Hindi maalis sa mukha ni Bullet ang mga ngiti sa kanyang mga labi habang siya ay nagmamaneho papunta sa kanilang destinasyon. Kaagad naman itong napansin ni Carlo. "Mukhang masaya ka ata ngayon?" Ang natatawang tanong ni Carlo habang pinagmamasdan si Bullet na ang atensyon naman ay nasa daan. "Tch. I can't help it. I'm in a good mood right now." Ang nakangiting sagot ni Bullet sa kanyang tanong. "Hindi naman ito siguro dahil sa pinuri kita na gwapo sa suot mo ano po?" Pang-aasar na tanong muli ni Carlo. Hindi naman agad na nakasagot si Bullet sa tanong niya. "Aha! Yan na nga ba ang sinasabi ko. Kaya nga hindi kita masyadong pinapansin sa suot mo ay dahil baka lumaki ang ulo mo." Wika ni Carlo. "Wait. What head are you talking about? The visible one or the hidden one?" Tanong ni Bullet

