sya pero parang hindi sya yun. Simple na lang kasi yung suot nya at parang hindi katulad ng ibang sosyal dito sa school. Iniabot ko sa kanya yung bag nya. “Thank you so much.” Tiningnan nya ang bag nya at may kinuhang papel. “Oh my gosh I’m so late. What am I gonna do?” bigla syang nagpout. Uh, she’s so cute. Saan ko nga ba sya nakita?   “Are you new here?” napatingin sa’kin yung babae. Tinitigan nya ko ng ilang segundo na parang tinatandaan kung sino ako. Well nagtitigan lang kaming dalawa na parang ewan.   “Miss?” tanong ko.   “You look familiar. Have we met before?” Actually yan din ang gusto kong itanong sa kanya kanina pa.   “I don’t think so.” Pinilit ko talagang alalahanin kung san ko sya nakita. Di ko alam kung nagkita na nga talaga kami o marami lang talaga syang kamukha.   “I remember, you’re the girl in red.” At naalala ko na sya yung babaeng nabangga ko sa likuran ng school bago ako makidnap.   Teka – makidnap and pareho kaming nakared that time. Hindi kaya –   “I heard what happened to you and I’m so sorry. I hope you’re okay.” Kanina pa sya nageenglish. Hindi ba sya marunong magtagalog?   “I’m okay and thanks. But I gotta go so you take care.” Papatalikod na ko ng bigla nya kong hinawakan.   “I need your help. I’m lost and I can’t find my rooms.” Iniabot nya sa’kin ang registration form nya. Wow, ano ‘to may bago na naman akong aampuning nawawala parang sila Gail at Hail lang. Pero okay lang, mukha naman syang mabait yun nga lang ayaw magtagalog. Duduguin ata ko sa babaeng ‘to.   “Magkalapit lang pala yung ilang rooms natin at meron pa tayong subject na magkaklase. Great.” Sabi ko lang sa sarili ko yan pero naintindihan nya kahit tagalog.   “Really? You’re an angel. By the way I’m Penelope and you are?” iniabot nya ang kamay nya sa’kin.   “I’m Torrence.” At nagshake hands kami.   “I hope we can be friends.  I don’t know anyone here and they treated me bad since I started to change my image. My family told me to be a normal student so no one can recognize my whole identity that’s why I’m wearing this clothes.” So what’s her point? Tulala lang ako habang nagsasalita sya. Napatingin sya sa’kin ng mapansin nyang wala pa rin akong imik.   “I mean – ” nag-isip sya saglit, “ – protektahan my identity kasi someone tried to kidnap me but they got the wrong person.” At dun ko naconfirm na dapat sya nga ang makikidnap.   “So ikaw dapat ang makikidnap at hindi ako?!!!”   “What?” anong what? What na ako yung nakidnap o what dahil hindi English?   “I was kidn*pped because of you.” hirap naman sabihin sa English nung sinabi ko.   “I am so sorry. I didn’t know about that kidnap thing. I just heard it this morning from the students then they bullied me for no reason.” Paiyak na sya at di ko alam ang gagawin.   “You’ll get used to it. Hindi kasi sila sanay makakita ng mga students na ganyan ang suot dito sa academy. Ganyan din ako dati pero nalampasan ko naman.” Naiintindihan ba nya ko?   “Naiintindihan kita. Don’t worry.” Halos mapatumbling ako ng marinig ko syang magsalita ng tagalog. Medyo nakakatuwa ang accent nya pero I’m glad marunong sya at hindi na ko mahihirapang mag-explain in English.   “Sino ka ba talaga?”   “I can’t tell you now but you’ll find out soon.” Kinuha nya sa’kin yung registration form nya. “Can I have your number? Please please.”   Okay din ‘tong babaeng ‘to. Buti na lang cute sya at mukha namang mabait. Baka wala talaga syang kakilala dito. Pero dapat ko ba syang iwasan dahil muntik na kong mamatay dahil sa kanya? Pero kelangan ko din ng info. Isa pa parang ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong mapalapit sa kanya. Ang weird.   