Yssabela “W-WHAT?!” “She died when I was about to celebrate my 10th birthday, Yssabela. Magmula noon, hindi na ako nagdiwang pang muli ng birthday ko.” Bumagsak ang kamay ko sa aking gilid. Nawalan iyon ng lakas. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Alam ko na namatay na ang mama niya, pero hindi ko akalain na pinatay siya! “I-I’m sorry…” Nanginginig ako. Hindi na dapat ako nagtanong. Ngayon ay naungkat lamang tungkol sa nangyari sa mama niya. Hinawakan ni Elia ang pisngi ko. “Don’t apologize. Ako dapat ang mag-sorry. Hindi ko nagawang sabihin sa ‘yo ang mga ganoong detalye tungkol sa akin.” Kinailangan akong pakalmahin ni Elia dahil nanginginig talaga ako. I can’t imagine witnessing your mother’s death, right in front of you! “It’s all in the past now, Yssabela. It’s okay. Tinanggap

