"Yes. Like me. A same s*x relationship!"
Muntik ng maibuga ni Carlo ang kanyang iniinom dahil sa pagkabigla. "Joke ba yun sir? Ikaw? Papatol sa bakla?" Ang natatawang sabi niya. Tiningnan naman siya ni Bullet mula ulo hanggang paa. "Why not?" Sagot naman nito sa kanya. Nailang naman si Carlo sa ginagawa nitong pagtitig sa kanya. "Kung may x-ray vision lang yang mga mata mo sir malamang nakita mo na ang buong katawan ko pati mga laman loob ko." Wika niya dito. Ngumisi naman si Bullet. "You can also check mine if you want. All you have to do is just ask." Tila nang-aakit na sabi niya.
Naintindihan naman agad ni Carlo ang ibig ipahiwatig nito sa kanya kaya mas lalo siyang nailang dito. Kapwa nanahimik ang dalawa, nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.
"Sorry." Magkasabay nilang sabi.
"Sige mauna ka na magsalita." Wika ni Carlo.
"No, you go first." Sagot naman ni Bullet. Muli na naman nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
Nakatunghay sila sa kalmadong dagat sa ilalim ng bilog na buwan. Muling sumagi sa isip ni Carlo ang naging pag-uusap nila ng kanyang nobyo na si Morris at ang pagseselos niya dito. Napabuntung hininga siya at napansin ito ni Bullet. "Someone said to me before na kapag may malalim na problema kang dinadala or may bumabagabag sa'yo just go to the sea and let the pain, heartaches and misery be wash away by the waves." Wika ni Bullet. "Madalas ka din bang tumambay dito?" Tanong ni Carlo. "Hmmm dati." Sagot naman ni Bullet sa kanya. Nagtaka naman si Carlo. "Dati? Bakit ngayon ba wala ka ng problemang dinadala?" Tanong niya.
"Of course I still have problems but now I learn how to deal with it. Dati kasi irrational pa kong mag-isip, childish, typical go with the flow but stick to one kind of a guy. You become mature as you grow older." Sagot naman ni Bullet sa kanya. "Malalim ka din pala sir ano? Akala ko dati puro kabastusan lang ang nasa utak mo." Ang natatawang sabi ni Carlo. "I'm just appreciating the beauty and wonders that life has to offer to me, that includes hot girls and good s*x. You should try it too. Explore and have fun." Payo naman ni Bullet sa kanya.
"Appreciating beauty and wonders of life, pinagandang term para sa kamanyakan at tawag ng laman. Nice. Anong tingin mo sa mga babae pagkain? Karinderya lang? Iba't ibang putahe ang kailangan tikman?" Sarkastikong sabi ni Carlo. Napangiti naman si Bullet sa sinabi niya. "Let's just say that I am a s*x driven person. Casual hook ups and one night stand is simply normal to me. s*x gives me freedom. No hassles, no emotional attachments, just pure fun." Paliwanag ni Bullet.
"Hala siya. Naku sir yan ginagawa mo ay hindi normal para sa akin. Ang s*x ay sagrado yan. Ibibigay mo lamang ito sa taong mahal mo. Hindi yan basta basta pinapamigay na parang relief goods unless isa kang pa-raffle na tao." Depensa naman ni Carlo. Bigla naman natawa si Bullet. "So that's the main reason why you're still a virgin? Does your boyfriend knows it?" Tanong ni Bullet. Nabigla naman si Carlo sa tanong niya. "H-Ha? Anong b-boyfriend? Wala po ako nun sir." Nauutal na sabi niya.
"I'm a hot jerk but not that stupid. So tell me, is that the guy who accompany you that night when you slapped me?" Tanong ni Bullet. Hindi naman umimik si Carlo. "Guess I was right. Wait. Did you both have s*x already?" Tanong niya muli ngunit hindi pa rin ito sinagot ni Carlo. Napabuntung hininga si Bullet. "Tch. You have to start to pray for a miracle because soon enough, that guy will look for it to someone else. Trust me. Been there, done that." Babala ni Bullet.
Kinakabahan man ay nakuha muli ni Carlo ang magtanong kay Bullet. "Hindi ba sapat sa inyong mga lalaki ang pagmamahal lang? Paano kung hindi talaga kayang ibigay ng karelasyon niyo yung gusto niyo? Hihiwalayan niyo agad?" Tanong niya.
