Tulad ng naipangako ni Carlo ay sumabay nga ito sa hapunan kasama ang mga magulang, ang kasambahay na si Tin at ang driver na si Morris. Naging panatag naman ang kalooban niya dahil hindi nila kasama si Zoey. "Kumusta ka na anak? Okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni Susan. "Okay lang po ako 'nay. Huwag po kayong mag-alala." Sabi naman niya sa kanyang ina. "Nag-aalala kami ng nanay mo kung bakit hindi ka sumabay sa amin kumain kagabi. Maging nung umaga ay hindi din kita nakita. Sigurado ka ba talaga anak na wala kang sakit na iniinda? Para mapa-check up ka namin agad kung sakali." Sabi ng nag-aalala din si Delfin.
"Tay okay lang po talaga ako. Wala akong sakit promise." Sagot naman niya sa ama. "Mabuti naman at okay ka na. Makakahinga na kami ng maluwag ng tatay mo. Siya nga pala anak, plano namin ng nanay mo na magbakasyon tayo." Wika ni Delfin. "Oo nga anak. Gusto ko sana bago magbukas ang bakeshop ay makapagbakasyon muna tayo. Ano sa tingin mo?" Segunda naman ni Susan. "Okay lang po sa akin na magbakasyon. Para din makapagbonding tayo bago po magsimula ang pasukan." Sagot ni Carlo sa ina.
"Naku mainam yan para hindi ka mabagot dito sa bahay. Di ba Morris?" Sabad naman ni Tin. Nabigla naman si Carlo ng banggitin ng kasambahay ang pangalan ng binata na katabi lang niya at kanina pa walang kibo. Tiningnan niya ito at inabangan kung ano ang kanyang isasagot sa sinabi ni Tin. "Tama si Tin. Kailangan ni Carlo ng bakasyon." Ang nakangiting sabi ni Morris. "Mahal ayusin mo na agad ang schedule mo ha?" Bilin ni Susan sa asawa. "Yes mahal, I will fix my schedule." Sagot naman ni Delfin.
Habang masayang nagkekwento sina Susan at Delfin tungkol sa nangyari sa kanilang araw ay hindi naman mapakali si Carlo sa ginagawang pag-aasikaso sa kanya ni Morris. Ang binata kasi ang naglagay ng ulam at kanin sa kanyang plato, maging pagsalin ng tubig sa kanyang baso ay hindi nito pinalampas. Kinakabahan si Carlo dahil baka mapansin ito ng kanyang mga magulang. Lihim naman na napangiti si Tin sa ginagawang pag-aasikaso ni Morris kay Carlo.
Pagkatapos ng hapunan ay tumulong si Carlo kay Tin sa paghuhugas ng mga pinagkainan. "Uy siya nga pala, kinausap ako ng jowa mo." Bungad ni Tin. "Ha? Kailan kayo nag-usap ate?" Tanong ni Carlo. "Kanina pagdating nila ni sir. Nagulat nga ako eh." Sabi ni Tin. "Weh? Paano yung gulat?" Tanong ni Carlo. Pinanlakihan siya ng mata ni Tin na kunwari'y nagulat. Natawa naman si Carlo sa ginawa ng kasambahay. "Ayan dyan ka magaling. Natatawa ka kapag pinapapangit ko yung sarili ko. Sadista ka din bata eh no." Ang natatawang din sabi ni Tin.
"Baliw. Nakakatawa naman kasi talaga ate pero seryoso na. Anong sinabi sa'yo ni Morris?" Tanong ni Carlo. "Ayun kinamusta ka niya kung anong ginawa mo sa buong maghapon. Sabi ko hapon ka na bumaba para kumain tapos umalis ka kasama si Miguel para magbasketball. Pupuntahan ka nga dapat nun sa may court para sunduin kaso pinigilan ko lang dahil alam kong kailangan mong lumayo saglit para makapag-isip. Alam mo hindi niya man sabihin sa akin pero nag-aalala yung lalaki sa'yo." Kwento ni Tin.
Napabuntung hininga si Carlo. "Alam ko naman ate. Syempre hindi ko maiwasan na magselos dahil alam mo yun, wala ako nung gaya sa'yo. Posible pa rin na maghanap si Morris ng babae." Sabi naman ni Carlo. "Gusto mo palit tayo? Akin na lang yang si junjun mo tapos sa'yo na lang yung pechay ko." Biro sa kanya ni Tin. Humagalpak naman ng tawa ang dalawa. "Baliw ka talaga ate! Baka naman second hand na yang pechay mo kaya binibigay mo na sa akin? Gusto ko ng sariwa at bago." Ang sabi ni Carlo. "Naku hamo na kung hindi na sariwa yung akin, butas pa rin naman yan. Basta may mapapasukan lang si jowa mo okay na yan." Sabi ni Tin at tuluyan ng napuno ng tawanan ang kusina.
"Mukhang nagkakasiyahan kayo dito ah. Anong meron?" Bungad ni Susan pagdating niya ng kusina. "Ay 'nay sorry maingay po ba kami? Si Ate Tin kasi pinopollute yung utak ko ng kung anu ano." Ang natatawang sabi ni Carlo. "Totoo ba yung sinasabi ng anak ko Tin?" Tanong ni Susan sa kasambahay. "Naku ma'am hindi po. Tinuturuan ko lang si Carlo kung paano magluto gamit ang pechay." Paliwanag ni Tin habang nagpipigil naman ng tawa si Carlo. Napakunot noo naman si Susan sa sinabi ni Tin. "Pechay? Di ba ayaw mo nun anak?" Takang tanong nito.
Bigla naman naubo si Carlo, agad siyang sinaklolohan ng kanyang ina. "Anak anong nangyayari sa'yo? Okay ka lang ba talaga?" Alalang tanong ni Susan sa anak. "Okay lang po ako 'nay. Bigla lang akong nasamid." Sagot naman ni Carlo sa ina. Hindi niya mawari kung gulay pa ba ang tinutukoy ng kanyang ina o iba na. "Mabuti pa anak ay maghinay hinay ka muna siguro sa pagkikilos dito sa bahay. Tapusin niyo na yan at para makapagpahinga na kayo." Bilin ni Susan sa dalawa. "Huwag po kayong mag-alala ma'am. Ako na po bahala dito kay Carlo." Wika ni Tin. "Oh siya, ikaw na ang bahala Tin dito at aakyat na ko. Anak tapusin niyo na yan at magpahinga na." Paalala ni Susan. "Sige po 'nay. Pahinga na po kayo. Tapusin ko lang po ito tapos aakyat na po ako." Wika naman ni Carlo.
Nakahinga naman ng maluwag ang dalawa pagkaalis ni Susan. "Diyos kong bata ka talaga. Kung anu ano ang naiisip mo siguro kaya bigla kang umuubo dyan." Sabi ni Tin. "Malay ko ba ate kung gulay na pechay ang tinutukoy ni nanay o yung tulad ng sa inyo." Natatawang sabi ni Carlo. "Tapusin na nga natin itong paghuhugas para makapagpahinga ka na." Wika ni Tin. "Naku ate baka mamaya pa ko makatulog nito. Mag-uusap pa kasi kami ni Morris pagkatapos natin maghugas." Wika ni Carlo.
"Weh? Usap lang ba talaga?" Pag-uusisa ni Tin sa kanya. "Oo ate, mag-uusap lang. May kailangan lang kami ayusin." Paliwanag ni Carlo. "Oh siya ikaw ang bahala. Sana ay maayos niyo na yan para lahat ay masaya. Good luck sa inyo mamaya." Sabi naman ni Tin. Pagkatapos nilang maghugas ay umakyat muna siya sa kanyang kwarto para mag-ayos ng sarili. Pagcheck niya ng kanyang cellphone ay nakita niya ang isang text message galing kay Bullet.
