[LD2: III]
“Mas bagay sa’yo ‘tong pink ribbon.”
“No. Mas bagay kay Tori ang clip na ‘to.”
“Eh di pink ribbon na lang tapos clip.”
“Hello. Hindi Barbie doll si Tori kaya big no no to that.”
“But Gail, binili ko pa ‘to for Tori.”
“Shut up Hail. Sino bang mas matanda sa’tin?”
“Ikaw pero ilang minutes lang.”
Nandito ako sa school at kasalukuyang nagtatalo ang mga bago kong kaibigan, sina Gail at Hail ang kambal ng tadhana.
“Then let’s ask Tori kung anong gusto nya.”
“Good idea.”
Parehas silang tumingin sa’kin habang hawak ang pink ribbon at clip. Kanina pa kasi sila nagtatalo kung anong bagay sa’kin this morning. Yes, everyday silang ganyan. Binibilhan nila ko ng kung anu-ano tapos inaayusan din naman nila ko.
Transferees sila dito sa Airman Academy last year. Hindi sila naghihiwalay pero madalas naman silang nagtatalo. Si Gail ang mas matanda ng ilang minutes kay Hail. Kung si Hail masyadong kikay at may pagkaisip bata si Gail naman finesse masyado. Kilos dalaga na sya. Kung titingnan mo nga silang dalawa hindi mo sila mapagkakamalang kambal. Paano si Hail napakacolorful ng suot tapos lagi pang may malaking ribbon or clip sa buhok while si Gail naman pangdalaga na yung ayos. May style na nga yung buhok nya everyday. Kahit na hindi sila magkasundo sa maraming bagay si Gail naman ang palaging nagtatanggol kay Hail kapag pinagtatawanan sya sa ayos nya.
“Tori! Ano na?” naiinip na tanong ni Hail with puppy eyes.
“Kayong dalawa wag na kayong magtalo. Akin na pareho yan, isusuot ko ‘tong clip bukas at yung pink ribbon sa next day.” Kinuha ko sa kanila yung mga hawak nila para matapos na ‘tong usapan na ‘to. “Okay na ba yun?”
“Whatever.” Sabi ni Gail. Medyo may pagkamataray din kasi ‘tong babaeng ‘to.
“Yehey! Gagamitin ni Tori ang pink ribbon. I’m so happy.” Sabi ni Hail habang napalakpak pa.
Inilalagay ko na sa bag yung mga binigay nila sa’kin ng may isang familiar voice yung tumawag sa’kin.
“Torrence!” paglingon ko nakita ko si Katy. Sobrang saya ko naman ng makita ko sya again dito sa school. Lumapit sya sa’kin at binigyan ako ng isang hug.
“Hey Katy, you’re late.” I smiled at her pero parang malungkot yung face nya. “What’s wrong? Are you okay?”
“Who is she?” nakapamewang pa si Hail at nakatingin ng masama kay Katy. “Bakit mo niyayakap ang Tori namin?”
“Tori what? Who’s Tori?” naguguluhang tanong ni Katy.
“I’m Tori bez. Pinaigsi kasi nila yung Torrence eh.” tiningnan lang ako ni Katy ng may whatever-look. Mabait naman ‘tong si Katy eh so wala akong dapat problemahin. Ang dapat kong isipin eh ‘tong kambal. Naku sobrang selosa pa mandin nila. Parang ngayon lang nagkaron ng kaibigan.
“Katy I want you to meet my friends Gail and Hail.” While pointing to the twins.
“We’re her bestfriends actually.” Lumapit sya kay Katy at nagbeso. “I’m Hail and that girl is my twin sister Gail.” Bumulong pa sya kay Katy. “I know I’m prettier than her so don’t mention it.” She giggled bago ulit bumalik sa tabi ni Gail.
Nagwave lang si Gail kay Katy.
“Okay, your friends are cute.” Natutuwang sabi ni Katy na hindi ko talaga alam kung natutuwa sya or hindi.
“Sino ba sya?” masungit na tanong ni Gail habang iniinspect ang kanyang new polished nails.
“Gail and Hail this is Katy my bestfriend.” Nakasmile kaming lahat pero biglang sumimangot si Hail. Nagwave lang si Katy pero hindi napansin ng kambal.
“She’s her bestfriend. I thought we are her bestfriends. You’re number two and I’m number 1.” Naluluha na si Hail habang kausap ang sister nya.
“She’s a nice person malamang marami pa syang bestfriends. Maybe pang 101 ka and pang 100 ako. I’m older than you remember. So ako muna bago ikaw.” Nakapamewang lang si Gail na nakatingin sa umiiyak na si Hail.
“But still madami syang bestfriends. Hindi na nya tayo mahal. Ayaw na sa’tin ni TOri. Ang pangit kasi ng clip mo eh.” –hail
“What? Sino bang isip bata dito? Stop acting like a child Hail! Look at yourself!” Gail said while rolling her eyes.
