Chapter 3

1438 Words
Chapter 3 PAALALA: SENSITIBONG PAKSA HINDI niya napigilang panlakihan ng mata. “Ganoon kalaki?” gulat na tanong niya. Tumango muli ito. “Magiging sayo ang buong dalawang milyon at ang kalahati naman ay sa amin. Ang kontrata ay isang taon lang. Depende sa customer kung gusto ka niyang maging asawa at nakadepende din sayo kung ipagpapatuloy mo ang relasyon ninyo. Kapag natapos ang kontrata, malaya kang gawin ang gusto mo pero kapag gusto mong umalis na hindi pa paso ang kontrata, kailangan mong maibalik sa kanya ang pera.” Saglit siyang natahimik. Hindi niya alam ang gagawin niya. Nasisilaw siya sa perang kikitain niya doon. Kung tutuusin ay donodoble niyon ang kinikita niya sa kanilang probinsiya. Pero ang katutuhanang marumi ang trabahong ito ay hindi niya iyon kayang gawin. Ang akala niya ay tapos na ito sa pagsasalita. “Ang lahat dito ay libre. May sarili kang kwarto, libre ang tubig, kuryente at pagkain. Kung ang sakit naman ang inaalala mo, huwag kang mag-alala. Ang lugar na ito ay hindi tumatanggap ng mga customer na may iba’t ibang sakit lalo na ang HIV o AIDS. Mahigpit ang pagpapapasok dito at halos ng customer namin ay VIP. Bago kayo m************k, kakailanganin ninyong sumalang sa mabilisang test. Ganoon kaengrande ang lugar na ito.” “Paano kung madiskubre ito ng batas?” tanong niya na halatang hinihintay nito. Uminom muna ito sa kanyang kopita. “Tungkol sa bagay na iyan, ang negosyo ko lamang ang nag-iisang legal sa buong ka-maynilaan.” “Paano po nangyari iyon? Paanong naging legal ang pagbibenta ng katawan?” hindi niya napigilang sabihin iyon. “Una, ang negosyo ko ay protektado ng malalaking tao sa syudad na ito. Pangalawa, nakasaad sa agreement namin ng mga taong kasosyo ko na dapat salain ang mga taong aming pinapapasok sa bar gusaling ito. Ang magiging customer mo ay kakailanganing single at hindi nakatali sa ninoman. Iyon ay upang makaiwas sa mga reklamo mula sa mga asawa o nobyo ng ninuman sa customer mo. Pangatlo, ang mga customer natin ay pipirma sa isang kasulatan na nagsasaad ng katutuhanan at katapatan sa napag-usapan, ang sinomang lumabag at magsinungaling siya ang kakasuhan.” Napabuntong hininga siya. Matagal siyang nag-isip. “Ngayong nasabi ko na ang lahat ng tungkol sa negosyo ko. Ito ang maipapayo ko, Emilio.” Seryosong sabi nito na ikinalunok niya. “Pumayag ka man sa alok ko o hindi, hindi mo maaaring ipakalat ang tungkol dito. Legal nga ito pero pribado ang lugar na ito at tanging mayayaman lang ang nakakapasok. Nasa sa iyo kung susuwayin mo ko, pero malaki ang kabayaran niyon sa buhay mo pagnagkataon.” Halos hindi siya makahinga ng maayos dahil sa bantang iyon. Nagkamali nga siya ng pinasok. Muli siyang nag-isip. Tatanggapin ba niya ang ganitong klaseng trabaho. Ngunit paano kung ito nalang ang natatanging paraan para malutas ang problema niya. Ubos na ang perang dala niya. Kapag tinanggihan niya ang trabaho ay matutulog muli siya sa kalsada at mangangalkal nalang ng pagkain sa basura. Pumunta siya doon sa pag-aakalang madali lang siyang makakahanap ng pagkakakitaan upang makapagpadala sa mga magulang na naiwan. May sakit ang tatay niyang may edad na kaya hindi ito makakapagtrabaho at kailangan niya itong mapaldahan ng pera. Napabuntong hininga siya ng malalim. Ito nalang ang paraan niya at wala ng iba pa. Tatanggapin niya ang kapalarang ito alang alang sa kanyang mga magulang. “Nakapagpasya na po ako.” Nag-angat kaagad ng tingin ang matanda. “Anong desisyon mo?” Nagpakawala muli siya ng malalim na hininga. “Tatanggapin ko na po ang trabaho.” Ngumiti ang matanda. “Sigurado ka na ba?” “Opo, ngunit may hihilingin kaagad ako sa inyo kung maaari.” Tumaas ang kilay ng matanda. “Ikaw pa lang ang unang taong kaagad na humiling kahit hindi pa nagsisimulang magtrabaho.” “Gusto ko po sanang bumale, kailangan ko po kasing makapagpadala ng pera sa mga magulang ko sa lalong madaling panahon.” Napabuntong hininga ito. “Alam ko nang iyan ang hihilingin mo. Sige, bukas na bukas din ay ibibigay ko ang bale mo.” “Salamat po. Pagbubutihan ko po ang trabaho ko.” Tumayo ang matanda at may kinuhang papel at ballpen sa table nito. “Ito ang mga papeles na kailangan mong pirmahan. Basahin