Bullet:
Hey, are you free this weekend?
Agad naman niyang sinagot ito.
Carlo:
Good evening sir. Hindi po ako sigurado, baka po kasi may biglaan lakad kami. Bakit niyo po pala natanong?
Send. Hindi naman nagtagal at kaagad itong nagreply sa kanya.
Bullet:
I was planning to go to Intramuros & Fort Santiago this coming weekend and I thought maybe you could come with me.
Pinag-isipan muna ng mabuti ni Carlo kung tatanggapin ba niya o hindi ang alok ni Bullet. Kung magkataon kasi ay ito ang unang beses na makakapunta siya sa lugar na tinutukoy nito ngunit sa kabilang banda naman ay nag-aalangan siya dahil baka magkaroon ng biglaang lakad ang pamilya at magdulot pa ito ng aberya. Matagal din bago siya nakapagreply dito.
Carlo:
Salamat sir sa alok niyo pero hindi po talaga ako sigurado.
Send.
Agad na nagreply si Bullet.
Bullet:
Okay. Just let me know if magbago ang schedule ninyo this weekend.
Hindi na nagawa pang magreply ni Carlo dahil naalala niya na naghihintay nga pala si Morris sa kwarto nito dahil mag-uusap silang dalawa. Nakaabang na si Morris sa labas ng pinto pagdating ni Carlo. "Akala ko hindi ka na pupunta." Wika ni Morris ng makalapit na si Carlo sa kanya. "Pwede ko bang gawin yun sa hubby ko?" Ang malambing na sabi ni Carlo. Hindi na napigilan ni Morris na yakapin ito ng mahigpit. "Namiss kita wifey." Wika niya. Kunwari'y nagdududa naman si Carlo sa sinabi nito. "Weh? Talaga ba?" Tanong niya. "Sobra kitang namiss. Totoo yun wifey." Pag-uulit naman ni Morris. "Hmmm hindi ako naniniwala. Ang mabuti pa ay pumasok muna tayo sa loob para doon makapag-usap." Sabi ni Carlo.
Naunang pumasok si Morris sa loob habang nakasunod naman siya sa likod nito. Nabigla na lang si Carlo ng isandal siya ni Morris sa pinto pagkasarado nito. "Hubby di ba mag-uusap muna tayo?" Ang naguguluhan na tanong niya. "Oo nga wifey. Mag-uusap nga tayo." Nakangising sabi ni Morris. Walang nagawa si Carlo ng sakupin nito ang kanyang mga labi. "Uhmmm." Isang mahinang ungol ang pinakawalan mula sa kanyang bibig. Ang mga kamay naman ni Morris ay nagsimulang gumapang pababa sa kanyang likuran. Pinisil pisil nito ang pwet ni Carlo sa sobrang panggigigil. "Teka hubby ibang usap itong gusto mo eh." Wika ni Carlo ng makawala ang labi nito sa binata. "Sorry wifey. Sobra lang talaga kitang namiss kaya hindi ko mapigilan na panggigilan ka." Sagot naman ni Morris.
Agad naman siyang dinala nito sa kama para maupo. "Ano ba yung gumugulo sa isipan mo wifey? Kung dahil ito kay Zoey ay wala kang dapat na ipag-alala dahil pinapangako ko naman sa'yo na ikaw lang ang mahal ko, wala ng iba pa." Sabi niya. Pumikit muna pagkatapos ay huminga ng malalim si Carlo. Muli niyang idinilat ang kanyang mga mata at tiningnan si Morris. "Mahal din kita hubby, mahal na mahal. Oo, aaminin ko sa'yo na sobra akong nagseselos hindi lang dahil kay Zoey kundi sa lahat ng babae na gusto kang akitin. Hubby ikaw ang unang lalaki na minahal ko at hindi ko kayang isipin kung sakaling maghanap ka ng iba. Bakla ako na may kahinaan din. May mga bagay kang hahanapin na tanging sa mga babae mo lang makikita at yun ang kinakatakutan mong mangyari sa relasyon natin. Sana maintindihan mo ko kung bakit nagkakaganito ako hubby. Naninibago din ako sa nararamdaman ko ngayon." Paliwanag ni Carlo.
