"PAPA Rabem!" "Ouch!" Kasabay ng pagsambit ni Selena sa pangalan ng ama nito ay ang pagdulas ng hawak ni Serena na kutsilyo dahil sa gulat dahilan para aksidenteng mahiwa ang daliri niya. Pero hindi niya masyado pinagtuunan ng pansin iyon dahil ang atensiyon ay nasa pangalan na sinambit ni Selena. Dahan-dahan siyang lumingon sa kanyang likod at hindi niya napigilan ang pagbilis ng t***k ng puso niya nang makita si Raven na ngayon ay buhat-buhat na ang anak. And why is Raven is there? Bumalik na sila sa Pampanga na dalawa ni Selena dahil kailangan na niyang bumalik sa trabaho. Tumawag kasi ang kliyente niyang ni-rekomenda ni Ariel sa kanya. Gusto nga silang ihatid ni Raven ng sabihin niya iyon pero tumanggi siya dahil mapapagod pa ito sa biyahe. At napag-usapan na lang nilang sa we

