bc

The Fake Wife

book_age18+
1.2K
FOLLOW
30.7K
READ
dark
opposites attract
second chance
arrogant
kickass heroine
heir/heiress
bxg
campus
lawyer
like
intro-logo
Blurb

DEADLY SINS SERIES: SIN OF WRATH

BLURB:

Si Mariah Yssabela Consuegra ay mula sa mayamang pamilya. Her life is full of glitters and gold. She was spoiled by her parents, at nakukuha ang lahat ng gusto.

Ngunit paano kung sa isang iglap, ang magandang buhay mo ay biglang bawiin sa ‘yo? Paano kung sa sobrang taas mo, bigla ka na lang lumagapak?

The Consuegra Corporation met its end. Na-bankcrupt ang pamilya ni Yssa at hindi nila alam kung paano muling babangon. Bukod pa roon, nagkasakit din ang kanyang ina.

Wala nang ibang makitang solusyon, pinasok ng kanyang ama ang iba’t ibang trabaho at napilitan din siyang humanap ng pagkakakitaan kahit hindi sanay sa ganoong buhay.

Her life that was full of glitters and shiny things became dull and black. Lalo na nang pumasok sila ng kanyang ama sa isang trabahong lalong magpapabagsak sa kanila.

Yssa is now facing a criminal case. Her father escaped and was nowhere to be found, leaving her alone.

When things are getting worst, tila ba pinagtatawanan siya ng tadhana at nananadiya. Yssa met someone—the private lawyer of the people who filed a case against her and the one who will prosecute her and put her to jail—Atty. Elia Alvaro Sandiego.

She knew she’s done for, lalo na at alam niyang gagawin ng abogado ang lahat upang siya ay makulong.

Ngunit paano kung bigyan siya nito ng offer? Kapalit ng pagtulong niya para hindi siya makulong sa kasong mayroon siya ay isang pagpapanggap na magpapabalik ng mga alaala sa nakaraan niya.

Atty. Sandiego offered her to be his fake wife. Tatanggapin ba ni Yssa ito, lalo na kung si Elia Sandiego ay parte ng kanyang nakaraang ayaw niya nang balikan?

Warning: This is a dark billionaire romance. It may contain themes that are disturbing and not suitable for some readers and young audiences. Reader discretion is highly advised.

chap-preview
Free preview
SIMULA
“CASE NO. 2, Criminal Case No. SC-*****. People of the Philippines vs. Mariah Yssabela Consuegra.” Napalagok ako nang marinig ko ang pangalan ko. Kahit kailan ay hindi ko inisip na mangyayari ang ganito sa akin. Bakit? Parang kailan lamang ay kay ganda ng buhay namin. Parang noon ay gigising ako sa malambot na kama at kakain ng masasarap na pagkain. I was living the the best life. Pero ngayon, napalitan ito ng dilim. Matutulog ako na may takot sa puso ko. Kakain ng kahit ano para lamang magkalaman ang tiyan. Kay bilis bumaliktad ng mundo. Ang dating nasa tuktok, ngayon ay lumagapak na. “For Estafa.” Gusto kong umiyak, pero tapos na ako roon. Alam ko na wala akong kasalanan pero hindi ko alam kung magagawa ko bang manalo sa kasong ito. Kahit umiyak ako, wala naman itong maitutulong sa akin. “This is for arraignment, Your Honor.” Ikinuyom ko ang aking kamay. Kinakabahan ako. Nasabihan na ako ng aking abogado kung anong dapat kong gawin pero…kinakabahan pa rin ako. Wala akong kasalanan, pero alam ko na may involvement ako sa nangyari. Hindi lang ako aware na ganito pala ang kahihinatnan ng lahat. “Call the accused.” Nang tawagin ako ay agad akong tumayo. Napatingin ako sa judge at agad na nangilabot. Panay ang aking paglagok. Hinawakan ko rin ang aking kamay upang matigil ito sa panginginig. “Your Honor, unfortunately, there’s a private prosecutor for this case,” sabi ng fiscal. “But looks like he’s not here yet.” “Alright, second call—” Biglang bumukas ang pinto ng courtroom. Napatingin ang lahat doon. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang pumasok. Akala mo ay hindi ko rin magawang makahinga. Para akong ibinalik noong mga panahong araw-araw ko pa siyang nakikita. Ilang taon na ba ang nagdaan magmula noon? Kahit na ibang-iba na ang ayos niya ngayon, I can still see that boy in him. I didn’t expect that we’re going to see each other inside a courtroom after many years. “Your Honor, my apologies. I had a hearing in another court branch.” “It’s okay. State your name, Counsel.” “I am Atty. Elia Alvaro Sandiego, respectfully appearing as the private prosecutor for this case, under the direct supervision of the public prosecutor’s office, Your Honor,” pagpapakilala niya. Dahan-dahan ay tumingin siya sa direksyon ko. Napahugot akong muli nang paghinga nang magtama ang aming paningin. Alam niya na naandito ako. Of course! Kung siya ang abogado ng kalaban ko, alam niya na ako ang akusado. Malamig ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Ibang-iba ito sa mga mata niyang noon lamang ay tila ako lamang ang nakikita. How things changed over the years. But can I really blame him? Matapos ang lahat ng nangyari, alam ko na galit siya. “Okay, start the arraignment,” sabi ng judge. “Can you please state your name, please?” Lumapit sa akin ang court interpreter upang tukuyin kung ako nga ang akusado. “Mariah Yssabela Consuegra po,” sabi ko. “What’s your mother’s maiden name?” “Jimenez.” “The accused identified herself as Mariah Yssabela Consuegra y Jimenez, Your Honor.” Binasahan ako ng habla. Hindi ko na iyon naiintindihan dahil nakatitig ako sa abogado. Una siyang nag-iwas sa akin at parang biniyak ang puso ko. Ipinikit ko ang aking mga mata. Dapat ko nang kalimutan kung ano mang pinagsamahan namin noon. “How do you plead?” iyon ang tanong sa akin ng korte nang matapos basahin ang habla laban sa akin. Huminga ako nang malalim. “Not guilty, Your Honor.” “Alright. Set your next date,” sabi ni Judge. Sinabi sa akin kung kailan ang susunod na hearing para sa akin. Kinausap ako ng aking abogado matapos ang arraignment ko. “Natawagan ko po ang tita ko, matutulungan niya raw po ako sa bond,” sabi ko sa abogado ko. “Okay. Aasikasuhin na natin ‘yan para hindi ka matulog sa kulungan.” Tutulungan ako ng tita ko na makapagpiyansa pero dagdag lamang din iyon sa magiging utang ko. Sa ngayon, wala na talaga akong maaasahan. Simula nang mawala sa amin ang lahat, para rin kaming tinalikuran ng ibang kamag-anak, kahit na noon ay isang lapit nila sa amin, tutulong kaagad kami. Kapag nawala talaga sa ‘yo ang lahat, doon mo makikita kung sinong malapit lang sa inyo dahil nasa inyo ang lahat at kung sino ang tunay na nagmamalasakit. Ang tulong ng tita ko ay hindi bukal sa kalooban niya. Alam ko na maniningil siya sa akin. Nangyari ang lahat nang pumasok si Dad sa isang investment company raw. Bago pa lamang kaya’t nagre-recruit sila. Isinama niya ako. Dahil sa laki ng expenses ni Mama sa ospital, kailangan ko ring kumayod. Noong una, maayos naman ang lahat. May nakukuha akong commission kapag nakakapagpasok ako ng mga bagong recruits. Si Dad ay ganoon din. Dahil may businesses naman kami noon, maayos din ang trabaho ni Dad dito. Desperado na lang din talaga kami kaya kahit anong trabaho ay handa kaming pasukin. Na-bankcrupt kasi kami kaya ito at tila pinagsakluban ng langit at lupa. Akala namin makakapagsimula na ulit kami. Akala ko magiging maayos si Mama, pero hindi ganoon ang nangyari. Tinakbuhan kami ng mga taong pinagtatrabahuhan namin kasama ang mga pera na nailabas ng mga investors na na-recruit namin. Naiwan kami ni Dad para harapin ang galit ng mga tao. Kaya lang, nagtago rin si Dad at iniwan ako. Tinangka