Niyakap ng mahigpit ni Morris si Carlo. "Naiintindihan kita wifey. Tulad mo, ito rin ang unang beses na nagmahal ako ng bakla kaya naninibago din ako sa sitwasyon pero sabi ko naman sa'yo di ba gaano man kahirap ang pagsubok ay magkasama natin haharapin ito. Hindi ako bibitiw sa pangako ko sa'yo. Sana ganun ka din sa akin wifey." Wika niya. Hindi na napigilan ni Carlo ang pagtakas ng mga luha sa kanyang mga mata. Maagap naman itong pinunasan ni Morris. "I'm sorry hubby. Napanghinaan ako ng loob. Sorry talaga." Sabi ni Carlo.
"Ssshhh tahan na. Naiintindihan kita wifey. Pagsubok lang ito sa atin kaya dapat mas lalo pa natin pagtibayin ang tiwala sa isa't isa. Basta ipangako mo lang sa akin na hindi mo ko susukuan." Sabi ni Morris. "Sorry hubby. Pangako hinding hindi ako bibitiw sa relasyon natin. Hindi ako susuko sa pagmamahal mo." Wika naman ni Carlo. "Salamat. Ngayon ay panatag na ang loob ko. Mahal na mahal kita, Carlo." Sabi ni Morris. "Mahal na mahal din kita, Morris." Sagot naman ni Carlo.
Muling nag-alab ang pagmamahalan nilang dalawa. Sinibasib ni Morris ng halik ang mga labi ni Carlo. Naging mapusok at mapangahas ito dahil kalaunan ay ipinapasok na niya ang kanyang dila sa bibig ni Carlo. "Uhmmm." Nagpakawala ng isang ungol si Carlo sa sarap na dulot ng ginagawa ni Morris. Hindi rin siya nagpatalo at sinabayan niya ang mga dila ni Morris sa pakikipag-espadahan. Mainit, madulas at punong puno ng laway ang kanilang mga bibig. Pansamantala munang itinigil ni Morris ang kanilang ginagawa. Tumayo ito pagkatapos ay isa-isang niyang hinubad ang suot nitong saplot sa katawan. Bumungad kay Carlo ang morenong katawan ng kanyang nobyo.
"Wifey namiss ka na din nito." Sabi ni Morris sabay turo sa kanyang nagsisimula ng tumigas na alaga na nakatapat sa mukha nito. Napangiti naman si Carlo sa bumungad sa kanya. "Talaga hubby? Nagbehave ba talaga yan?" Tanong niya sabay nguso sa alaga nito. "Oo naman wifey, behave na behave 'to. Wala ba kaming reward?" Nakangising sabi ni Morris. "Hmmmm..." Kunwari'y nag-isip muna si Carlo habang nakatingin sa katawan ni Morris. Wari'y nainip naman ang binata sa paghihintay kaya siya na ang unang kumilos. Hinila niya si Carlo patayo at muli niya itong siniil ng halik habang kinuha naman niya ang isang kamay nito at ipatong sa naghuhumindig niyang alaga.
