Chapter 5

1209 Words
WARNING: SPG DALAWANG linggo na si Emilio sa trabaho niya bilang Prosto. Tuwing linggo rin ang skedyul niya ng pagpapadala niya ng pera sa kanyang mga magulang. Natatawagan at nakakausap narin niya ang kanyang mga magulang anumang oras gustuhin niya dahil malaki ang natitira sa sahod niya kaya hindi na siya nag-atubiling bumili ng sarili niyang cellphone. Nung mga unang araw ay di pa siya sanay gawin ang kanyang trabaho sa bar. Unang gabi pa nga lang niya ay may kumuha na sa kanyang isang nasa kwarentahang edad na babae. Hindi niya alam ang gagawin niya. Nang ma-boring ito sa kanya ay sinabi niya ang totoo, na first time niya at baguhan palang siya sa trabahong iyon. Napahiya pa siya nang tawanan siya nito, kaya daw pala napansin nitong nanginginig ang siya habang akbay siya nito papasok sa kwarto. Kaya ang ginawa ng babae, imbes na siya ang manguna sa pag-romansa dito ay ito pa ang gumawa na para bang ni-rape lang siya nito dahil di siya tumutugon sa ginagawa nito. Bagaman naroon ang pandidiri ni Emilio ay wala siyang nagawa kundi ang papikit na tiniis ang nadarama. Hanggang lunok laway na lamang ang nagagawa niya sa tila sabik sa romansang ginang. Tanda pa niya ang sabi nito sa kanya. "Pasensya kana kung masyado akong atat sa kama, matagal na kasi akong hindi nadidiligan eh." kasunod ang paghagikgik nito na inilingan lang niya. Napangiwi siya habang inaalala iyon. Iniisip niyang hindi lang kaedad nito ang makakasama niya sa kama, baka nga may mas matanda pa dito. Iyon ang hindi niya makokontrol dahil pinasok niya ang lugar na iyon at wala nang atrasan pa. LINGGO ng umaga, day-off niya sa araw pati ng ilang kasamahan niyang prosto. Minsan dumadalaw doon ang mga babaeng katrabaho nila para maki-jamming sa kanila, makipagkwentuhan, makipag-inuman at para i-relax ang sarili. Halos lahat ng mga ito ay walang mga kasintahan maliban sa isa, si Adonis, pinakabatang prosto at inililihim nito ang trabaho sa girlfriend nito. Kung tutuusin, lahat sila ay inililihim ang kanilang trabaho sa kanilang pamilya. Mas pinili naman ng ilang prosto na manatiling walang kasintahan dahil alam nilang walang magkakainteres sa katulad nilang marumi ang trabaho. Bihira lang ang lalapit at iibig sa kanila. Kaya naman nag-aalala siya sa kanyang sarili. Noong unang araw niya sa trabaho, pagkaumaga ay ipinakilala siya sa mga kasamahan niya. Mapababae at mapalalaki, nasa labing-pito ang bilang niya sa mga nagtatrabaho doon. Ang karamihan pala sa kanila ay gaya niyang taga-probinsya na ni-recruit at dinala sa lugar na iyon. Ang ilan naman ay dating tambay dito sa maynila, pulubi o naabuso sa ilegal na droga. At marahil iyon na ang sinasabi ng boss nila na advantage sa trabahong iyon. KASALUKUYAN siyang nasa veranda ng tinutuluyan nila. Kadikit nito ang bar. Nakatayo siya malapit sa pintuan at nakatanaw sa malayo. Sa malalim na pag-iisip ay di niya namalayang nasa tabi na niya ang kasamahang si Noem. Naka-sando ito at boxer shorts, siya naman ay naka-white shirt at jogging pants. Matanda ito ng limang taon sa kanya at ito ang madalas makakwentuhan niya doon. May dala itong kape na maya maya ang pagsim-sim doon. "Kumusta ang feeling, bro?" tanong nitong nakapagpagising sa mahaba niyang pag-iisip. Nilingon niya ito at marahang ngumiti. "Medyo okay na, pre." aniya. "Nasasanay na rin kahit papano." "Ilang linggo pa at masasanay karin sa trabaho natin, bro. Basta iwasan mo lang ang kabahan." anito pa saka tinapik siya sa balikat. "Pinipilit ko ngang wag kabahan, pre." Humigop muli ito ng kape. "Mamaya, pupunta ako sa debesorya. Mamimili ako ng ilang gamit ko. Baka gusto mong sumama?" alok nito. "O sige, mamimili nalang din ako ng mga damit ko. Kaunti lang ang kasi ang dala