Hindi na ko nagsalita pa, inabot nya ang phone nya sa’kin at sinave ko naman ang number ko.   “Yey! Thank you so much. Can I call you anytime?” Hindi pa din ako nagsasalita. Feeling ko kasi another Hail ‘tong babaeng ‘to. Isang Hail pa nga lang nasakit na ulo ko tapos dadagdagan pa ng isa? Oh my!   “Don’t worry, I can understand and speak tagalog so you don’t have to worry.” Then she winked at me. Bakit kaya nabubully pa tulad nya eh sobrang cute na nga nya.   Magsasalita pa lang sana ako ng biglang tumunog ang cellphone nya.   “Excuse me. My boyfriend’s calling.” Sinagot nya ang phone sa harapan ko. Hindi na sya lumayo pa. Hindi nga sya maarte tulad nung iba.   “Hello sweety! I’m fine. I met my knight and shining armor!” tapos tumawa sya. “No. She’s a girl you prick! Don’t be jealous okay?” at tumawa na naman sya. Mukha naman syang masayahin. “I’m going home now. Something happened. I’ll tell you when I get there, okay? I’ll see you later. I love you.” At ibinaba na nya ang phone nya.   “That’s my boyfriend. If you have time we can have a double date. I heard from that bullies you have a boyfriend named Cliff. I bet he’s handsome.” Ang daldal naman nitong babaeng ‘to. Hindi na ko binigyan ng chance magsalita. “Anyways I gotta go. I’ll call you later okay? And thanks for saving me from those bullies. I owe you one.” Niyakap nya ko at nagbeso pa sya sa’kin. “Nice to meet you TOrrence.” Tumalikod sya at naglakad papuntang parking lot.   Another weird and mysterious girl na naman ang nameet ko. Well mas prefer ko na ang mga tulad nya kesa tulad nila Tatiana. Hindi ko alam kung gano kami katagal nag-usap. Ang alam ko lang wala na din naman akong gagawin kaya uuwi na lang ako. Iniisip ko na lang na tatawag si Hail at Penelope nagaalala na ko. Paano na lang kapag nagkita silang tatlo? Sila ngang magkapatid nagtatalo na lagi ngayon pa kayang may isa pang sasali sa kanila.   Alam ko namang hindi masamang tao si Penelope at alam ko somehow magkakasundo din silang tatlo. Gusto ko din malaman kung sino ba talaga sya at bakit sya makikidnap at sino yung mga gustong kumidnap sa kanya. Hindi ko pa sya ganun kakilala pero parang excited ako na malaman kung sino sya at anong klase syang tao. Hindi ako lesbian okay, straight ako. Hindi ko lang talaga maipaliwanag kung anong nararamdaman ko ngayon. Sana naman hindi ko sya maging kaagaw kay Cliff. Baka kasi isa na naman yun sa mga taga hanga ni Cliff na gustong umagaw sa kanya sa’kin. Pero hindi, may boyfriend nga pala sya at mukhang masayang-masaya naman silang dalawa. Sasabihin ko na lang kay Cliff na may nakilala akong babae na gustong makipagdouble date. Sasabihin ko na din na sya yung babaeng dapat makikidnap at hindi ako.   Hindi pa man ako nakakalayo ng biglang nagvibrate ang cellphone ko.   +638472038472 calling…   Sino kaya ‘to?   “Hello?”   [Sweety sumagot na.]   Narinig ko ang boses ng lalaki na nagsalita. Isang boses na pamilyar sa pandinig ko. Hindi ko alam kung sino pero parang nakikilala sya ng puso ko.   [Hello Torrence. It’s Penelope.]   Hindi agad ako nakapagsalita. Kay Penelope palang number ‘to pero sino yung nagsalita kanina? Parang pamilyar talaga yung boses.   [Torrence are you still there?] Hindi pa din ako sumagot.   [Sweety are you sure she answered your call?] [I am 100% sure]   At biglang naputol ang call. Sino sya? Sino sila? Bakit bigla silang pumasok sa buhay ko? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD