IVANA POV Ang buong akala ko talaga ay hindi na dadating si Jeff at mapapahiya ako ng bongga sa mga bisita ko but I was wrong. Ngayon nandito na siya, tuloy tuloy na talaga ang aming saya at wala nang makakapigil pa sa amin. "I am so glad na nakaabot ka pa rin. Ituloy na natin ang engagement party!" sambit ko. Hinawakan ni Jeff bigla ang kamay ko at tsaka kami lumabas. Tuwang tuwa ako ng makita ako ang lahat ng mga bisita ko. Nagpalakpakan silang lahat sa aking pagdating subalit nagbago bigla ang ihip ng hangin ng biglang dumating si Cindy. Nagtinginan lahat ng tao sa paligid at literal niyang inagaw ang atensyon sa akin. "Bakit magkaparehas sila ng damit?" "Nag usap ba sila?" "Friends kasi sila kaya ganyan!" "In fairness mas bagay kay Cindy ang gold gown!" "Akala ko siya ang

