"Sino ang magiging kuya sa atin?" Tanong ni Miguel. "Teka magkasing edad lang tayo di ba?" Balik na tanong ni Carlo. "Oo." Sagot ni Miguel. "Magkakatalo lang tayo sa buwan kung kailan tayo ipinanganak. Oh anong buwan ka?" Tanong muli nito kay Miguel. "December. Ikaw ba?" Tanong niya kay Carlo. "November. Isang buwan lang pala ang agwat ng tanda natin." Wika niya.
Napansin naman ni Miguel ang paglungkot ng mukha ni Carlo. "May problema ba? Bakit mukhang nalungkot ka?" Tanong niya. "Wala naman. Akala ko kasi ikaw yung mas matanda sa atin dalawa. Gusto ko pa naman sana maging bunso." Sabi ni Carlo. Inilagay ni Miguel ang kanyang kamay sa ulo ni Carlo saka nito ginulo ang kanyang buhok. "Bagay nga sa'yo maging bunso, may pagkaisip bata ka pa eh." Biro ni Miguel. "Miguel naman eh. Tigilan mo na yan paggulo sa buhok ko at hindi naman ako aso." Ang naiinis na sabi ni Carlo.
"Ikaw naman hindi na mabiro. Sige na ikaw na ang bunso at ako na ang magiging kuya. Okay na ba sa'yo yun?" Tanong ni Miguel. "Okay na okay! Paano Kuya Miguel na ang itatawag ko sa'yo magmula ngayon?" Wika niya. Tumango naman si Miguel. "Opo. Kuya na ang itatawag mo sa akin at bunso naman ang itatawag ko sa'yo." Nakangiting sabi niya. Walang pagsidlan ang saya na nararamdaman nina Carlo at Miguel. Kahit magkaiba ang kanilang pinagmulan ay nakahanap pa rin sila ng sandalan sa bawat isa.
Pagkatapos ng masaya at mahabang kwentuhan ay naisipan nang dalawa na umuwi na. Hindi na rin sila sumakay sa mga bisikleta nila at parehong naglakad na lamang sila pabalik sa kani-kanilang mga bahay. "Salamat Kuya sa masayang kwentuhan. Next time ulit ha?" Wika ni Carlo. "Oo naman bunso. Susulitin natin ang buong bakasyon ng mga happy memories." Nakangiting sabi ni Miguel.
Nakaliko na sila sa kalye malapit sa bahay ni Carlo ng biglang may bumusina sa kanila mula sa likuran. Huminto ang kotse sa tapat mismo nila. "Hey cookie virgin. We meet again." Bungad ng lalaki ng ibaba nito ang bintana ng sasakyan. "Carlo nga ang name ko at hindi cookie virgin. Ang kulit niyo naman po." Wika ni Carlo na tila naiinis na. "Good evening, sir." Bati naman ni Miguel sa lalaki. "Good evening din, Miguel. So you've finally met cookie virgin huh? Nice." Nakangising sabi ng lalaki.
"Magkakilala kayo ng lalaking 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ni Carlo kay Miguel. "Syempre naman bunso. Business partners kasi sila ni Papa. Magkakilala na din pala kayo ni Sir Bullet?" Wika ni Miguel. "Ahh Bullet pala ang pangalan ng lalaking 'to." Wika ni Carlo sa sarili. "Yes, Miguel. We've met one night nung kinatok niya ang gate ko at bigla akong sinampal nang malakas." Sabi ni Bullet.
Nagulat naman si Miguel. "Ha? Anong sampal?" Nagtatakang tanong niya kay Carlo. "Naku ang dami mo ng nasasabi sir. Ang mabuti pa ay uuwi na po kami at baka kung ano pa po ang makwento mo. Bye po." Wika ni Carlo sabay hatak kay Miguel papalayo sa kotse nito. Agad din naman na nagpaalam si Carlo kay Miguel pagkahatid sa kanya sa may gate upang makaiwas sa mga tanong nito. Pihadong mag-uusisa ito sa nangyari sa pagitan nila ng kapitbahay niyang si Bullet. Saka na lamang niya ito ikekwento kay Miguel kapag handa na siya.