“What are they doing?” tulala lang si Katy habang pinapanood ang nag-aaway na kambal.
“Ganyan talaga sila. Nakakatuwa no?” nakangiti lang ako habang pinapanood ko ang magkapatid. Pero naisip ko din na napakanon sense naman ng pinagtatalunan nilang dalawa so I cut them off. “Gail, Hail enough. Pwede naman tayong maging magbestfriends lahat lalo na ngayon makakasama natin si Katy madalas.” Tumingin ako kay Katy. “Right Katy?”
Yumuko si Katy at parang natetense na hindi ko maintindihan.
“Torrence yun nga sana yung gusto kong sabihin sa’yo.” Hinawakan nya yung kamay ko. “Gusto ko talagang bumalik dito pero tumawag sila papa kagabi at pinababalik na ko. Dun na lang daw ako mag-aral para kasama ko si Matthew at yung buwisit kong husband.”
Para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig ko. Akala ko kasi magkakasama na kami talaga ni Katy pero aalis na naman pala sya. Hindi ko naman sya mapipigilan dahil iba na ang buhay nya ngayon. May family na sya although kapatid ang pakilala ng parents nya kay Matthew.
“Please understand – ” niyakap ko si Katy bago pa sya matapos magsalita.
“I understand. Basta palagi mo kong tatawagan. Tsaka try kong dalawin ka pagkagraduate ko.” Humiwalay ako sa kanya at pinunasan ko ang mga luha ko.
“Anytime naman pwede kang dumalaw. Gusto mo ipasundo pa kita dito. O kaya isama mo pa si Cliff.” Masaya akong makitang nakangiti na ulit si Katy. Madami din naman syang pinagdaanan tulad ko kaya dapat naiintindihan ko sya. “And don’t forget to invite me sa wedding nyo ha. Sana this time matuloy na talaga – Oh I didn’t mean to say that. What I’m trying to say is – sorry Torrence. I am really sorry.” She stammered.
“Hey hey, that’s fine. Nothing to worry about. Kelan ba ang alis mo?” sana naman may oras pa para magbonding kami ni Katy bago sya umalis. Kahit hindi na muna ko pumasok.
“Oh my gosh. I’m late. 11:00am ang flight ko. DUmaan lang talaga ako to say goodbye.” Naghug sya ulit sa’kin.
“Ngayon na agad? EH kakauwi mo lang ah.” Nakakalungkot naman talaga yung sinabi ni Katy. AKala ko may time pa kaming magbonding.
“Nice meeting you Gail and Hail.” Tiningnan nya yung dalawa with confusion. “I mean Hail and Gail.” Natatawa ako kasi parang nalilito sya sa dalawa.
“I’m Gail.” Sabi ni Hail.
“No I’m Gail. You shut up Hail.” Pagtataray si Gail.
“Shut up Hail. I’m Gail.” Sagot ni Hail.
“I’m Gail.” They said in unison.
“You’re friends don’t like me Torrence, I can sense it.” Gulat na gulat na sabi ni Katy.
Tiningnan ko sila Hail at mukhang nagets naman nya yung tingin ko.
“Fine. I’m Hail. Sorry. You’re bestfriend number 1 and I’m only number two.” She pouted.
“Aalis na ako so that makes you bestfriend number one Hail.” Then she winked at her.
*___*
“Really? Oh thank you.” Tuwang-tuwang sabi ni Hail at tumingin sya kay Gail. “Did you hear that Gail, I’m bestfriend number one and you’re number two.” Tumalon sya at niyakap ang kakambal.
“They are weird.” Bulong ni Katy sa’kin at sabay kaming tumawa.
Inihatid ko si Katy sa may parking lot at naggoodbye na ko sa kanya. Hindi ko alam kung kelan kami ulit magkikita pero sana wag naman ganun katagal. Buti na nga lang at nakapagkwentuhan kami kagabi.
******************************
Kakalabas ko lang ng powder room dito sa school. Nagpalit kasi ako ng red dress na gift ni Gail kasi may boyfriend na daw ako. May date kami ni Cliff ngayon. Our first official date bilang alam nyo na. Masyado akong kinakabahan. Hindi ko nga alam kung bagay ba sa’kin ‘tong dress ko na ‘to or hindi eh. Ewan ko ba, sanay naman ako makita ni Cliff kahit anong itsura ko pero iba yung kaba ko ngayon. Parang gusto ko lagi lang akong maganda sa paningin nya. Alam ko namang hindi na sya titingin sa ibang babae pero ewan ko pa din. Praning na kung praning basta nagsasabi lang ako ng totoo.
Sabi nya puntahan ko na lang daw sya sa gate sa may likod ng school. Bakit naman kaya nya dun naisip magkipagkita. Kinakabahan talaga ko. Mapapansin kaya ni Cliff yung suot ko? Inayusan pa ko ng buhok ni Gail. Muntik ko na ngang hindi makilala yung sarili ko sa salamin. Paano mukha kong mayaman.
*Tugsh!
Aray! May nabangga ako.
“Hey, are you okay? I’m sorry.” Isang magandang babae na nakared dress din kaso mas mukhang elegant yung sa kanya. Ang ganda din nya. Ang puti at ang tangos ng ilong. Wow, kulot din parehas ang buhok namin. Pero parang natural lang ang ayos nya di tulad ko na inayusan talaga.
“Miss are you alright?” nagwave sya sa harapan ko.
“I’m fine. Don’t worry.” Tumayo ako at pinagpag yung dress ko. Mabuti na lang at hindi nadumihan yung dress ko kundi hindi na ko pupunta sa date namin ni Cliff.
“Hello sweety, yeah I’m here. This school is really big and I love it. Why don’t you enroll here too? Oh that sucks.” Napatingin sa’kin yung bababe at napatigil sya. “I gotta go sweety. I bumped into someone and I wanna make sure she’s fine. I’ll call you back okay?” at ibinaba na nya yung phone. “Ayos ka lang ba talaga?”
Natawa ako sa kanya. Paano kasi parang iba yung pagkakasabi nya may punto ba tawag dun?
“Are you making fun of me?” sa tono nya parang naiinis na sya kaya tumigil ako sa pagtawa.
“Ah – hindi. Natuwa lang ako kasi pareho pa tayong nakared dress.” That’s a lie. Alam nyo naman ang dahilan kung bakit ako natawa di ba?
“Oh. I see. Hey miss, I am really sorry but I gotta to go. See ya around.” Nagwave sya at nanakbo papunta sa opposite direction ko.
Hindi na ko nakapagbye sa kanya ng ayos kasi mukhang nagmamadali sya kaya naman ako eh nagdiretso na sa back gate ng school. First time ko atang dadaan dito. Kalimitan kasi ang mga dumadaan dito eh yung mga sinusundo ng mga private vehicles with bodyguards. Sila na mayaman. Maaga pa naman kaya magrerelax lang ako. Anytime kasi dadating na si Cliff. TUmingin muna ko ulit sa loob ng school bago ako sumandal sa gate. Sobra akong kinakabahan ah. Parang hindi normal na kaba. Bakit kaya?
Maya-maya nakita ko na yung sasakyan ni Cliff na paparating kaya tumayo na ako ng ayos ng biglang may tumigil na isang black CR-V sa harapan ko at lumabas ang mga lalaking nakabonnet.
“Sumama ka sa’min.” sabi nung isang lalaki at hinawakan nila ko sa kamay at tinakpan ang ilong ko ng puting panyo at wala na kong naalala after nun.
***********************
CLIFF’S POV
Ilang beses na kaming lumabas ni Torrence pero iba kasi yung ngayon. First date namin as boyfriend-girlfriend. Hindi nga ko mapakali kung anong isusuot ko. Basta pag dating kay TOrrence nag-iiba ang lahat. Mabuti na lang talaga at sinagot nya ko kasi kung hindi aalis na talaga ko at magfofocus na lang sa business namin sa ibang bansa. Sana maging okay na talaga ang lahat.
Usapan namin ni Torrence sa back gate magkikita. Wala lang, para maiba lang. Alam ko kasing mahihiya sya kapag sa front gate pa kami magkita. Ayaw din kasi nun ng masyadong issue at yun ang gusto ko sa kanya. Hindi nya ipinagyayabang na may isang Airman ang nagkagusto sa kanya. Alam kong hindi kayamanan namin ang gusto nya kaya handa ko syang ipagtanggol kahit kanino.
Tss. Ano ba ‘tong iniisip ko? Masamang mag-isip habang nagdada-drive. Mabuti na lang malapit na ko sa school. Nakita ko na si Torrence na nakasandal sa may gate at mukhang nakita na nya ko dahil ngumiti na sya. Ang ganda nya sa red dress na suot nya at nakakulot pa yung buhok nya. SIguro yung kambal na naman ang nag-ayos dyan. Simula kasi ng maging kaibigan nya yung dalawa natuto na syang mag-ayos. Halos araw-araw nga gumaganda sya sa paningin ko. Sh*t Clifford kelan ka pa naging baduy.
Teka ano yun? Bakit biglang may tumigil na sasakyan sa harap ni Torrence at kinuha sya. Sh*t! Bumaba ako agad para sana lapitan yung mga lalaki.
“Torrence! TOrrence!” nakita kong nawalan ng malay si Torrence at binuhat nung isang lalaking nakabonnet at ipinasok sa loob. Bumalik ako agad sa kotse tsaka ko sinundan yung CR-V. Hindi ko alam kung anong gagawin. Bakit biglang may kumuha kay Torrence? Hindi kaya nalaman na nila grandma ang tungkol sa’min? Pero alam ko namang hindi sila gagawa ng ganito agad-agad kung hindi pa nila ko nakakausap. Don’t worry TOrrence di ko hahayaang may mangyari sa’yong masama.