"s*x is the universal language between two persons. It plays a vital role in a relationship. You can't just give love without s*x or s*x without love because it is a two way system, give and take. s*x will help your relationship grow. If hindi mo kayang ibigay yun sa partner mo then break up with him as early as now dahil soon magkakaroon ng complications ang relasyon niyo. Pareho niyo lang masasaktan ang bawat isa. Yung isa magloloko, hahanap ng kalinga sa iba habang ang isa naman ay iiyak kasi niloko at pinagpalit siya. Hindi mo naman siguro gugustuhin na umabot pa kayo sa ganun di ba?" Wika ni Bullet.
Aminado si Carlo na tama ang mga sinabi ni Bullet. Magiging unfair siya kay Morris kung ipagkakait niya yung bagay na yun pero hindi pa talaga siya handa na ipagkaloob ito sa binata kung sakali man hingin na niya ito sa kanya. "At the end of the day ikaw pa rin ang magdedesisyon ng buhay mo. Ayaw ko lang makakita ng umiiyak na virgin sa terrace tuwing gabi." Sabi ni Bullet na ikinagulat naman ni Carlo. "Paano mo nalaman na umiyak ako?" Tanong niya dito. "Hinulaan ko lang. Sabi na nga ba eh umiiyak ka kanina." Ang natatawang sabi ni Bullet. "Bwiset na lalaking 'to. Hinuhuli lang pala ako." Pabulong na sabi ni Carlo. "Ha? What did you say?" Tanong ni Bullet. "W-Wala sir. Sabi ko po umuwi na tayo dahil baka hanapin na ko sa amin. Hindi kasi ako nakapagpaalam." Wika ni Carlo. "Okay. As you wish." Sagot naman ni Bullet.
Habang binabagtas ang daan ay walang ibang nasa isip ni Carlo kundi si Morris. Inaalala niya ang kanyang magiging desisyon sa kahihinatnan ng kanilang relasyon dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sigurado. Pasado alas dos nang madaling araw ng makabalik sila sa subdivision. Inihatid siya ni Bullet sa mismong tapat ng bahay nila. Tinanggal ni Carlo ang helmet na nakasuot sa kanyang ulo at ibinigay ito kay Bullet.
"Maraming salamat sir sa pagdala niyo sa akin sa maynila at sa napakasarap na pagkain. Ito po ang unang beses na nakalabas ako ng subdivision kaya memorable po sa akin ito." Masayang sabi niya. "You're welcome. Wait, save your number here." Sabi ni Bullet sabay abot kay Carlo ng kanyang cellphone. Sinave niya ang kanyang number pagkatapos ay binalik niya ulit ang cellphone kay Bullet. "Sige po sir. Papasok na po ako. Salamat po ulit." Wika niya. "Okay. I'll go ahead." Paalam naman ni Bullet sa kanya.
Pagdating niya ng kwarto ay agad siyang naglinis ng katawan at nagpalit ng damit pantulog. Kasalukuyang nasa banyo siya ng makatanggap ng isang tawag. Kinuha niya ang cellphone upang tingnan kung sino ang tumatawag. Hindi pamilyar ang numero na lumabas ngunit nahuhulaan na niya kung sino ang may-ari nito. "Hello?" Bungad ni Carlo.
"Hey, It's me. I'm already here in my room. How about you?" Wika ni Bullet sa kabilang linya. "Nasa banyo ako naghihilamos. Bakit ka pala napatawag sir? Miss mo ko agad? Huwag sir, hindi tayo talo." Wika ni Carlo. "Wait, what? I'm just trying to call you to confirm if tama ba yung binigay mong number." Sabi niya. "Mukha ba kong scammer para lokohin ka? Dapat pala talaga maling number ang binigay ko para hindi mo ko maabala." Naiinis na sabi ni Carlo. Dinig naman niya ang pagtawa ni Bullet sa kabilang linya. "I like it when you're so pissed off." Wika niya. "Yan dyan ka magaling, sa pang-aasar sa akin. Okay sige bye na." Wika ni Carlo. "Wait. I'm just kidding. It's not the real reason why I'm calling you." Pagpipigil ni Bullet. "Eh ano naman ang dahilan ng pagtawag mo sir?" Tanong ni Carlo.
"I just want you to know that whatever the things I've said kanina doesn't mean na mangyayari din sa'yo. Posible lang na mangyari ito kung wala kang gagawin to prevent that to happen. Fight for your love until the end. Kung hindi man ito umabot sa happy ending at least you've tried. It's better to fight for your happiness than to regret because you didn't do anything to make the relationship work." Wika ni Bullet.
"Thank you, sir. Tatandaan ko po ang sinabi niyo." Sagot ni Carlo. "You're welcome. Wet dreams cookie virgin." Sabi ni Bullet sabay baba nito ng tawag. "Hindi ko talaga siya maintindihan. Minsan seryoso pero madalas pasmado ang bibig. Naku talaga! Grrrr!!!" Naiinis na sabi ni Carlo sa kanyang sarili. Ngunit sa isang banda ay tumimo sa kanya ang mga sinabi nito. Dahil sa kanya ay nakabuo na siya ng desisyon. Napangiti si Carlo. "Salamat, sir."
Tok...tok...tok
Nagising si Carlo sa malalakas na katok sa pinto. Bumangon siya upang buksan ito. "Good morning, Carlo. Breakfast is ready!" Masayang bati ni Tin sa kanya. "Good morning din ate. Sige po bababa na lang ako mamaya." Wika niya. "Ha? Malilipasan ka na naman ng gutom nyan. Hindi ka kumain ng hapunan kagabi tapos ngayon agahan. Baka mapano ka na nyan." Nag-aalalang sabi ni Tin. "Ate huwag po kayong mag-alala. Busog pa po ako. Bababa na lang po ako mamaya. Kapag may naghanap sa akin pakisabi tulog ako." Bilin ni Carlo sa kasambahay. Wala naman nagawa si Tin kundi sundin ito. Bumalik muli sa kama si Carlo pag-alis ni Tin. Tiningnan niya ang kanyang cellphone, may mga text messages siyang natanggap. Agad niyang binasa ito.
Hubby:
Good morning wifey. Sana okay ka na. Please huwag ka ng magselos. Iiwasan ko na si Zoey para mapanatag ang loob mo. I miss you.
Namimiss na kita. Kausapin mo na ko wifey.
I love you, wifey. Please kausapin mo na ko.
0916*******:
Hey...still asleep?
Sinave ni Carlo ang number ni Bullet pero hindi niya muna ito sinagot maging ang text messages sa kanya ni Morris. Balak niya itong kausapin ng personal mamayang gabi pagdating nito. Tama ang sinabi ni Bullet, dapat nilang pag-usapan ni Morris ang lahat ng mga bumabagabag sa kanyang loob dahil mahal niya ito at gagawin niya ang lahat upang maging maayos ang kanilang relasyon.
Hapon na nung nagpasya si Carlo na lumabas ng kwarto. Wala siyang naabutan na tao pagbaba niya. Dumiretso siya sa kusina upang initin ang pagkain. Habang naghahain siya sa lamesa ay biglang tumunog ang kanilang door bell. Paglabas niya ay nakita niya si Miguel na nag-aabang sa may gate. "Hi kuya." Bati ni Carlo. "Hello bunso. Mabuti at gising ka na. Sabi kasi ni Ate Tin natutulog ka daw kanina kaya sabi ko babalik na lang ako ulit." Wika ni Miguel. "Oo nga kuya, medyo napasarap ang tulog ko. Halika pasok ka muna. Samahan mo kong kumain." Alok ni Carlo.
"Ngayon ka pa lang kakain?" Tanong ni Miguel habang papasok sila sa bahay. "Oo kuya. Kumalam na ang sikmura ko kaya ngayon pa lang ako kakain. Tara pagsaluhan natin itong pagkain na niluto ni ate." Sabi ni Carlo. Kumuha siya ng isa pang plato sa kusina para kay Miguel. "Teka bakit parang ang tahimik ng bahay. Ikaw lang ba mag-isa ngayon dito?" Tanong niya. "Oo ata. Kakababa ko lang kasi kuya kaya hindi ko sigurado kung nasaan yung mga kasama ko dito sa bahay." Sagot ni Carlo. "Ganun ba? Pareho pala tayo, wala din akong kasama sa bahay ngayon." Wika ni Miguel.
"Nasaan pala yung mga kasama mo sa bahay?" Tanong ni Carlo. "Pumunta sila doon sa beach resort sa batangas. Darating kasi sina papa at mama at balak nila na magbakasyon kami doon ngayon summer." Sabi ni Miguel. "Kailan kayo pupunta doon? Magtatagal ba kayo doon?" Tanong niya. "Sa susunod na linggo ang punta namin. Mga isang linggo lang kami siguro doon pagkatapos ay babalik na kami dito dahil paniguradong mag-aaya si Papa na mag-out of the country kami. Ito lang kasi yung panahon na pwede nila akong isama sa mga lakad nila." Sagot naman ni Miguel.
"Matatagalan pala bago tayo muling magkita." Malungkot na sabi ni Carlo. "Oo nga bunso. Baka sa enrollment at orientation sa school na tayo magkikita pagkatapos ng linggong ito. Di bale may cellphone naman, pwede tayong magtext at magkausap sa isa't isa. Teka kayo ba wala kayong balak na magbakasyon?" Tanong ni Miguel. "Hindi ko sigurado kuya. Pareho kasing busy ngayon sina Tatay at Nanay sa trabaho at negosyo nila." Tila malungkot na sabi niya. Napansin naman ni Miguel ang paglungkot sa mukha ni Carlo. "Baka naman siguro may plano sina Tita at Tito hindi pa lang nila nasasabi sa'yo. Huwag ka ng malungkot bunso. Sige ka papangit ka nyan lalo." Biro ni Miguel. "So parang sinasabi mo na pangit talaga ako. Ganun ba kuya?" Tanong ni Carlo. "Hmmm parang ganun na nga." Ang natatawang sabi ni Miguel. "Ang sama mo sa akin kuya." Wika ni Carlo na wari'y nagtatampo. "Biro lang. Ayaw ko kasi na malungkot ka bunso. Siya nga pala, dumating na sina Tristan at Joshua galing bakasyon. Nag-aaya sila na maglaro ng basketball mamaya sa may court baka gusto mong sumama? Gusto ka din daw nilang makilala ng husto. Yan ay kung wala kang ibang gagawin." Aya ni Miguel. "Sige kuya game ako dyan." Pagpayag ni Carlo.
Nilinis muna nila ang kanilang pinagkainan pagkatapos ay inaya ni Carlo si Miguel na tumambay sa may balkonahe sa kwarto niya. "Ito pala yung sinasabi mo sa kwento mo. Ang legendary terrace." Biro ni Miguel. "Oo kuya ito nga. Di ba nakakatuwa yang magaling na pinsan mo? Kung hindi ko napigilan malamang makakapanood ako ng live show nung gabing yun." Ang natatawang sabi ni Carlo.
"Honestly bunso hindi naman ganyan dati si Sir Bullet. Nagkaroon siya ng girlfriend na sobra niyang minahal. Ikakasal na nga dapat siya noon eh." Paglalahad ni Miguel. Bigla naman napukaw ang atensyon ni Carlo sa kwento nito. "Anong nangyari sa kanila?" Tanong niya. "Hindi ako sigurado sa totoong dahilan ng paghihiwalay nila pero hindi kasi sumipot sa mismong araw ng kasal nila yung babae. Magmula noon ay nagbago na si Sir Bullet. Palagi itong naglalasing at nagdadala ng iba't ibang babae dyan sa bahay niya tuwing gabi. Napabayaan niya ang kanyang sarili pati na din yung negosyo nila ni Papa. Kaya nagdesisyon si Papa na saluhin na muna ang responsibilidad na napabayaan ni Sir Bullet. Kaya ayun palaging nasa ibang bansa sila ni mama habang ako ay naiwan dito." Kwento ni Miguel.
"Kaya pala ganun ang ugali ng pinsan mo. Mayroon pala itong malalim na dahilan. Sorry kuya, hindi ko na dapat tinanong pa yun sa'yo." Hinging paumanhin ni Carlo. "Okay lang bunso. Ganun talaga siguro kapag nagmahal ka ng lubos. Handa mong ibigay ang lahat kahit na ang buhay mo para lang mapasaya yung taong mahal mo. Yun nga lang kapag wala kang tinira para sa sarili mo ganito ang mangyayari tulad kay Sir Bullet." Wika ni Miguel. "Ikaw ba kuya kapag nagmahal ka itotodo mo ba ang lahat o magtitira ka para sa sarili mo?" Tanong ni Carlo. "Kung ako yung nasa kalagayan ng pinsan ko baka mas masahol pa ang ginawa ko kaysa sa kanya. Palagi mong tatandaan bunso na kapag nagmahal ka makakalimutan mo na magtira ng para sa sarili mo. Gagawin mo yung lahat para lang makita siyang masaya kahit madalas ang kapalit nito ay ang pagkawasak ng puso mo. Ganun talaga ang pag-ibig, hahamakin ang lahat masunod ka lamang." Sagot niya.
"Wow Francisco Balagtas is that you? Lakas makaflorante at laura ng linyahan mo kuya. Hindi na ko magtataka, pareho kayong malalim ng pinsan mo." Wika ni Carlo. Nagtaka naman si Miguel. "Ha? Paano mo naman nasabi? Nagkausap na ba kayo ni Sir Bullet ng ganito kaseryoso?" Tanong niya. Tila nabuhusan ng malamig na yelo si Carlo ng madulas ang kanyang bibig. Hindi niya maikwento dito ang tungkol sa pag-alis nila ni Bullet kagabi.
Sakto naman na nakita niya si Tin na nakasakay sa tricycle. Inaya niya si Miguel na bumaba upang tulungan ang kasambahay na magbitbit ng mga dala niya kaya hindi na niya nagawa pang sagutin ang tanong nito. Pagkatapos maipasok ang lahat ng pinamili ay nagpaalam muna si Carlo kay Tin na pupunta ng court kasama si Miguel. Ibinuhos ni Carlo ang lahat ng atensyon niya sa paglalaro ng basketball kasama si Miguel.
Ngayon ay nagkaroon ng pagkakataon si Carlo upang lubos na makilala ang mga kaibigan ni Miguel. Si Joshua ay may pagkakalog, masayahin palagi at higit sa lahat, may pagkaisip bata. Siya yung nakasuot ng jersey #5 na pinalitan ni Carlo dahil susunduin daw ang kanyang nobya. Mabilis na nakapalagayang loob ito ni Carlo. Samantala tahimik at palaging seryoso naman si Tristan. Wala ito nung naglaro siya kasama sina Miguel. Dito siya nahirapan kasi hindi niya alam kung papaano niya ito kakausapin ng hindi naiilang. Pansin ni Carlo na mas malapit si Tristan kay Miguel kaya hinayaan niya na lang na ito ang kumausap dito.
Bago sila maghiwa-hiwalay ay inanyayahan ni Carlo ang mga ito na dumalaw sa bahay upang makilala sila ng kanyang mga magulang. Nagpasya naman si Miguel na gawin nila ito sa susunod na linggo pagbalik nila galing sa bakasyon. Pumayag naman sina Joshua at Tristan. Tulad ng nakagawian ay ginabi na sila ng uwi. Hinatid siya ni Miguel hanggang sa may gate. "Paano bukas na lang ulit." Wika ni Miguel. "See you tomorrow kuya." Sabi naman ni Carlo.
Matapos magpaalam sa isa't isa ay hinintay niya muna na makapasok si Miguel sa bahay nila bago ito pumasok. Nakita niya si Morris na nakasandal sa may pinto at wari'y may hinihintay. "Ginabi ka na naman umuwi. Baka hindi ka na naman sumabay sa amin kumain." Bungad na sabi ni Morris ng makalapit si Carlo sa kanya. "Huwag kang mag-alala sasabay ako sa inyo maghapunan. Maghihilamos lang ako saglit at puro pawis na ko." Sagot naman ni Carlo. Nakalampas na siya sa binata ngunit huminto ito at muling bumalik. "Kailangan natin mag-usap. Pupunta ako sa kwarto mo mamaya." Wika ni Carlo. "Aasahan ko ang pagdating mo." Sagot ni Morris sa kanya.
SUSUNDAN...