mo muna para malinaw sayo ang lahat. Andiyan ang agreement, waver at disclosure.” Tinanggap niya iyon at tiningnan. Binasa niya iyon at pinirmahan. “Bago ang lahat, ako nga pala si Maritha Gidafa. Madam ang tawag ng lahat sa akin. Ako ang namamahala at isa sa may-ari ng Presto Bar. Marami ka pang kailangang malaman at matutunan sa trabaho mo at sa lugar na ito at malalaman mo iyon bukas. Sa ngayon, magpahinga ka na muna at alam kong pagod ka sa kahahanap ng trabaho. Malaya kang magluto ng kakainin mo sa inyong kusina.” Maya maya ay may tinawag ito sa telepono. Ilang segundo lang ay bumukas ang pinto na naroon at iniluwa ang isang lalaking mas malaki ang katawan at mas matangkad sa kanya. “Madam.” Agad na lumapit ang lalaki. “Ito si Butch, siya ang sinior ninyo dahil siya ang pinakamatagal sa pagiging prosto. Butch, ito si Emilio, bago niyong katrabaho.” Pakilala ng matanda. Nagtanguan lang ang dalawang lalaki. “Ihatid mo siya sa kanyang magiging kuwarto. Ituro mo na rin ang kusina para makakain siya.” “Masusunod po, Madam.” Sininyasan siya ng lalaki na sumunod dito at agad naman siyang tumalima. Ilang sandali nalang ay naglalakad na sila sa isang pasilyo na maraming saradong pintuan na may mga numero. Hanggang sa may nakita siyang bumukas na pinto at iniluwa ang lalaki at babaeng naghahalikan. Nailang siya kaya naman umiwas siya ng tingin habang nilalagpasan ang mga ito. Maya maya ay may nakasalubong naman silang lalaki at babae, nakaakbay ang braso ng lalaki at ang kamay naman ng babae ay sa likuran ng lalaki. Nakita niyang kumindat ang babae sa kasama niyang si Butch. Sa hula niya ay katrabaho nito ang babae at ang lalaki ang customer dahil halatang mas matanda ang lalaki ngunit malakas parin ang awra nito. Ilang sandali pa ay nakarating sila sa malawak na sala. “Naroon ang kusina, malaya kang magluto ng kung ano man ang gusto mong kainin.” Itinuro nito ang kusina na malapit lang sa dining table. Nakakamangha ang bahay na iyon. Sa layo ng inilakad nila, nasisiguro niyang malamansiyon ang gusaling kinatatayuan niya. Umakyat pa si Butch kaya sumunod muli siya hanggang sa makarating sila sa pasilyo na may mga kwarto ulit. “Ito ang kwarto mo.” Binuksan nito ang isang pinto at bumungad sa kanya ang loob ng kuwarto. “Palagi mo itong lilinisin at pababanguhin. Higit sa lahat palagi mong papalitan ang cover ng kama at mga unan dahil anumang oras, kakailanganin mong dalhin dito ang customer mo, lalo na sa oras na marami ang customer at gumagamit ng kwartong nakita mo kanina sa baba.” Tumango siya bilang tugon. “Maiwan na kita. Welcome sa trabahong ito.” Ngumiti ito, malayo sa seryoso nitong itsura kanina. “Makikilala mo rin ang iba pa nating katrabaho bukas.” “Salamat, sir Butch.” “Butch nalang, ano ka ba. Pantay pantay lang tayo dito. Ang lamang ko lang sa inyo ay ang karanasan ko.” Anito. “Sige, magpahinga ka na, brad.” “Sige, salamat ulit, Butch.” Pagkaraa’y iniwan na siya nito. Isinara niya ang pinto at lumapit sa kama. Umupo siya roon at inilibot ang paningin sa kalooban ng kwartong iyon. May sarili itong banyo at may cabinet. Inilapag niya sa tabi ang dala niyang bag at napahiga sa kama. Napabuntong hininga siya at napapikit. Kahit papano ay nakahinga siya ng maluwag. Halo halo ang nararamdaman niya. Naroon ang kaba at takot, pero hindi niya maikakailang nakagawa siya ng paraan upang makapagpadala ng pera kinabukasan at malaking bagay iyon sa kanya. Ilang minuto pa siyang nagpahinga bago naisipang maligo dahil ilang araw na siyang gusgusin at amoy araw. Nang matapos maligo at makapagbihis ay bumaba siya at nagtungo sa kusina. Walang tao roon kaya naman malaya siyang naghahanap ng pagkain. Ang problema, hindi siya marunong sa kahit na anong gamit doon lalo na ang stove, oven at breadtoaster. Binuksan nalang niya ang ref at swerte namang nakakita siya doon ng cake. Kinuha niya iyon saka ang inuming naka-bottle. Halos mabilis niyang kinain ang cake dahil gutom na gutom na talaga siya. Hindi niya namamalayang nakangiti siya sa sandaling iyon. Iyon ay dahil totoong masaya siya sa kabila ng kakaharapin niyang trabaho sa mga susunod na araw. Ang maging PROSTO.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD