LD2: XXVIII TORRENCE’S POV Nakatulog na ako ulit at nagising lang ako ng buhusan ako ng malamig na tubig ng isa sa mga bantay dito. “Gumising ka na dyan. Nandito na si main boss.” Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Anong sabi nya? Main boss daw? Ibig sabihin yung mukhan general kanina ay hindi pa main boss? Umupo ako ng ayos. Ngalay na ngalay na ang mga braso ko. “Hindi naman ako tatakas, pwede bang kalagan nyo na ako?” Tiningnan lang ako ng masama ng lalaki. “Sabi ko nga hindi pwede, bakit ba kasi ang kulit ko.” Kung mamamatay man ako dito ayoko nung panget ako. Paano na lang kapag nakita ako ni Rence – Cliff? Bakit parang hindi ko alam kung sino sa kanila ang una kong gustong makita? At ngayon ko pa talaga naisip mamili sa ganitong sitwas