kong sabihin na biktima lang din ako at pagpaliwanagan ang mga nagrereklamo, ngunit hindi nila iyon kinakagat. Sa huli, kinasuhan ako, namatay si Mama dahil hindi na niya kinaya, at ang nakababatang kapatid ko ay kinuha ng tito ko dahil hindi ko na maalagaan. I was left…alone. Walang-wala ako na hindi ko alam ang gagawin ko. Umiiyak ako gabi-gabi at gusto na lamang mawala. Hanggang sa isang araw, napagod ako. Kung makulong ako, at least may masisilungan ako, hindi ba? Kung makulong ako, hindi ko iisipin kung saan ako maghahanap ng pagkain. Kaya lang ngayon na hinarap ko na ang kaso, dahan-dahan akong sinasampal ng mga nangyayari. I don’t want to to go to jail. Gusto ko pang maabot ang mga pangarap ko. Gusto ko pang makita ulit ang kapatid ko. Gusto kong madalaw si Mama at sabihin sa kanya na nagawa kong malagpasan ang problema. Gusto kong makita ulit si Papa dahil marami akong katanungan sa kanya. Galit ba ako sa aking ama? Oo naman. Galit na galit ako dahil iniwan niya ako rito, pero gusto ko siyang makausap. Partly, dahil para ipakita sa kanya na nagawa kong makabangon kahit ako lamang mag-isa, na kaya kong mabuhay nang wala sila. Iyon ay kung hindi ako makukulong. I pleaded not guilty, but that doesn’t mean I am acquitted. Kailangan kong patunayan sa korte na wala nga akong kinalamanan dito bago nila ako hatulan ng desisyon. Kahit na bonded ako, kailangan kong magpakita sa korte tuwing may hearing o pwede nila akong i-bench warrant at ikulong kahit na may piyansa ako. Arraignment pa lamang ang nangyari kanina. Marami pang mangyayaring proseso sa kasong ito bago ako mahatulan. Umalis na ang abogado ko at naiwan ako sa labas ng trial court. Tumingin ako sa kalangitan at nasilaw sa liwanag ng araw. Huminga ako nang malalim at akmang aalis na roon nang may marinig akong boses. “Thank you, Atty. Sandiego.” “If you have any concerns, you can call my secretary or email me.” Natigilan ako sa aking kinatatayuan. Kahit gusto kong umalis na ay hindi ko nagawa. Papunta na siya sa kanyang kotse nang mapansin niya ako. Nagsalubong ang kilay ko, lalo na nang mapansin ko ang pagngisi niya. Imbis na tumuloy siya sa kanyang kotse, humarap siya sa akin at naglakad papunta sa direksyon ko. Kinakabahan ako dahil nanlalamon ang presensya niya, pero hindi ko ipinakita sa kanya. Elia Sandiego always have this huge presence even before. Malalaman mo kapag nasa vicinity siya. Mas lumala lang ngayon na abogado na siya. “It’s been a while, Yssabela.” Nagtaasan ang aking balahibo sa katawan nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Madalang ang tumatawag sa kin nito, kaya iba ang epekto sa akin. Mas nag-iiba ang reaksyon ng katawan ko kapag si Elia ang natawag nito sa akin. “Yeah…” Iyon lamang ang nasagot ko. Ngumiti siya sa akin, pero hindi ko ikinatuwa ang ngiti niya. Alam ko na may ibang ibig sabihin iyon at hindi ito maganda. “What a surprise. You still know me. Akala ko ay kinalimutan mo na ako.” Ikinuyom ko ang aking kamay pero hindi na nagsalita pa. “So, you’re against me, huh?” Ngumisi ako. Sinubukan kong ipakita sa kanya na hindi ako natatakot kahit na kinakabahan na ako. “My lawyer will make sure I’ll be acquitted.” Tumaas ang kanyang kilay dahil sa sinabi ko. “Hmm, we’ll see about that.” Humakbang siya papalapit sa akin. Umatras ako pero hinawakan niya ang aking braso at hinila ako papalapit sa kanya. Ipinikit ko ang aking mga mata at nilabanan ang sariling emosyon. It’s still the same…him. The same warmth, the smell, and the same Elia I met before. Ang nagbago? Ang tingin niya sa akin. Hindi na dapat ako mabigla. Matapos ang inakala niyang ginawa ko noon sa kanya. I deserved to be hated by him. “Let me go—” Natigilan ako nang maramdaman ko ang kanyang labi malapit sa aking tainga. Kinagat ko ang labi ko. Ang mga alaala sa aking nakaraan ay biglang bumalik. “Just a piece of advice, Yssa. I am not going to hold back. I will do everything in my power to make sure you’ll rot in jail.” Mas lalong dumiin ang pagkagat ko sa aking labi. My lip almost bleed. “If I were you, I’d get someone else as my lawyer, because I will just destroy that lawyer of yours. Magbabayad ka, hindi lang sa kasalanan na ginawa mo sa kliyente ko. This is also a personal grudge. You’ll pay for what you did to me. Taste my f*****g wrath, Yssa.” Marahas niya akong binitawan. Masama ko siyang tiningnan at malamig ang kanyang titig sa akin. Hindi na ako nagsalita. Tinalikuran ko siya at umalis. Bakit nga ba pinagtagpo pa kaming dalawa? Akala ko ay hindi na ulit kami magkikita. Elia Sandiego, my ex-boyfriend. But what happened to us was nothing ordinary. It was harsh—dark even. Na hindi ko na gugustuhing balikan, kahit pa ang kapalit nito ay hindi ko na makilala si Elia. If I had a choice, I would rather not have met him than we both experienced what happened to us. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Mabilis kong pinawi ang luha at suminghap. Ipinikit ko ang aking mga mata. I will not let Elia win. Hindi ko hahayaan na durugin niya ako at gawin ang gusto niya. Lalaban ako. I will fight, kahit walang kasiguraduhan kung mananalo ba ako sa huli.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.9K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook