Yssabela NANG magising ako, humarap ako sa kabilang bahagi ng kama. Nagmulat ako ng aking mga mata at napansin na walang tao sa aking tabi. Napabangon ako. Napansin ko rin na nakasuot na ako ng panibagong nightgown. Natulog ba rito si Elia kagabi? Hindi ko maalala. Nang may mapagtanto ako, natawa ako sa aking sarili. Am I really expecting him to sleep here with me after having s*x? Inaasahan ko ba na gigising ako na kasama siya? Maaaring matapos niyang magparaos, umalis na siya. Mag-asawa lang kayo kunwari, pero wala naman talaga kayong ganoong relasyon. Hinilot ko ang aking ulo. Ngayon ay nagsisisi ako na nagpadala ako sa init ng katawan ko kagabi. Sinabi na kasing hindi dapat namin gawin iyon! Umalis ako ng kama. Hindi ako makalakad nang maayos dahil nananakit ang katawan ko. Puma

