LD2: XXVII TORRENCE’S POV Ang – ang sakit ng ulo ko. Parang napukpok ng milyong beses. Nahihilo ako at nasusuka. Pati kamay at paa ko parang ngalay na ngalay. Hindi ako agad makadilat. Bakit ang tigas din ng kama ko? Siguro sa sahig na ako nakatulog. O baka naman nahulog ako sa sahig. Ano nga bang nangyari kagabi? Ah – nag-inom ako tapos may kausap ako sa phone. Si Cliff, sabi nya susunduin nya ako. Grabe, hindi pa rin sya dumating. Wala talaga syang kwenta. Pero sino kayang naghatid sa’kin pauwi? Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at nasilaw ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Kailan pa naging bukas ang bintana sa kwarto ko? Dahan-dahan akong bumangon pero di ako kaagad nakakilos. Kasi naman ‘tong mga kamay ko nakatali – nakatali

