SINULYAPAN ni Raven si Serena nang mapansin niya ang pananahimik nito. At parang may malaking kamay na sumakal sa puso niya nang makita niya ang lungkot sa mga mata nito ng sandaling iyon. At alam ni Raven ang dahilan kung bakit ganoon ang nararamdaman ni Serena. Dahil iyon sa pakikitungo ng ina dito. Hindi lingid sa kaalaman ni Raven na hindi gusto ng ina si Serena para sa kanya. Very vocal kasi ang ina sa pagdisgusto nito kay Serena. Ilang beses nga din siya nitong sinabihan na huwag siyang magpakabaliw dito, na hiwalayan niya si Serena dahil maraming babaeng deserve niya. Iyong babaeng may pinag-aralan, iyong babaeng nababagay sa kanya. Iyong babaeng hindi ikakahiya na iharap sa ibang tao. Pinagtanggol naman ni Raven si Serena sa ina. At sinabihan niya dito na i-respeto si Serena

