NAALIMPUNGATAN si Serena nang maramdaman niya na may mainit na labi na dumampi sa pisngi niya. Nakarinig nga din siya ng mahinang hagikhik. At nang magmulat siya ng mga mata ay agad niyang nakita ang mukha ni Selena na nakatunghay sa kanya. "Mowning, Mama," bati ni Selena nang makita nito na gising na siya. "Good morning, anak ko," bati din niya dito. At habang nakatitig siya sa anak ay biglang pumasok sa isip ang nangyari kagabi. Ang realisasyon na kahit na anong gawin niya ay hindi pa din siya matatanggap ni Ma'am Rhea sa buhay ng anak dahil sa estado ng buhay niya. Sobrang linaw pa sa isip niya ang mga salitang sinabi nito noon sa mga kakilala nito habang naroon siya na nakikinig. Na walang ibang babae itong gusto para sa anak nito, kundi si Celeste lang. Kagabi nga ay para siya