Inabutan niya na nanonood sa may sala ang kanyang mga magulang at ang kasambahay na si Tin pagpasok niya sa loob ng bahay. "Good evening po." Bati ni Carlo sabay mano sa kanyang ama't ina. "Mukhang napasarap ang bonding niyo ni Miguel at ginabi na kayo ng pag-uwi." Wika ni Susan sa anak. "Oo nga po 'nay. Napasarap po ang kwentuhan namin ni Kuya Miguel sa may playground. Kumain na po ba kayo ng hapunan?" Wika ni Carlo. "Tapos na kami anak. Kayo na lang ni Morris ang hindi pa kumakain at magpapahinga muna daw siya pagdating namin kanina." Wika naman ng amang si Delfin.
"Sige po 'tay. Puntahan ko muna si Kuya Morris sa likod para sabay na kaming kumain." Wika ni Carlo. "Siya nga pala anak. Next time papuntahin mo si Miguel dito sa bahay para makilala ko naman." Bilin ng kanyang ama. "Sige po 'tay. Sabihin ko po sa kanya." Ang masayang sabi ni Carlo.
Agad naman tinungo ni Carlo ang kwarto ni Morris upang ayain na itong maghapunan. Hindi naman nakalock ang pinto kung kaya't binuksan niya ito. Bumungad sa kanya ang nakahigang si Morris na mahimbing na natutulog sa kama. Pagkatapos isarado ang pinto ng kwarto ay umupo si Carlo sa tabi nito. "Napagod ata sa pagmamaneho si hubby." Wika niya habang pinagmamasdan ang mukha ni Morris.
Marahan niyang hinaplos ito ng kanyang mga kamay. "Hubby, gising na. Sabay na tayong kumain." Wika ni Carlo ngunit hindi ito bumangon kaya muli niya itong ginising. "Hubby kain na tayo please. Nagugutom na yung wifey mo." Wika niya.
Naalimpungatan si Morris sa boses na tumatawag sa kanya. Pagdilat ng kanyang mga mata ay nabungaran niya si Carlo na ginigising siya. "Nandito ka pala wifey. Sorry at nakatulog ako. Kanina ka pa dyan?" Tanong ni Morris. "Uhmm medyo hubby pero naintindihan ko naman na pagod ka sa pagmamaneho. Yun nga lang at kumakalam na yung sikmura ko sa gutom." Sabi naman ni Carlo. "Umalis ka daw kasama yung bagong kaibigan mo sabi ni Tin pagdating namin kanina kaya nagpahinga muna ako dito. Gusto ko sana na sabay tayong kumain ng hapunan. Sorry talaga, wifey." Paliwanag naman sa kanya ni Morris.
Ikinataba naman ng puso ni Carlo ang kanyang narinig. "Ang sweet naman ng hubby ko. Ang mabuti pa ay bumangon ka na para makakain na tayo. Parehas na tayong nalipasan ng gutom." Sabi ni Carlo. "Opo babangon na. Teka wala bang kiss si hubby mula kay wifey?" Tanong ni Morris kay Carlo. "Ayun na nga, humirit na siya. Isa lang ha? At nagugutom na talaga ako." Sagot naman ni Carlo sa kanya. Siya na ang lumapit kay Morris upang halikan ito sa labi. Kakawala na sana siya ngunit agad na gumalaw ang mga kamay nito upang yakapin si Carlo.
"Hubby di ba isang kiss lang ang sabi mo?" Tanong niya. Ngumisi si Morris. "Pumayag ba ko sa isa?" Sagot naman niya. Wala ng nagawa si Carlo ng umibabaw si Morris sa kanya. Tuluyan na siyang nakulong sa katawan nito. "Ako na lang ang kainin mo wifey." Biro ni Morris. "Baliw ka hubby. Mamaya magtaka na sina nanay at tatay kung bakit hindi pa tayo naghahapunan. Kanina nga nagtatanong na si nanay at ate tin tungkol sa atin. Napapansin daw nila na sobrang lapit natin sa isa't isa." Nag-aalalang sabi ni Carlo.
