HINDI makatulog si Serena kinagabihan kaya napagpasyahan niyang bumangon na lang Napatingin siya sa kanyang tabi at hindi niya napigilan ang paglambot ng ekspresyon ng mukha nang makita niya ang mag-ama niyang mahimbing na natutulog sa tabi niya. Nasa gitna nila si Selena at nasa kaliwang bahagi naman ng kama si Raven. Nakita nga din niyang magkayakap ang dalawa. Saglit siyang tumitig sa mag-ama niya hanggang sa dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya sa kama, nag-iingat na huwag magising ang mga ito dahil ayaw niyang ma-istorbo ang mga ito sa mahimbing na pagtulog. Napatingin nga din si Serena sa alarm clock na nasa ibabaw ng bedside table. At nakita niyang alas onse na ng gabi. Inayos muna niya ang kumot ng dalawa bago siya lumabas ng kwarto. Madilim ang paligid,

