PARANG may mainit na kamay na humaplos sa puso ni Raven ng pagmulat ng mga mata ay ang dalawang babaeng mahal niya ang unang nabungaran niya. Si Serena at Selena. Parehong mahimbing na natutulog sa tabi niya. Magkayakap pa ang dalawa. Pinapangarap lang ni Raven noon na makasama ang dalawa, pinagarap na ang mga ito ang unang makikita ng pagmulat ng mga mata niya kinabuksan. At lahat ng pangarap niyang iyon ay nagkatotoo nang bigyan siya ni Serena ng patawarin siya nito, nang bigyan siya ng pangalawang pagkakataon para pumasok muli sa buhay ng mga ito. At hinding-hindi sasayangin ni Raven ang pangalawang pagkakaton na iyon. Araw-araw niyang ipaparamdam na mahal na mahal niya ang mga ito. Babawi talaga siya sa ilang taong hindi siya kasama ng mga ito. Sa totoo lang ay nag-uumapaw ang s