Napabuntung hininga naman si Morris. "Bakit kasi hindi pa natin aminin sa mga magulang mo yung tungkol sa relasyon natin? Handa naman akong humarap sa kanila." Tanong ni Morris. "Hubby alam mo naman na hindi lantad sa mga magulang ko yung kasarian ko. Kung dadagdagan ko pa ng pag-amin sa relasyon natin baka tuluyan na silang magalit sa akin. Sana maintindihan mo ko, hindi madali para sa akin yung sitwasyon ko ngayon." Paglalahad ni Carlo.
Umalis si Morris sa ibabaw ni Carlo at umupo sa gilid ng kama. "Naiintindihan kita wifey sa sitwasyon mo. Gusto ko lang kasi na maging legal tayo sa magulang mo. Baka kasi mas magalit pa sila sa atin lalo na sa akin kung malaman nilang naglilihim tayo sa kanila." Paliwanag naman ni Morris.
Bumangon si Carlo at umupo ito sa tabi niya. "Darating din tayo dyan hubby. Bigyan mo lang ako ng sapat na panahon para sabihin kina nanay at tatay ang lahat. Sa ngayon ay sulitin muna natin yung pagkakataon na magkasama tayo. Please hubby?" Wika ni Carlo. "Magkasama natin haharapin ang mga magulang mo kapag handa ka ng umamin. Pangako ko sa'yo yan." Sabi naman ni Morris. "I love you, hubby." Sabi ni Carlo sabay halik kay Morris. "I love you too, wifey. Huwag ka ng mag-alala pa. Halika na at kumain na tayo." Ang nakangiting sabi ni Morris kay Carlo.
Hindi nagpahalata ang dalawa habang kumakain ng hapunan. Tila kaswal lang silang nag-uusap pero kapag walang nakatingin ay sumisimple ng halik at yakap si Morris kay Carlo habang naghuhugas naman ito ng pinagkainan. Pagkatapos maghugas ay inaya na si Carlo na umakyat ng kanyang ina para magpahinga. Wala naman itong nagawa kundi ang sumunod.
"Namimiss ko na agad ang yakap mo." Wika ni Morris sa kabilang linya. Nasa balkonahe ngayon si Carlo habang kausap si Morris sa cellphone. "Namimiss ko na din yung amoy mo hubby." Wika niya. "Ano bang amoy ko wifey?" Tanong ni Morris. "Amoy lalaki." Ang natatawang sabi ni Carlo. "Hindi nga. Nagspray pa naman ako ng pabango. Akala ko magugustuhan mo." Himig pagtatampo ni Morris. "Ikaw naman hubby hindi na mabiro. Syempre mabango ka, amoy baby." Sabi ni Carlo. "Talaga wifey? Amoy baby ako?" Tanong ni Morris. "Oo hubby. Amoy baby ka, baby damulag." Hindi na napigilan ni Carlo ang matawa sa pang-aasar niya kay Morris. "Ah baby damulag pala ha. Sige ganyan ka wifey." Naiinis na sabi niya. "Joke lang. I love you hubby." Bawi ni Carlo. "Hmmm di na kita love." Sagot naman ni Morris. "Okay sige. Tapusin ko na itong tawag." Pagbabanta ni Carlo. "Joke lang din. I love you too, wifey." Wika ni Morris.
Habang nag-uusap ang dalawa ay sakto naman lumabas si Bullet sa balkonahe upang magpahangin. Nakita niya si Carlo na masayang nakikipag-usap sa cellphone kaya tinawag niya ito. "Hey cookie virgin!" Muntik ng mahulog ni Carlo ang hawak niyang cellphone sa pagkagulat. Agad niyang nasipat ng tingin si Bullet na nakangisi habang nakatingin sa kanya. "Wifey sino yun?" Tanong ni Morris sa kabilang linya. "Wala yun hubby. May siraulo lang na sumigaw. Ibababa ko muna yung tawag. Mamaya na lang ulit." Sabi ni Carlo. "Okay sige. Maliligo muna ako. Tatawag na lang ako ulit mamaya. I love you wifey." Wika ni Morris. "Okay hubby. I love you too."
