GANOON na lang ang panic sa boses ni Raven ng isigaw niya ang pangalan ni Serena nang makita niyang nawalan ito ng malay. At bago pa ito tuluyang matumba ay mabilis ang naging replexes niya. At kahit na karga niya ang anak ay nagawa pa din niya itong saluhin gamit ang isa niyang kamay. "Serena!" "M-mama!" Nag-umpisa nang pumalahaw ng iyak si Selena nang makita nito ang nangyari sa Mama nito. "Mayor!" Agad naman silang dinaluhan ni Justin nang makita nito ang nangyari. Nakita nga din niya ang paglapit ni Calixto sa kanila. Kinuha nito mula sa kamay niya si Selena na umiiyak. Nang makuha nito sa kanya ang anak ay agad niyang binubat in bride-style si Serena na hanggang ngayon ay wala pa ding malay sa bisig niya. Hindi niya maipaliwanag pero sobra ang pag-alala na nararamdaman niy

