[LD2: IV]
Ang sakit ng katawan ko. Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko magalaw ang mga kamay ko. Dumilat ako at nakita ko ang bubong?
“Sigurado ba kayong sya ang heiress?”
“Sabi nakita daw na nakared dress ang heiress na bumaba sa sasakyan nya na mag-isa. Sya lang naman yung nakita natin dun kaya siguradong sya yun.”
“Eh bakit parang hindi sya mukhang mayaman?”
Narinig ko na may tatlong lalaking nag-uusap kaya iniikot ko ang mata ko sa paligid. May mga kahon at paleta. May isang table din ng nag-iinom na lalaki at may tatlong lalaki sa harapan ko na nag-uusap.
Napatingin sila sa’kin. “Mabuti gising na sya. Sya na lang tanungin natin.” Papalapit silang tatlo sa’kin kaya nagpanggap akong tulog.
“Hoy! Alam naming gising ka na. Nakita ka namin.”
Hindi ako didilat. Tulog ako. Tulog ako.
“Sinabi nang dumilat ka!”
Hindi ako didilat kasi tulog ako.
“Barilin na kaya natin ‘to – Aray!”
“Siraulo ka talaga gusto mong malintikan tayo?”
Sige mag-away pa kayo para hindi nyo na ko mapansin. Pero teka pwede ba yun eh kinidnap nga nila ko. Pero bakit ako? Wala nga kong pera eh. Hindi ba nila alam na isa lang akong hamak na nilalang? Sabi ko na hindi na ko magsusuot ng ipinapasuot sa’kin ng kambal ng tadhana eh. Napagkakamalan akong anak mayaman.
“Gising ka ba o hindi?”
“Hindi!” nagulat ako sa sarili ko. Ang galing! Dahil busy akong mag-isip ng kung anu-ano nawala sa isip ko na nagpapanggap akong tulog. Napadilat ako at lahat sila nakatingin sa’kin. “Kagigising ko lang – ngayon. Hindi ko kayo narinig magkwentuhan. Totoo. Ha. Ha. Ha.” Tumawa ako ng pilit at halatang ninenerbyos.
Iniupo ako nung isang lalaki ng ayos. Nakakatakot sya. Ang laki ng katawan tapos ang daming tattoo.
“Anong pangalan mo?” masama ang tingin sa’kin nung isang lalaki na balbasarado. Parang sya ang boss ng mga nandito.
“Tori.” Syempre kelangan kong magtago ng identity para maligtas sila papa. Kung eto na ang huling buhay ko sana makarating sa mga mahal ko sa buhay na mahal ko sila. Papa, tita, Katy, Gail, Hail, Cliff at – Tonsi. Magkikita na tayo dyan sa langit. Hintayin mo lang ako.
“Tori? Anong trabaho ng tatay mo?!” tanong ulit nung lalaki.
Mag-isip ka ng mabuti Torrence. Kelangan mong itago ang identity ng family mo or else magrereunion kayo sa heaven. Pero teka, okay na din siguro yun para magkakasama pa din kami. Pero hindi din pala paano kung hindi kami sa langit lahat mapunta? Hindi naman siguro –
“Sasagot ka ba o hindi?” naglabas ng baril yung lalaki at napatigil ako sa pag-iisip.
“Embalsamador ang tatay ko.” Napakatalino mo talaga Torrence. “Ku – kung gusto nyong magpaembalsamo sa kanya sasabihin ko libre na kayo.” Tumawa ako ng mahina tapos tumingin sa kanila. Oh no! Anong sinabi ko? Mas lalo silang nagalit. Nakakatakot silang tumingin. “Ha. Ha. Ha. Joke. Hindi talaga kayo. Kasi kung kayo yun eh di patay na kayo nun at wala na kayo dito. Kawawa naman mga anak nyo kung meron man o kung wala man magulang nyo na lang. Kahit sino pwede at libre kahit kapitbahay nyo o aso nyo. Pero hindi ko alam kung nageembalsamo si papa ng aso. Siguro iluluto na lang nya tapos ipapakain nya sa inyo at – ”
“Ano? Iluluto ang aso? Hindi kami kumakain nun! ANong tingin mo sa’min mahirap? Hoy hindi kami pipichugin lang!” okay mukhang nasundan naman nila yung sinabi ko pero nakatingin pa din sila sa’kin. Hindi ko alam kung anong mga sinasabi ko pero gagawin ko lahat para mailayo lang sila papa sa kung ano mang nangyayari. Kung bakit nila ko kinidnap. Teka bakit nga ba?
