IBINABA ni Serena ang anak sa sofa sa may sala nang makarating sila sa apartment nila. Pinunasan nga din niya ang naiwang bakas ng luha sa pisngi nito at saka niya ito tinitigan. Napansin niya ang pamumugto ng mga mata nito at ang pamumula ng ilong nito dahil sa kaiiyak nito kanina ng maghiwalay silang dalawa sa palengke. At habang nakatitig siya sa anak ay hindi na naman niya napigilan na makaramdam ng galit para kay Raven. Nagagalit siya dito dahil sa ginawa nitong pagkuha sa anak niya na walang pahintulot niya. At gaya ng sinabi niya dito kanina, kapag inulit muli nito ang ginawa nito, kapag kinuha muli nito ang anak niya ng walang pahintulot ay hindi nito magugustuhan ang gagawin niya.She was powerless, but when it came to her daughter, she became unstoppable, willing to do everything

