"LET Mama sleep, anak." Naalimpungatan si Serena nang marinig niya ang baritonong boses na iyon ni Raven. "Papa, tagal po gising si Mama," narinig naman niyang reklamo ng anak. "Pagod si Mama kaya natutulog pa siya hanggang ngayon," sagot naman ni Raven dito. "Kaya sa labas muna tayo, anak. Hayaan muna natin ang Mama mo na matulog," dagdag pa na wika nito. At bago pa nakalabas ang dalawa ay nagmulat na siya ng mga mata. "Gising na ako," sagot niya dahilan para mapatigil ang mga ito sa paglalakad at nilingon siya. "Mama!" Tumakbo naman si Selena palapit sa kanya ng makita nitong gising na siya. Mabilis namang lumapit si Raven sa anak nang makitang sumasampa ito ng kama. Bumangon din naman siya mula sa pagkakahiga niya. "Good morning," bati ni Serena sa anak ng pagkalooban niy