“Bakit nyo ba ko kinidnap? Embalsamador lang ang papa ko. Wala syang pera kaya wala kayong mapapala sa’min.” Kelangan makombinsi ko sila na mahirap lang ako. Teka bakit ko ba sila kelangang kumbinsihin eh mahirap lang naman talaga ako. Di ba?
“Gu –gusto nyo bang kuhanan ni papa ng lamang loob mga iimbalsamuhin nya tapos ibebenta nya para lang may pangbayad sa inyo? Paano na lang kung wala ng lamang loob yung mga tao? Hindi ba kayo naawa sa kanila – ” tinutukan ako ng baril nung isang lalaki na tumulong sa’kin umupo.
“Hindi ka ba titigil sa pagsasalita?”
“Pwede naman talaga kong tumigil kung gugustuhin ko kaya lang kasi nagtatanong kayo so ang bastos naman kung hindi ako sasagot pero titigil na ko talaga kung papakawalan nyo na ko – ” napalunok ako ng makita kong naglabas silang tatlo ng baril. Okay enough na Torrence. Sana last wish mo na lang ang sinabi mo baka sakaling makarating sa mga mahal mo sa buhay. Pero hindi pala pwede kasi baka pamilya ko naman ang patayin nila. Lord patawad sa lahat ng kasalanan ko.
“Sabi sa inyo hindi sya ang heiress! Sa itsura pa lang nito mukhang mahirap nga sya. Sino bang mayaman ang magluluto ng aso at kakainin? Nakakadiri ‘tong babaeng ‘to.” Tumayo yung lalaki sa tabihan ko at itinago yung baril nya sa loob ng jacket nya.
“Tama ka. Pakawalan na lang natin ‘to.” Yes. Thank you kuya. Kahit na dinala nyo ko dito okay lang. Basta pakawalan nyo lang ako.
“Teka. Anong ginagawa mo sa Airman Academy kung hindi ikaw ang heiress?” pinatigil nung balbasaro ang pagpapakawala sa’kin. Kainis naman oh. Sige na nga sasagutin ko na yan para matigil na lang sya.
“Well may date kami ng boyfriend kong si Cliff. Sabi nya magkita kami sa back gate for a change. I know masyadong weird kasi dun pa kami dumaan. Actually first time ko dun dumaan kaya nagulat ako na may mga holdappers pero sa tingin ko hindi na kayo matatawag na holdappers kasi papakawalan nyo na nga ako kaya thank you ng madami!” bakit ba ang daldal ko ngayon? Ito kasi yung way para mawala yung kaba ko no! Please understand my situation.
“Tori o kung sino ka man unang-una hindi kami holdappers. Kidnappers kami!” nanggigigil na sabi ni kuyang balbasarado.
“Ha. Ha. Ha. Magkaiba ba yun? Para sa’kin kasi pareho lang sya. Holdappers Kidnappers whatever. Ha. Ha. Ha.” Tumigil na ko ulit dahil ako lang ang natawa.
“At sinong Cliff ba ‘tong boyfriend mo?”
“Clifford Airman. I mean hello hindi nyo sya kilala?” napatigil ako sa sinabi ko. Oh no! Pinahamak ko si Cliff. You’re so stupid Torrence. Congratulations! Magsorry ka na lang kapag nakita mo si Cliff at magbilin ng message for Tonsi.
“Airman ba kamo?”
