"SIGURADO ka na ayaw mo akong kasama kapag kakausapin mo ang pamilya mo?" Napatigil si Serena sa paglalakad nang marinig niya ang tanong na iyon ni Raven. Nang sabihin ni Serena kay Raven na sasama sila dito sa pag-uwi ay agad silang naghanda. At nang araw ding iyon ay bumiyahe na sila pauwi. Inakala nga ni Serena na ihahatid sila ni Raven sa bahay nang makarating sila. Pero sa halip na sa bahay nito sila inihatid ay dumiretso sila sa isa sa mga bahay ng lalaki. Ang bahay nitong tinirahan niya noong panahon na binahay siya nito. Ang sinabi nito sa kanya na bahay na din niya iyon kaya may karapatan na siyang manirahan doon. At lahat daw ng ari-arian nito ay pag-aari na din daw niya. At ngayong araw ay pupunta sila ni Selena sa bahay nila dahil gusto niyang makausap ang pamilya tungk

