"SIGURADO ka ba na hindi mo ipapaalam kay Mayor ang gagawin mo, Serena?" tanong ni Kuya Calixto kay Serena ng lingunin siya nito mula sa likod ng backseat. Umiling naman si Serena bilang sagot. "Kapag pinaalam ko ang gagawin ko, siguradong tututol iyon, Kuya Calixto," wika niya. "Ayoko naman pong hahayaan ko lang si Raven na lumaban na mag-isa. Gusto ko din pong lumaban, hindi lang para sa kanya. Para din sa pamilyang gusto naming buuin," dagdag pa na wika niya. "Para din po sa anak namin," pagpapatuloy niya, hinalikan nga din niya sa tuktok ng ulo si Selena na kandong niya. Kahit na inalok siya ni Ma'am Rhea ng sampung milyon kapalit ng paglayo niya kay Raven ay nanindigan siya. Pinanindigan niya ang pagmamahal na nararamdaman niya para kay Raven, na hindi siya masisilaw sa salapi kah