Hindi nya ata narinig. Magagawan ko pa ‘to ng paraan. I can do this.
“Airman? Sino yun? Ang sabi ko Airmail. Airmail hindi Airman. Magkalayo no. Paano magiging man ang mail eh three letters ang man at four ang mail. Ha. Ha. Ha. Kahit kinder alam na magkaiba yun. Mmmm. Mmmm.” At yun na ang end ng speech ko dahil tinakpan nila ng masking tape ang bibig ko.
“Bibinggo na din tayo dito. Hindi man sya ang heiress mapapakinabangan na din natin sya.”
Umiling lang ako at nagbabakasali na maintindihan nila ko. Sinabi ko na ngang Airmail hindi Airman. Hindi ba sila naniwala sa’kin? Ano ng gagawin ko? Hindi ako makakatakas kung ganito ang situation ko. Superman o Batman kung nasan ka man tulungan mo ko. Mental telepathy! Mental telepathy! Sana may makarinig sa’kin.
************************************
CLIFF’S POV
Tumawag na ko ng mga pulis at pinasunod ko na lang sila sa location kung saan dinala si Torrence. Sinundan ko yung sasakyan at dito sila tumigil. Parang isang abandoned production company pero mukhang storage area. Masyadong malaki ‘to at hindi ko alam kung saan magsisimula.
Sinabihan ako ng mga pulis na wag pumunta mag-isa pero hindi ko kayang maghintay. I wanna make sure Torrence is okay. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya. This is all my fault. Kung hindi na lang sana kami sa back gate nagkita hindi sana sya nakidnap.
Sino namang gagawa sa kanya nito. Wala naman syang kaaway at lalong hindi din sila ganun kayaman para kidnapin sya. Hindi naman pwedeng dahil girlfriend ko sya kaya sya nakidnap. Kelan lang naging kami so hindi agad yun makakarating kahit kanino unless matagal na kaming binabantayan ni Torrence.
Habang nag-iisip ako inikot ko ang loob na puro kahon lang, sako at mga bakal bakal. Hindi ko naman pwedeng tawagin si Torrence dahil alam kong maalarm lang ang mga kidnappers. Sana lang wala silang gawin kay Torrence. Alam ko marami syang ginagawang palpak pero sana hindi naman nya gawan ng kalokohan ang mga kidnappers na yun.
Naisipan kong kumuha ng isang tubo just in case may makasalubong ako.
“Balita ko hindi naman daw sya yung hinahanap natin.”
“Pero mapapakinabangan naman daw. Bonus na lang daw para sa’tin kasi ang daldal daw nung babae.”
Sinundan ko yung boses nung nag-uusap. Yumuko ako ng makita kong may dalawang lalaki ang naninigarilyo. Nakita kong may baril sila sa may pants. Tumayo ako at sumandal sa pader. Kung may dadaan man dito at makita ako wala kong choice kundi labanan sila.
“Hoy sino ka?” nagulat ako ng magsalita yung isang lalaki na naiwan. Bago pa man sya makapagsalita ulit pinukpok ko na agad sya ng tubo sa ulo ng ilang ulit hanggang bumagsak sya sa lupa. Hinigit ko sya at inilagay sa ilalim ng malaking lamesa. Kinuha ko yung baril nya at naglakad papunta sa isang lalaking kausap nya na kasalukuyang tinatawag ng kalikasan at nakaharap sa pader. Hindi ko na sya binigyan ng pagkakataong lumingon dahil pinukpok ko na sya agad ng tubo sa likod ng ilang beses. Hinigit ko din sya at itinabi sa isa pang lalaking napatulog ko.
Tumingin ako sa direction kung saan sila nag-uusap at dumiretso lang ako dun. Dahan-dahan akong yumuko ng makita kong may mga lalaking nag-iinom at nagkukwentuhan. Hinanap agad ng mata ko si Torrence. Nakita ko sya na nakaupo. Nakatali ang kamay at paa at may masking tape ang bibig. Mabuti naman at buhay pa sya.
Inisa-isa kong tinalon ang lalaking lumalayo sa area nila ng walang ingay. Napatingin ako kay Torrence at nanlaki ang mata nya ng makita ako. Hindi ko maintindihan kung anong sinesenyas ng ulo nya pero alam kong pinapaalis nya ako. Pero hindi ako aalis dito ng hindi sya kasama. Sanay akong humawak ng baril at makipaglaban. Dahil isa kong Airman sinanay ako sa ganun nung bata pa ko. Pero hindi ko akalaing magagamit ko sya sa totoong buhay.
“Anong ginagawa mo dito?” narinig kong may lalaking nagsalita sa likuran ko kaya nilapitan ko sya agad.
“Makikihati lang sana ko dun sa nakuha nyo.” Nakangiti kong sabi.
“Ah, malabo yan pare. Hindi sya big time eh.” natatawang sabi nung lalaki na sigurado kong isa sa mga kidnappers.
“Ganun ba? Sayang – ” bago ko pa tapusin yung sinasabi ko eh hinampas ko na sya ng bakal sa mukha na agad namang nagpatumba sa kanya. Bumalik ako sa pwesto ko kanina. Tiningnan ko kung ilan na lang yung lalaking nandun. Nakita kong tatlo na lang sila. Alam ko sa sarili ko na kaya ko na silang tatlo kahit mag-isa lang ako. Sumenyas ako kay Torrence na wag maingay pero nakita ko syang nailang. Dahan-dahan akong naglakad papunta dun sa nag-iisang lalaki sa likuran na may kausap sa cellphone.
“Pasensya na boss. Wala kasi kayong binigay na picture kaya hindi namin alam. Sa susunod boss hindi na kami pa pal – ”
*PAK
At bumagsak sya ulit sa sahig. Dalawa na lang ang nakita kong nagbabantay kay Torrence kaya naisipan kong lumapit. Bumalikwas silang dalawa at sinugod ako pero mabilis ko silang naiwasan at tinamaan sila ng tubo na hawak ko. Nang makit ako silang dalawang bulagta nya lumapit ako agad kay Torrence para tanggalin ang nasa bibig nya at mga tali.
“Are you okay?” tanong ko sa kanya habang tinatanggal ko ang tali sa paa nya.
“Sabi kong umalis ka na.” naiiyak si Torrence alam ko dahil sa takot. “Cliff – ” napansin kong nakatingin sya sa likuran ko.
“Ikaw ba ang boyfriend nya?” naramdaman kong may tumutok na baril sa ulo ko.
“Don’t worry Torrence.” Niremind ko lang sya dahil alam kong takot na takot na sya. Handa ako sa ganitong situation. Itinaas ko ang dalawa kong kamay at humarap sa kanya. “Yes, ako nga. Pwede na ba kaming umalis?”
“Tss. Ano kami sira? Eh kung magsumbong pa kayo sa pulis! Hindi na!” nakatutok pa din sa’kin yung baril.
“Sige, magkano ba ang kelangan mo?” napatigil sya ng marinig nya yung tanong ko. “10 million? 20 million? Sabihin mo lang.” Nanlaki ang mata nung kausap ko ng marinig yung offer ko.
“A – ano? 20 million?” gulat na gulat sya at parang nagdalawang isip bigla. Nang mapansin kong nawala ang tingin nya sa’kin hindi na ko nagsayang ng oras. Inagaw ko yung baril sa kanya. Dahil hindi sya prepared madali ko syang napabagsak.
“Cliff!!!”
Napalingon ako at nakita kong nawala si Torrence kung san ko sya iniwan. Nakita ko syang bitbit ng isang malaking lalaki na balbasarado. Hinabol ko sila dala-dala yung baril.
“Bitiwan mo ko!!” nagpupumiglas si Torrence at nakita kong sinaktan sya nung lalaking may hawak sa kanya. Hindi ko napigilan ang galit ko sa nakita ko. Tumakbo ako ng mabilis at sinugod ko ang balbasaradong lalaki. Nagulat sya at nabitawan nya si Torrence.
“Torrence takbo na!” sigaw ko sa kanya habang nakikipag-agawan ng baril sa lalaking ‘to. Nakita kong nagdadalawang isip pa si Torrence. “Humingi ka ng tulong.”
Tumango lang sya at tsaka tumakbo. Mahirap kalabanin ang balbasarado na ‘to dahil malakas sya. Nahihilo ako sa mga pinapakawalan nyang suntok pero dahil sinaktan nya si Torrence nagdoble ang lakas ng suntok ko at napabagsak ko sya.
Sinundan ko kung san tumakbo si Torrence.
“Torrence! Torrence!” hindi ko alam kung nasan na sya.
“Cliff.” Mahina lang yung pagkakatawag nya sa’kin kaya napalingon agad ako. Nakita ko si Torrence sakal-sakal nung lalaking may kausap kanina sa cellphone na pinatulog ko. Dapat pala nilakasan ko ang pukpok sa kanya.
Naglakad ako papalapit sa lalaki.
“Dyan ka lang kung hindi babarilin ko ‘tong babaeng ‘to.” Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko sya malalabanan kung mapapahamak si Torrence. “Ibaba mo yang baril na hawak mo!”
“Wag! Wag kang makinig Cliff!” kitang-kita ko ang takot sa mga mata ni Torrence. Ang mga mata na nagpapakita ng takot at lungkot. Nakita ko na yang ganyang mga mata dati. Natatakot syang mawalan na naman ng mahal sa buhay. Pero hindi ko naman hahayaang sya ang mawala. Sya na ang buhay ko ngayon at gagawin ko lahat mapatunayan lang sa kanya na hindi sya magsisisi na ako ang minahal nya. Kaya walang dalawang isip kong binitawan ang dalawang baril na hawak ko.
“Pakawalan mo na sya. Bibigyan naman kita ng pera. Wag mo lang syang sasaktan.” Dahan-dahan akong nalakad papalapit sa kanila.
“Pera? Tingin mo ganun lang kadali yun? Hindi!” itinutok nya ulit kay TOrrence ang baril at napatigil na naman ako. Think Cliff. Kelangan mong makagawa ng paraan. Damn! Natatakot akong kumilos dahil ayokong may mangyaring masama kay Torrence. Naglakad ako papalapit sa kanila.
“Dyan ka lang! Wag mong subukang lumapit.” Itinutok ulit sa’kin nung lalaki yung baril nya. Mas okay na ‘to kaysa kay Torrence nakatutok.
“Kung may kailangan ka sabihin mo na ngayon. Don’t worry, hindi kita ipapakulong. Bibigyan pa kita ng pera para makalayo ka pakawalan mo lang si Torrence.” Sana makuha sya sa magandang usapan at tutupad ako kung anong mapagkasunduan.
“Hindi! Alam kong ipapakulong mo pa din ako kaya wag mong subukang lumapit. Babarilin kita!” ngayon papalit-palit naman ang pagtutok nya ng baril sa’min ni Torrence. Natatakot ako. Natatakot ako hindi dahil naduduwag ako. Natatakot ako dahil panibagong trauma na naman ‘to kay Torrence. Hindi ko na pinakinggan ang sinasbi ng lalaking ‘to. Naglakad ako papalapit sa kanila na hindi na nagiisip ng ayos.
“Sinabi ko ng wag kang lumapit!”
*BANG
“CLIFF!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
Narinig ko ang malakas na sigaw ni Torrence habang nakahawak ako sa balikat ko. Basa – basa ang balikat ko at nakita kong may dugo ang kamay ko. Tumingin ako kay Torrence at nakita ko syang nagpupumiglas habang nakangiti yung may hawak sa kanya. Nakita kong nakatutok pa din sa’kin yung baril kaya hindi na ko tumingin. Sana lang hindi sisihin ni Torrence ang sarili nya kung makita nya kong mamatay sa harapan nya.
*BANG