Pagkatapos ng tawag ay hinarap ni Carlo si Bullet. "Kulang pa ba yung cookies na binigay ko o yung sampal ang namimiss mo sir?" Tanong niya. "Hmmm can I choose both. I like sweets and also hard slaps." Wika ni Bullet. "Sige sir next time pantayin natin yung sampal. Don't worry po may freebies na chocolate chip cookies made by yours truly kang matatanggap." Sarkastikong sabi ni Carlo.
"I like your attitude cookie virgin. It makes me hard." Nakangising sabi nito. "Teka bakit parang ang halay ng sinasabi ng lalaking 'to." Pabulong na sabi ni Carlo. "What did you say?" Tanong ni Bullet. "Sabi ko po ikiskis niyo na lang po yan sa pader baka sakaling mawala yung kati. Good night, sir." Wika ni Carlo sabay pasok sa loob ng kwarto.
Hindi naman maipaliwanag ni Carlo ang sayang nararamdaman pagpasok niya ng kwarto. Nakabawi na din siya sa ginawa ni Bullet kanina. "Akala niya makakahirit siya sa akin. Lelang niya! Pero infairness hindi ko siya napapansin na nagdadala nang babae sa bahay niya. Ano kayang nangyari?" Nagtatakang tanong ni Carlo.
Matagal na naghintay si Carlo ng tawag mula kay Morris. Kanina niya pa ito inaabangan ngunit hindi pa rin ito tumatawag. Kaya balak niya na puntahan ito sa kwarto at tabihan ito sa pagtulog. Kinuha niya ang spare key ng kanyang kwarto at dahan dahan lumabas. Maingat niyang isinara ang pinto at hindi gumawa ng anuman ingay habang bumababa ito ng hagdanan.
Matagumpay siyang nakarating sa kwarto ni Morris. Bukas pa ang ilaw sa loob ngunit napakatahimik naman. Mabuti na lamang at hindi nilock ni Morris ang pinto kaya mabilis na nakapasok si Carlo sa loob ng kwarto. Tama nga ang kanyang hinala, nakatulog nang tuluyan si Morris at hindi na nito nagawang maligo pa. "Pagod na pagod si baby damulag. Kawawa naman." Sabi ni Carlo.
Kumuha siya ng sando at shorts nito sa drawer upang pamalit niya sa pantulog. Hindi na kasi ito nakapagpalit pa ng damit. Lumabas muna si Carlo para kumuha ng maligamgam na tubig. Pagbalik niya ay sinimulan na niyang tanggalin ang suot ni Morris, inuna niya ang polo shirt. Tumambad sa kanya ang morenong katawan nito na puno ng pawis.
Hindi naiwasan ni Carlo na titigan ang malapad na dibdib nito na may butil butil ng pawis. Agad niyang binasa ang tuwalya ng maligamgam na tubig saka sinimulang punasan ang mukha ni Morris pagkatapos ay bumaba ang kamay niya pababa sa leeg hanggang sa umabot siya sa dibdib nito.
Napatigil si Carlo sa pagpupunas dahil unti unting lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Bawat hagod niya ng tuwalya dito ay tumataas ang kanyang temperatura na wari'y inaapoy siya ng lagnat. "Kalma, Carlo. Pinupunasan mo lang ang dibdib niya hindi mo siya minomolestiya." Wika ni Carlo sa kanyang sarili.
Sa huli ay napabuntung hininga na lamang siya pagkatapos ay ipinagpatuloy niya ulit ang pagpupunas sa katawan ni Morris hanggang sa dumapo ang tuwalya sa dalawang mala-tsokolateng kulay na mga u***g nito. Pinilit ni Carlo na pakalmahin ang kanyang sarili ngunit tila may boses na nag-uudyok sa kanya na paglaruan ito.