Sinimulan salsalin ito ni Carlo. Angat baba, mabagal hanggang sa mabilis. Napapadiin naman ang lapat ng mga labi ni Morris kay Carlo sa tuwing napapabilis ang pagsalsal nito sa kanyang alaga. "Wifey subo mo na." Hindi na nakatiis si Morris kaya inutusan na niya ito. Agad naman tumalima si Carlo. Pinaghahalikan niya ang leeg nito pababa sa kanyang dibdib. Pinagtuunan niya ng pansin ang dalawang u***g ni Morris. Dinila dilaan at kinagat kagat niya ito. "Arghhh! Ang sarap nyan wifey." Sambit nito. Pagkatapos sa dibdib ay dumako naman ang mga dila ni Carlo sa tiyan hanggang bumaba na sa alaga nito. Walang paligoy ligoy na ipinasok agad nito sa kanyang bibig ang alaga ni Morris. Subo, supsop sabay higop na parang lollipop ang ginawa ni Carlo.
"Grabe namiss ko ang bibig mo wifey! Arghhh kakaiba talaga." Puri ni Morris sa kanya. Ginanahan naman si Carlo sa kanyang narinig kaya pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Hindi siya nakuntento sa pagsubo sa alaga maging ang dalawang bola na nakalaylay dito ay hindi niya pinalampas. Kanya rin itong isinubo, dinilaan at sinupsop na siyang dahilan upang mabaliw ng husto si Morris.
"Argggggghhhhh tang ina ang sarap nyan ginagawa mo. Huwag mong titigilan. Ahhhhh!!!!" Pinagbuti ni Carlo ang ginagawa niyang pag-angkin sa alaga nito. Hindi malaman naman ni Morris kung saan niya ipapaling ang kanyang ulo sa sarap na nadarama. "Ahhhh kainaman talaga."
Hinawakan nang magkabilang kamay ni Morris ang ulo ni Carlo upang gabayan ang bibig nito sa paglalabas masok sa kanyang alaga. Nabibilaukan si Carlo sa sobrang pagsagad ni Morris sa kanyang alaga kaya madalas ay itinutulak na niya ito palayo upang makakuha siya ng hangin. Ramdam na ni Morris ang papalapit na siya kaya sinimulan na niyang pabilisin ang pagkadyot sa bibig nito habang si Carlo ay humawak na sa mga bewang ng nobyo upang kontrolin ang mabilis na pagbira nito sa loob ng kanyang bibig. "Wifey malapit na ko. Arghhhhh heto na ko. Ayan na lalabas na. Isasagad ko na! Ahhh...Ahhhhhhhhh!!!!" Sa huling bira niya ay sunod sunod na putok ang pinakawalang katas ni Morris sa bibig ni Carlo.
Napuno ang bibig niya kung kaya't nilunok niya lahat ito ng isang buo. "Ang galing mo talagang sumubo wifey. Mukhang naparami ang lumabas na katas sa akin sa sobrang pagkamiss ko sa'yo." Puri ni Morris sa kanya. "Hindi ka ba nagsariling sikap nung wala ako?" Tanong naman ni Carlo. Napakamot naman ng ulo si Morris. "H-Hindi wifey eh. Nilaan ko kasi talaga ito kung sakaling may mangyari sa atin ulit." Paliwanag niya.
"Kaya pala pakiramdam ko ang dami nung nasa bibig ko tsaka tumaba ng kaunti yung alaga mo kumpara dati. Teka maglilinis muna ako." Sabi ni Carlo sabay lakad patungo sa banyo ngunit humabol naman si Morris. "Sabay na tayo wifey." Wika niya. Tiningnan naman siya ng matalim ni Carlo. "Siguraduhin mo lang hubby na maglilinis ka talaga ng katawan mo baka mamaya humirit ka pa ng round two." Babala niya. "Oo nga wifey maglilinis lang ako pero...pagkatapos ng round two." Sabi ni Morris. Wala ng nagawa si Carlo ng halikan siya nito papasok sa loob ng banyo.
