KINAGAT ni Serena ang ibabang labi ng maramdaman niya ang pagyugyog ng balikat ni Raven nang yakapin din niya ito ng mahigpit. Lalo na noong maramdaman niya ang pagkabasa ng leeg kung saan nakasubsob ang mukha nito. She couldn't help but feel a pang in her heart, seeing how vulnerable Raven was Sa unang pagkakataon ay ngayon lang niya ito nakita na ganoon, ngayon lang niya nakitaan na mahina ito. At mukhang sila ni Selena ang kahinaan nito. Humigpit naman ang pagkakayakap niya dito. Hinaplos nga din niya ang likod nito para pakalmahin. Hinayaan nga din niya si Raven na ilabas nito ang nararamdamang emosyon ng sandaling iyon, hinayaan niya itong umiyak sa bisig niya. At nang meddo kumalma ay doon lang lumawag ang pagkakahawak nito sa kanya. At mayamaya ay dahan-dahan itong kumawala mu