Maingat niyang pinaikot ang tuwalya sa kanan u***g ni Morris pagkatapos ay sa kaliwang bahagi naman hanggang sa salitan na niya itong ginagawa. Ngunit tila mapanukso ang pagkakataon at bandang huli ay bumigay na si Carlo sa tawag ng init na kanyang nadarama. Inilapit niya ang kanyang mukha sa dibdib nito. Pinatulis niya ang kanyang dila at pinaikot ito sa paligid ng u***g. Nagdulot ito ng kakaibang kiliti kay Morris dahilan kaya napaungol ito.
"Uhmmm."
Tila musika ang hatid kay Carlo ng marinig nito ang pag-ungol ng binata kaya lalo pa niyang pinag-ibayo ang kanyang ginagawa. Salitan niyang dinilaan ang magkabilang u***g ni Morris hanggang sa hindi na siya nakuntento at sinunod niyang puntiryahin ang kili kili nito. Iniangat ni Carlo ang dalawang kamay ng binata. Sakto lang ang lago ng mga buhok nito sa kili kili. Dinilaan niya ang kaliwang bahagi nito.
"Pwe! Ang pakla ng lasa." Wika ni Carlo.
Nakalimutan niya na gumamit si Morris kanina ng deodorant bago umalis. Agad niyang pinunasan ang magkabilang kili kili ng binata pagkatapos ay muli niya itong dinilaan. Nagising naman si Morris sa kiliting hatid ng paghimod ni Carlo sa kanyang kili kili. Hindi naman niya ito pinigilan at kusang loob niya pang ibinuyangyang ito. "Ahhh sige pa wifey. Tang ina ang sarap ng dila mo. Ahhh..." Ang sambit ni Morris na sarap na sarap sa ginagawang paghimod sa kanya.
Naalala ni Carlo ang isa sa mga napanood niya sa porn at ito ang nagsisilbing gabay ng kanyang isipan ngayon. Pinanggigilan niya ang mga u***g ni Morris, pinuno niya ng laway ang paligid ng u***g at kili kili nito. Hindi na napigil ni Morris na itulak ang ulo nito pababa sa kanyang alaga. Naintindihan naman agad ito ni Carlo kaya siya na ang nagtanggal ng butones ng pantalon na suot nito. Pagkababa ng zipper ay isa isa niyang sinunod na tanggalin ang pantalon at brief nito.
Napalunok si Carlo ng tumambad sa kanya ang naghuhumindig na alaga ni Morris. Kahit nakita na niya ito ay hindi pa rin niya maiwasan na kabahan lalo pa at pangalawang beses pa lamang niyang gagawin ito. "Isubo mo na please wifey. Gusto ko ulit maramdaman ang init ng bibig mo." Pagsusumamo ni Morris kay Carlo.
Agad nitong pinasadahan ng kanyang dila ang pusod nito pababa sa mga mumunting mga buhok nito. Hinawakan muna ni Carlo ang bayag nito bago ipinasok sa kanyang bibig ang ulo ng alaga nito. Pinatagal muna ni Carlo sa kanyang bibig ang ulo bago sinipsip at dinila dilaan ng paikot. "Uhmmm!!" Ang mahinang ungol ni Morris habang napapakapit naman sa buhok ni Carlo. Hindi malaman ni Morris kung saan papaling ang kanyang ulo sa sobrang sarap na kanyang nararamdaman lalo nang ituloy ni Carlo ang pagsubo at makaabot ito hanggang sa kalahati.
"Argghhh ang sarap nyan. Ang galing mo wifey." Wika ni Morris. Napapatirik ito ng mata sa ginagawa ni Carlo na pagsubo pagkatapos ay sisipsipin sabay iluluwa ang bibig sa kanyang namamasang kargada. Muling pinuntirya ni Carlo ang dalawang itlog na nakalaylay sa pagitan ng mga hita ni Morris. Habang sinasalsal ng isang kamay ang kargada niya ay hinimod himod naman ng dila ni Carlo ang bayag nito. "Arghhhh tang ina ang sarap nyan!!!" Napapamura na si Morris.
Tuluyan na rin siyang bumukaka upang bigyang daan ng husto ang pagpapaligaya sa kanya ni Carlo. Napahawak na si Morris sa buhok ni Carlo upang kontrolin ang paglabas masok ng kanyang bibig. Nung umpisa ay nagagawa pa niya na bagalan ang pagsubo ni Carlo sa kanyang kargada ngunit kalaunan ay bumibilis na ito. Unti unti ay nagiging swabe na ang paglabas masok ng kanyang bibig at hindi na namamalayan ni Carlo na naisasagad nang husto ni Morris ang alaga niya kaya pinipilit niyang itulak papalayo ang katawan nito dahil nabibilaukan na siya. Hindi na mapigilan pa ni Morris ang kanyang sarili na hindi isagad ang kanyang kargada dito dahil sa unang pagkakataon ay tanging si Carlo lang ang tumagal sa pagsubo sa kanyang alaga.
Mainit. Madulas. Malalim.
Ganyan isalarawan ni Morris ang kanyang nararamdaman sa bawat pag-ulos na kanyang ginagawa sa bibig ni Carlo. Nakadagdag pa sa libog at sensasyon na kanyang nadarama ay ang maamo at mala-birheng mukha ni Carlo na nakatingin sa kanya habang isinasagad niya ang kanyang kargada.
"Ooohhhh puta ang saraaapppp! Tang ina malapit na ko wifey. Ipuputok ko sa loob ng bibig mo. Lunukin mo." Sabi ni Morris. Wala naman nagawa si Carlo dahil mahigpit ang kapit nito sa buhok niya at patuloy pa rin ang paglabas masok ng kanyang kargada.
Naramdaman ni Carlo na tila lumalaki ang kargada nito. Hinahabol naman ni Morris ang kanyang hininga habang patuloy sa pagkadyot. "Arghhhhh wifey hindi ko na kaya! Ipuputok ko na sa loob mo. Heto na argggghhhhhh putang ina!!!!"
Sa huling pagsargo ng kanyang kargada ay sunod sunod na putok ng kanyang katas ang pumuno sa bibig ni Carlo. Sinagad ng husto ni Morris ang kanyang alaga sa bibig ni Carlo upang walang katas na makawala kaya wala na siyang nagawa kundi lunukin ito lahat. Kapwa sila naghahabol ng hininga.
Nagtungo si Carlo sa banyo upang maglinis ng kanyang bibig. "Wifey may extrang sepilyo ako dyan na pwede mong magamit." Wika ni Morris na nakasunod pala sa kanya. Kinuha niya ito at binigay sa kanya. "Salamat hubby." Sagot naman niya. Sabay na silang naglinis ng sarili sa banyo.
"Babalik ka ba sa kwarto mo wifey?" Ang tanong ni Morris ng makabalik na sila sa may kama. "Oo hubby baka hanapin ako doon sa kwarto ko." Pagdadahilan ni Carlo. Nakita niya ang biglang paglungkot sa mukha ng binata kaya napangiti siya. "Joke lang. Dito ako sa tabi mo matutulog ngayon gabi. Yan ay kung gusto mo."
Agad naman sumagot si Morris. "Gustong gusto wifey!" Tanging brief na lang ang sinuot ni Morris pagkatapos ay pinatay na niya ang ilaw at tumabi na siya kay Carlo na kasalukuyang nakahiga na. Agad niya itong niyakap ng mahigpit.
"Salamat wifey. Sobrang saya ko ngayon gabi dahil kasama kita. Mahal na mahal kita." Wika ni Morris sabay halik sa mga labi ni Carlo.
"You're welcome hubby. Mahal na mahal na mahal din kita."
SUSUNDAN...