ko dahil naiwan ko sa probinsya." "At siyempre, para naman makapamasyal tayo, lalo kana na first time dito sa maynila. Hindi yang lagi ka nalang nagmumukmok." anito. Tama nga naman ito. Hindi kasi siya iyong taong gala ng gala. Sanay siya noon sa probinsyang nakapirmi at wala din siya noong panahon para sa sarili niya dahil bata palang siya ay babad na siya sa araw sa pag-aararo sa bukid. NAKAUPO sa mahabang sofa si Candice habang nakapatong ang mga paa sa nasa harapang center table. Nanunood siya ng soap opera sa youtube, paborito niyang panunoorin iyon pagkagaling sa trabaho. Hindi niya namalayang kanina pang tumutunog ang kanyang cellphone na nasa mesa. Nang mapansin iyon ay agad niyang sinagot ang tawag nang makitang ang pangalan ni Darlin. "Hello, sis?" bungad niya pero natigilan siya nang marinig ang pag-iyak nito. "What happen to you?" nag-aalalang tanong niya. "Candice, help me! I don't know what to do." "Anong bang nangyari?" "Si Ricky. I saw him, may kasama siyang babae. Kitang kita ko, Candice, kitang kita ko ang pagtataksil sakin ni Ricky." Napabuntong hininga siya. "Where are you now?" nag-aalalang tanong niya lalo na nang marinig niya ang ingay sa kabilang linya. "As usual, saan ba ako pumupunta kapag may problema ako?" anitong natatawa pero natatakpan ng hikbi. Alam niya kung nasaan ito. "Bakit ba palagi ka nalang nandiyan?" "Alak lang ang nakakatulong sakin mawala ang sakit ng nararamdaman ko." "Eh pano naman kaming mga kaibigan mo, Darlin? Parang sinabi mo naring wala kaming maitutulong sa problema mo." hindi niya maitago ang hinanakit sa kaibigan. Narinig niyang napabuntong hininga ito. "H-Hindi sa ganon, Candice. Ayuko lang kayong abalahin dahil may kanya kanya rin kayong problema..." "Kaya nga kausap mo ko ngayon di ba?" "Oo nga pero kailangan ko ng karamay dito..." "Tsk, sige hintayin mo ko diyan." pabuntong hininga niyang sabi. Maya maya lang ay bumiyahe siya papunta sa bar na palaging pinupuntahan ni Darlin. Ayaw man niyang pumunta doon ay napilitan siya dahil sa pag-aalalang may mangyaring masama sa kaibigan niya. Nang makarating siya ay agad niyang ipinarada ang kanyang sasakyan sa parking space sa tapat ng malaking gusaling iyon. Pumasok siya sa loob at agad nailang sa nabungaran. Maraming tao roon at abala ang mga ito sa inuman, sayawan at siyempre landian. Walang kanto ng gusaling iyon ang hindi niya nakikitaang may naghahalikan kaya naman napapangiwi siya at pasimpleng napapayakap sa sarili. Nainis siya nang mahirapan siyang tuntonin ang kaibigan niya. Maraming tao at pakislap-kislap ang ilaw ng disco light. Nagpalinga linga siya sa paghahanap kay Darlin. Hanggang sa may makasalubong siyang lalaking walang suot na pang-itaas at nakangiting nakatingin sa kanya. "May maitutulong ba ako, Mam?" tanong nito. Tumaas ang kilay niya at pinagmasdan ang kabuuan nito. Gwapo ito, moreno at matipuno ang katawan. "Ah, dito po ako nagtatrabaho, mam." anito na marahil naramdaman ang pagtataka niya. Napabuntong hininga siya saka inalis ang paningin sa lalaki at muling inilibot ang paningin. "Hinahanap ko ang kaibigan ko." aniya saka nilampasan ang lalaki. Muli niyang hinanap ang kaibigan ngunit dahil may kadiliman ang bawat sulok ng bar ay mahirap aninagin ang mga tao. "Siya ba ang hinahanap mo, mam?" medyo nagulat siya nang marinig ang boses ng lalaki na nasa likuran niya at hindi niya akalaing susundan siya. Marahas siyang humarap dito pero agad ding matigilan nang mapagtantong magkalapit lang ang katawan nila sa isa't isa. Bagaman nakaturo ito sa isang direksyon ay nakatitig ito sa kanya. At sa halip na sundan ng tingin ang itinuturo nito ay namagnet ang paningin niya at nakipagtitigan dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD