[LD2: V]
TORRENCE’S POV
Pagmulat ng mata ko white ceiling ang una kong nakita. Inikot ko ang mata ko at white wall naman ang nakita ko. Dahan-dahan akong umupo. Ang sakit ng ulo ko at katawan. Nakakita ko ng oxygen. Ngayon alam ko na kung nasan ako. Nasa ospital. Teka, bakit ako nasa ospital? Ano bang nangyari? Napansin kong nakahospital gown ako.
Napahawak ako sa ulo ko at naramdaman kong may nakalagay. Tumayo ako at nagpuntang CR nakita kong may bandage pala na nakalagay sa ulo ko. Pero paano ko nagkabandage? Ano bang nangyari?
May date dapat kami ni Cliff pero may kumuha sa’king mga lalaki. Dumating si Cliff tapos nabaril sya tapos nabaril –
Napatigil ako bigla. Anong nangyari kay Cliff? Nagpanic ako agad at hindi ko alam ang gagawin kaya lumabas ako ng kwarto. Saan ba ko pupunta? Sinong hahanapin ko? Wala akong kahit ano? Gaano na ba ko katagal dito? Si Cliff! I need to know where’s Cliff. Gusto kong malaman na okay lang sya. Na hindi sya napatay nung kung sino man sya.
“Miss! Miss!” narinig kong sabi nung isang nurse pero di ko sya pinansin. Di ko alam kung san ako pupunta. Hindi ko alam kung san makikita si Cliff. Bakit wala sila papa sa kwarto ko? Gaano na ba ko katagal dito? Hindi kaya matagal na kong walang malay at kinalimutan na nila ko? Ano ng nangyari kay Cliff? Nasaan na ba sya?
*TUGSH
Napaupo ako sa floor ng may makabangga akong tao. Napahawak ako sa ulo ko.
“Are you okay?” napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang isang magandang babae. Inabot nya ang kamay nya sa’kin at inalalayan akong tumayo.
“I’m fine. Sorry kung nabangga kita. Di kasi ko tumitingin sa dinadaanan ko.” Explain ko sa kanya habang nakatingin sa kanya.
She titled her head and looked at me. “I’m okay. Don’t worry. Why are you running? You want me to call a doctor?”
“No! No! May hinahanap lang ako.” Sabi ko habang nagwave ng hand.
“Okay. Just becareful next time.” Nagsmile lang sya then tumalikod nya. Ang ganda nung babaeng yun. Pero parang nakita ko na sya. Di ko lang matandaan kung saan. Naglakad na ko pabalik ng marinig ko ulit yung babaeng nagsalita.
“Sweety!!!” sigaw nya with enthusiasm. Napangiti naman ako kasi halatang masayang-masaya sya. Napalingon ako sa direction na and di ko namalayan na naglalakad pala ko papalapit sa kanya.
“Where have you been princess?” sabi nung lalaking kausap nya. Nakatalikod yung lalaki sa’kin at nakaharap dun sa babae.
“Just bought you something to eat. Did you miss me?” nilagay nung babae yung mga braso nya sa leeg nung kausap nya.
“No!” at nagtawanan sila. Habang tinitingnan ko sila bumibili yung t***k ng puso ko. Parang familiar yung boses nung lalaki. Parang si –
Naglakad sila papalayo kaya naman sinundan ko sila. Pagliko nila sa may intersection parang slow motion ang lahat. Nakita ko ang half ng mukha nung lalaki at kamukhang kamukha nya si – si Tonsi.
Nagmadali akong nanakbo para maabutan ko sila. Sya yun. Sya yun alam ko. Pero bakit may iba syang kasama? Yung boses nya, yung likod nya alam kong si Tonsi yun.
“Tonsi! Tonsi!” sigaw ako ng sigaw habang hinahabol ko sila pero hindi man lang sya nalingon. Bakit hindi sya lumilingon? Hindi ba nya alam na boses ko ang tumatawag sa kanya? Kaya ba sya hindi dumating sa kasal dahil may iba na syang kasama? Bakit nasasaktan ako? Bakit parang mas gusto ko na lang na namatay sya kesa makita syang kasama ng iba. Ang sakit – para akong mamamatay. Mas masakit pa ‘to kesa nung araw na hindi sya dumating sa kasal. Di ko napansin na umiiyak na pala ko. Hindi ko na makita yung dinadaan ko dahil sa mga luha na ‘to. Hanggang sa bigla na lang akong nadapa.
Kailangan ba palagi na lang akong madadapa? Bumabangon naman ako pero bakit paulit-ulit pa din? Ano bang dapat kong gawin?
“Torrence! Torrence are you alright?” narinig kong may tumawag sa’kin. Sana si Tonsi na sya. Sana –
“Tonsi?” pagtingin ko sa lalaking tumulong sa’kin pagtayo, nakita ko si – “Cliff?”
Si Cliff nga pala ang dahilan kung bakit ako tumatakbo. Sya nga pala ang hahanapin ko pero bakit si Tonsi ang nakita ko. Niyakap ko agad si Cliff at umiyak ako sa kanya.
“Tonsi? Bakit – bakit si Tonsi ang sinabi mo?” ramdam ko sa tanong nya na nasaktan sya pero hindi ko naman intensyon yun kaya tumingin ako sa kanya at nilagay ko ang isang daliri sa bibig nya.
“No Cliff. Hindi yun tulad ng iniisip mo. I love you and that’s true. Kaya lang kasi kanina nakita ko si Tonsi dito sa hospital. Buhay sya. Buhay si Tonsi. Hindi lang ‘to para sa’kin, para din ‘to sa’yo at kay tita!” sa reaksyon ni Cliff hindi nya alam kung maniniwala ba sya or hindi.
“Are you sure si Tonsi yun? Torrence kasi masama yung bagsak mo after nung kidnappan. Medyo malakas yung impact na nangyari sa ulo mo so maybe that’s one of the reasons kung bakit nakikita mo si Tonsi.” Mahinahon lang syang magexplain as if he’s convincing me na imagination ko lang lahat.
“No! I know him. Sya yun at narinig ko syang nagsalita. Boses ni Tonsi yun.” Umatras ako kay Cliff. “Hindi ka naniniwala sa’kin? Dahil ba akala mo – ” then I sighed. “ – my gosh Cliff. Hindi ‘to para sa’kin!” humawak ako sa ulo ko at hindi ko alam ang gagawin. Papatalikod na ko pero hinawakan nya ko.
“Naniniwala ako sa’yo. San mo ba sya nakita?” inangat nya ang ulo ko and our eyes met.
Hindi ko na naman napigilang umiyak. Napabait talaga ni Cliff. Napakaswerte ko sa kanya. Alam ko nasasaktan sya ngayon pero ginagawa nya pa din ang lahat para sa’kin.
“Oh wag ka ng umiyak.” Pinunasan nya ang luha ko gamit ang thumbs nya.
Nagnod ako. “Hindi ko alam pero parang nagpacheck up sya dito. Mukha kasing patient din sya.”
“Okay. Gagawin ko lahat para malaman kung may patient ba ang doctors dito na Tony Sebastian. Miss ko na din yung kapatid ko na yun eh. Leave it me.” Nagnod ulit ako at niyakap nya ko.
********************************
CLIFF’S POV
“Check it again please. Lahat ng admitted, nagpapacheck up. Lahat ng confidential information, icheck mo lahat!” iniwan ko muna si Torrence sa kwarto nya habang inaalam ko kung dito nga nagpapacheck up si Tonsi.
“Sir sorry pero wala po talagang Tony Sebastian dito. Walang kahit anong records, ibig sabihin po hindi sya nagpacheck up dito kahit minsan. Kanina ko pa po nacheck lahat. Sir, wag nyo naman po akong ipatanggal sa trabaho. Don’t worry sir, kapag may Tony Sebastian dito na lumabas sa record tatawagan ko po agad kayo sa company nyo.” Alam kong nagwoworry ‘tong kausap ko dahil wala syang nagawa at dahil kilala nya rin kung sino ako.
“Thanks.” Umalis ako para balikan si Torrence. Ano na lang ang sasabihin ko sa kanya? Hindi ko din sigurado kung nakita nya ba talaga si Tonsi o hindi. Pero ayokong malungkot na naman sya.
*TOKTOK
Pumasok ako sa kwarto ni Torrence at nakit ako syang nakatayo habang nakatingin sa bintana. Bigla syang tumingin sa’kin at lumapit as soon as pumasok ako. Alam kong kinakabahan sya pero ayoko naman syang paasahin.
“Ano? Si TOnsi yun di ba? Tama ako di ba?”
“Shhh. Relax. Maupo muna tayo.” Inalalayan ko syang umupo papunta sa couch. Tiningnan ko sya ng diretso sa mata para makita nya na hindi ako nagsisinungaling. “Listen, ginawa ko lahat para malaman kung nandito nga si Tonsi. Halos natakot na nga yung mga staffs dahil hindi nila makita yung pinapahanap ko at natakot sila na baka mawalan sila ng work kapag pinasara ko ‘tong hospital. Pero syempre hindi ko naman gagawin yun.” I sighed. “Torrence, walang record si Tonsi dito kahit isa. So ibig sabihin never pa syang nagpatingin or nagpacheck up sa hospital na ‘to.”
Nakita kong unti-unting nangingilid ang mga luha nya. Alam kong magiinsist pa sya at hindi ko na alam ang gagawin. Bigla syang tumayo at humarap ulit sa bintana.
“I know it’s him pero – gosh I’m so stupid!” Palakad-lakad sya sa may bintana at pinapanood ko lang sya. Tumigil sya sandali at tumingin sa’kin at bigla syang tumawa habang tumutulo ang mga luha nya. “Hindi nageenglish si Tonsi at yung nakita ko he’s fluent in English. He’s not really Tonsi. I’m sorry Cliff.” At umiyak na nga sya ulit. ANo bang dapat kong gawin para hindi ko na sya makitang umiyak ulit. Masakit sa’king nakikita syang ganito.
Hindi ako makapagsalita. Lalapitan ko na sya. Nakita kong pinupunasan na nya mga luha nya at nagulat ako ng bigla syang ngumiti sa’kin.
“So care to explain anong nangyari sa mahal kong boyfriend? How dare you leave me here alone? Hindi mo ba naisip na ikaw ang gusto kong makita pag gising ko? At alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit ako nananakbo sa labas? At alam mo din bang pinagalitan ako ng doctor kanina habang wala ka?” Sa mga sinabi nya gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko maipaliwanag pero ang saya-saya ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit kahit masakit pa ang balikat ko.
“I’m sorry sweetheart. Inasikaso ko kasi yung nangyari. Nagbayad ako sa media para hindi na nila ilabas yung nangyari, hindi kasi maganda kung malalaman ng family ko na involve ako dun. Tsaka pinakulong ko na din yung ibang kasabwat.” Humiwalay sa pagkakayakap ko si Torrence at hinawakan ako sa mukha.
“Ayos ka lang ba? Anong nangyari dun sa last na gun shot? Wala kasi akong maalala.” Tapos na ang lahat pero halata mo pa din sa mukha ni Torrence yung takot at pagaalala.
Kinuha ko ang kamay nya na nakahawak sa mukha ko at hinalikan ko yun tsaka ako ngumiti. “Dumating yung mga pulis. Yung last gun shot eh para dun sa hostage taker at hindi sa’kin. Kaya lang bago pa matumba yung may hawak sa’yo nahimatay ka na kaya nung bumagsaka patalikod yung hostagetaker bumagsak ka naman paharap kaya ka may sugat sa ulo!” hinalikan ko din ang ulo nya.
“Pero di ba may tama ka? Okay ka na ba?” hinawakan nya ko sa balikat at nahawakan nya ang sugat ko. “Ow, sorry.”
“Okay lang. Daplis lang naman ‘to. Ang importante okay ka at okay ako. Okay tayong dalawa.” Ngumiti sya. Isang ngiti na bihira ko lang makita after ng lahat na nangyari. Gusto ko syang pangitiin palagi. Gusto ko syang makitang masaya at gagawin ko lahat para maging masaya sya.
****************************************
RENCE’S POV
Nandito kami sa hospital para sa check up ko. Sabi ko na kasing hindi ko na kelangang magpacheck up pero makulit sila papa lalo naman si Penelope. Kanina pa sya nawala. Tapos na din ang check up ko kay doc. Ganun pa din daw, wala pa ding nagbabago.
“Sweety!!!” And there she is. Napakamasiyahin kong girlfriend.
“Where have you been princess?” Hinawakan ko sya sa waist. I really love this girl.
“Just bought you something to eat. Did you miss me?” Of course I missed her. Palagi na lang nya yang tinatanong. Pero syempre hindi ko sinasabi sa kanya. Mas gusto kong patunayan.
“No!” then she poked me. Alam nya kasing joke lang yun.
Papalabas na kami at wala syang kinukwento kundi yung bago nyang school. Nagenroll kasi sya sa Airman Academy. Pinageenroll din nya ko dun pero hindi naman pwede. Ewan ko kung bakit pero hindi daw pwede.
“I bumped into this girl and she looked to tense. I hope she’s okay now. I’m so worried about her.” Napakabait talaga ng princess ko, pati ibang tao inaalala.
“You know I really love you right?” bulong ko sa kanya then she giggled.
“But I don’t love you as much as you love me sweety!” I know that’s a lie. Dito na nga sya titigil with me so I know this girl loves me so much.
“So what do you want for lunch?” papalabas na sana kami ng bigla kaming nakarinig ng sigaw ng isang lalaki.
“Torrence! Torrence are you alright?” sabay kaming napalingon ni Penelope.
“Oh sweety she’s the girl I’m talking about.” Tinitigan ko lang yung babeng nasa sahig habang nilalapitan sya ng isang lalaki. Hindi ko kilala kung sino ang babaeng yun pero pakiramdam ko nagkita na kami. But that’s impossible. First time ko dito kaya impossibleng may makilala ako agad unless dumayo sya sa Switzerland.
“Sweety let’s go?” hinila ako ni Penelope palabas. Kung ano man yung nakit ko siguro dahil naawa lang ako dun sa babae. Tama nga si Penelope, nakakaawa nga sya. Parang ang dami nyang problema.
“You’re not supposed to looked at her the way you looked at me, are you?” she narrowed her eyes on me.
“Are you jealous?” I kissed her forehead and she smiled. She’s not the jealous type of girlfriend pero ewan bakit bigla syang naging ganyan. Umalis kami sa ospital pero hindi mawala sa isip ko yung babae. Mukhang may sakit ata sya at hindi sya okay kaya ganun. Pero tingin ko naman hindi lang ako ang naawa sa kanya. Pati nga ‘tong si Penelope ganun din yung nararamdaman. Baka nga kailangan nya lang talaga ng tulong kaya lahat ng makakita sa kanya nakakaramdam ng lungkot. Sana maging okay na sya kung sino man sya.