CHAPTER 4
ALAS SIETE na ng gabi nakalabas ng kompanya si Candice. Inayos muna niya ang mga nagkalat niyang papel sa kanyang opisina. Pinauwi na kasi niya ang kanyang secretary. Ayaw naman niyang hayaan nalang na makalat doon at ipaubaya sa janitor nila.
Nang makasakay siya sa kanyang puting kotse, at bago pa man niya iyon mapaandar ay nag-ring ang kanyang cellphone na nasa loob ng kanyang bag.
Kinuha niya iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Darlin iyon, ang kaibigan niyang nakilala niya three years ago.
Sa isip niya ay baka alokin na naman siya nitong samahan ito sa isang bar. Iyong PRESTO BAR na inakala niyang bar lang pero may extra service din.
Hindi niya makalimutan nang alokin siya ni Darlin na makipag-one night stand sa isang hosto. Mabuti nalang at hindi siya masyadong naglasing nung gabing iyon.
Bago pa man lumawak ang iniisip niya ay nagising siya sa sigaw ng kaibigan niya.
"Hello, may tao pa ba?"
"Hello, Darlin, ano ka ba, ba't ka naninigaw?" singhal niya.
"Kanina pa akong nagsasalita parang wala naman akong kausap." Reklamo nito na ikinatawa niya.
"Sorry, nilipad lang ang utak ko saglit."
"Tsk! Sino bang iniisip mo?"
"Wala, ano ba yung sinabi mo?"
"Si Charina, nanganak na, Dzai!"
"Talaga? OMG, dederetso ako ng hospital."
"Sige, hintayin kita."
"Ok, bye." Dali dali niyang pinaandar ang kotse patungo sa hospital."
"SORRY, I'm late." Aniyang nakatunghay sa pinto ng room ni Charina nang makarating. Hinihingal pa siya dahil tinakbo niya ang pasilyo.
"Oh, you're here." Nakangiting bati ni Charina na halata parin sa mukha ang pinagdaan kanina.
"Dzai, hindi mo nakita ang pag-ire nito kanina." Natatawang asar ni Darlin na nasa paanan ni Charina.
Lumapit siya at umupo sa gilid ni Charina.
Agad niyang tinuon ang atensyon sa baby na nasa tabi ng ina.
"Oh my God, you're so cute, baby." Naaliw niyang turan pagkakita sa baby.
Mas lalo itong naging cute nang gumalaw galaw ang mga munting kamay nito at humikab.
"Hiyang hiya nga ako dito kay Darlin dahil nakita niya ang itsura ko nang manganak ako. Grabe, ang hirap palang manganak." Nakangiwi pang saad ni Charina na bakas parin sa mukha ang hirap nito sa panganganak kanina.
Halos hindi na niya mapansin ang pagdadaldal ng dalawang kaibigan dahil natuon ang atensiyon niya sa baby. Panay ang likot nito na kinagigiliwan niya ng husto.
"Kung bakit kasi hindi mo pa balikan si Benny." Napalingon siya kay Darlin nang magsalita ito. "Di sana noon ka pa kasal at nagkababy narin kayo ngayon."
Napabuntong hininga nalang siya sa sinabi nito. Malamang ay napansin nito ang pananabik niya sa baby.
Umikot naman ang mata ni Charina. "Kung ako naman ang tatanungin, ayukong mapunta siya sa lalaking yun. Ako ba naman ang kasama nitong kaibigan natin nang makita naming may kahalikang babae yung hinayupak na yun."
"Eh malay mo naman, magbago." Sabi naman ni Darlin.
"Tsk." Ungot niya. "Mukhang malabo na siyang magbago. Baka kapag napangasawa ko siya, malaman ko nalang na hindi lang pala ako ang pinalulobo niya. Ang balita ko nga eh may nagdemanda na naman sa kanya ng rape. Dahil siguro hindi niya sineryoso ang babae at katulad ko ay pinaglalaruan lang niya. Pero malamang wala lang iyon kay Benny. Madali niyang malulusutan iyon dahil sa impluwensiya ng pamilya nila."
"Hays, ka-stress naman ng lovelife mo, sis." Natatawang sabi ni Darlin.
Napabuntong hininga muli siya. Muli niyang pinagmasdan ang baby at hinawakan ang maliit na kamay nito.
"Ewan ko ba, parang hindi ko nakikita si Benny sa future ko na mapapangasawa ko. Bahala na."
"What about your last option?" nang-aasar ang tinging sabi ni Darlin. "Nakapag-isip ka na ba?"
Nangunot muna ang noo niya. Saka naalala ang alok nito noon.
Napangiwi siya at sininghalan ng tingin ito.
"I'm contented to be single. May sumumpa siguro sa'kin kaya ganoon. At okay lang---"
"Oh come on." Putol nito. "Myla, wake up---"
"Okay, okay. Pag-iisipan ko." Pigil din niya. "I'll talk to you when I'm ready."
Napangisi naman si Darlin. Siya naman ay napabuntong hininga muli.
"Hoy, Darlin, kung saan saan mo dinadala yang kaibigan natin. Baka mamaya makakuha ng sakit yan doon."
"Oh dear, sissy, don't worry. It's a premium place, kaya sinisugurado nila ang kalinisan doon."
"And please lang." aniya. "Wag mo na munang babanggitin yan ha. Sasambunutan na talaga kita diyan sa ka-praningan mo."
"Opo, manang." Pang-aasar pa nito na sinamaan nalang niya ng tingin.
ILANG minuto pa siyang nagtagal doon hanggang sa magpasya na siyang umuwi.
Tiningnan muna niya ang baby. Natutulog na ito at kataka-takang hindi man lang naingayan sa bangayan nilang magkakaibigan.
"Teka, kanina ko pang napapansing wala si Fortune dito ah." Takang aniya. "And zero relatives ka ata?"
Si Fortune ang asawa ni Charina.
"Sinundo niya si Mama dahil di pa marunong bumiyahe. Iniwan niya ako kay Darlin. Si Papa naman, nirarayuma kaya hindi makakapunta. Di nga sana muna pupunta si Mama pero nagpumilit si Papa na papuntahin dito para makuhanan ng first picture si baby. Nasabik kasi agad kung sino ang kamukha ni baby sa kanilang dalawa.
"Ano nga palang name ni baby?" tanong niya.
"Tsk, like what I've told you last month." Pasiring nito siyang tiningnan dahil mukhang nakalimutan na naman niya. "Princess Diana, nakuha ko sa 'Book of Names' na ang ibig sabihin ay 'Goddess of Flowers'."
Sa mahabang usapan ng magkakaibigan ay dumating narin ang ina at asawa ni Charina kaya tuluyan na siyang nakauwi kasabay si Darlin.