Ibinagsak ni Carlo ang kanyang sarili sa kama ni Morris sa sobrang pagod. Kakatapos lang kasi nila dahil tulad ng kanyang hinala ay muli itong humirit. Natapos na din si Morris sa paglinis sa kanyang katawan. Naabutan niya si Carlo na nakahiga paglabas nito ng banyo. Nagsuot lang siya ng brief pagkatapos ay tumabi na ito dito. Pinalapit niya ito sa kanya at isinandal ang ulo ni Carlo sa kanyang dibdib. "Wifey." Tawag ni Morris. "Bakit hubby?" Wika naman ni Carlo.
"Pwede mo bang ipangako sa akin na sa susunod na magkaroon tayo ng hindi pagkakaunawaan ay kailangan natin itong pag-usapan agad? Huwag na natin itong patagalin. Please wifey?" Ang pakiusap ni Morris sa kanya. "Opo. Pangako ko sa'yo yan hubby." Wika naman ni Carlo. Hinalikan ni Morris sa noo si Carlo. "I love you, wifey." Yumakap naman si Carlo sa kanya ng mahigpit. "I love you too, hubby. Sana dumating na yung panahon na pwede na kitang iharap sa mga magulang ko bilang nobyo."
Napangiti naman si Morris sa sinabi niya. "Kapag handa ka na wifey. Kasama mo ko kapag dumating na tayo sa puntong yun. Susuportahan kita dahil mahal kita." Wika niya. "Hindi ko akalain na sweet ka pala hubby." Sabi ni Carlo. Nagtaka naman si Morris. "Bakit? Ano ba tingin mo sa akin?" Tanong niya. "Natakot ako noong una kasi kakaiba yung titig mo, yung pakikipag-usap mo sa akin minsan nakakailang tapos nung pinuntahan kita dito sa kwarto mo tapos nag-aano ka---" Pinutol ni Morris ang pagsasalita ni Carlo. "Teka kailan mo nga ko nakita wifey?" Tanong niya. "Nung unang araw ko dito. Ano kasi tumawag si nanay tapos inutusan niya ko na hanapin ka. Pagdating ko dito ayun nakita kita na nakahiga tapos ano ahhh nag-aano ka....sariling sikap ganun." Paliwanag ni Carlo.
Hindi naman makapaniwala si Morris sa kanyang narinig. "Yun lang ba ang nakita mo?" Tanong ulit niya dito. Hindi naman malaman ni Carlo kung sasabihin niya dito ang totoo o hindi. "Wifey di ba nangako ka na magsasabi tayo ng totoo sa isa't isa? Yun lang ba talaga ang nakita mo?" Tanong muli ni Morris. Wala ng nagawa si Carlo kundi sabihin ang totoo sa kanya. "Ano kasi...narinig ko yung pangalan ko na binanggit mo habang nagsasariling sikap ka kaya natakot ako sa'yo simula nun." Paliwanag niya. "Sorry wifey kung natakot pala kita sa ginawa ko. Hindi ko talaga alam na nandoon ka nung ginagawa ko yun. Sorry talaga." Paghingi ng paumanhin ni Morris.
"Okay naman na hubby. Napalitan naman na yung takot ko ng pagmamahal mo. Ikaw ha hindi mo sinasabi na may mahalay kang balak sa akin." Biro ni Carlo. "Kung nagkataon nakita kita noon panigurado yun. Pero wifey may tanong pala ako sa'yo." Sabi ni Morris. "Ano yun hubby?" Wika naman ni Carlo. "Balak ko sana na i-date ka sa day off ko. Gusto kitang masolo, alam mo naman ang hirap kapag nandito tayo sa bahay niyo. Yan ay kung papayag ka." Sabi ni Morris.
"Kailan nga yung off mo?" Tanong ni Carlo. "Sa linggo wifey. Hmmm ano? Gusto mo ba?" Tanong niya. "Syempre gustong gusto!" Ang masayang sabi ni Carlo. "Okay sige. Magdadate tayo sa linggo. Salamat at pumayag ka. I love you wifey." Wika ni Morris. "Excited na ko sa date natin sa linggo. I love you too, hubby." Sabi ni Carlo.
SUSUNDAN...