NAPATINGIN si Serena sa cellphone ni Raven na nakalapag sa ibabaw ng center table ng tumunog iyon. Nang silipin niya kung sino ang tumatawag ay nakita niya na si Justin iyon, secretary ni Raven. Naisip niyang baka importante ang sasabihin ni Justin kaya ito tumatawag kaya dinampot niya ang cellphone. Pero sa halip na sagutin ay tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa sofa at humakbang siya sa dereksiyon ng banyo kung nasaan si Raven ng sandaling iyon. Naliligo kasi ang lalaki. Kumatok siya ng tatlong beses para makuha niya ang atensiyon nito. "Raven, tumatawag si Justin sa 'yo," wika niya dito. "Answer the call for me love," narinig naman niyang wika ni Raven sa kanya na nasa loob ng banyo. "Sigurado ka?" tanong niya, kahit na mahal na mahal nila ang isa't isa ay ayaw naman ni Ser

