NOAH POV "May problema ba?" tanong ni dad sa waiter. Muling lumingon ang waiter sa kanya at napangiti. "Wala naman po Sir Kent," sagot ng waiter. Uminon si dad ng wine at biglang gumalaw ang yate. Para bang mayroong pagyanig sa loob. Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at inilawan ang daan. Maya maya pa, yumanig muli ang yate subalit this time hindi na sinlakas ng naunang pag yaning. Paglabas ko bigla namang nag brown out ang buong paligid. Halos mabahala naman ako sa mga nangyayari kaya nagdesisyon ako na sumibat. Siguro ay hindi pa ito ang tamang panahon para magkita kaming dalawa ni dad. Hahanap pa ako ng ibang timing para magkita kaming dalawa. Medyo disappointing ang araw na ito para sa akin, pinalo ko ng dalawang beses ang manubela ko at napakunot ang noo. "Ang tanga

