Sumapit ang araw ng linggo. Maagang nagmulat ng mata si Carlo tulad ng kanyang nakagawian. Ngunit ang kaibahan ngayon ay hindi siya agad bumangon sa kanyang higaan. Gising ang diwa niya ngunit ang isip naman ay nakalutang sa hangin. Hanggang ngayon ay pinagsisisihan pa rin niya ang kanyang nasaksihan. Ang gabing iyon ang isa sa pinakamasakit na nakita niya, ang masilayang may kahalikan na iba si Bullet. "Bakit ba ako naaapektuhan sa nakita ko? Wala naman kaming relasyon na dalawa." Ang wika ni Carlo sa kanyang sarili. Tinitigan niya ang kisame ng kwarto. Wala nga ba talaga? Tok...Tok... Tok... "Sino yan?" Ang tanong ni Carlo sa kumakatok sa may pinto ng kanyang kwarto. "Si Tin ito. Nakahanda na ang almusal. Sumunod ka na lang sa baba sabi ni Ma'am Susan." Ang sagot sa kanya ng kani

