HINDI maipinta ang mukha ni Raven ng pumasok siya sa loob ng opisina niya. He was mad-no furious. Galit siya sa kalaban niya sa pulitika dahil nandadamay ito ng mga inosenteng tao para pabagsakin siya. At ginagamit pa nito ang sarili niyang pamilya para sirain siya, para pabagsakin siya? Nalaman kasi niyang ito ang puno't dulo na kumakalat na balita sa social media account na kung saan nakiki-apid daw siya sa may asawa at anak. At kahit na blur ang mga photos ay sigurado siyang sina Serena at Selena iyon. May isang picture pa na kumakalat. At litrato iyon ng mag-ina niya at nang isang lalaki at kahit na blur din ang nasa larawan ay kilala niya kung sino ang lalaki na kasama ng mga ito. Si Ariel. At ito ang lalaking sinasabi na legal na asawa kuno ni Serena. Galit na galit siya hindi da

