Kahit hindi ko alam kung sino 'yung tumatawag ay sinagot ko pa rin.
"Hello, Keena?" napakunot kaagad ang noo ko at pumasok ang isang katanungan sa isip ko.
Kilala niya ako?
"Hm? Who is this?"
"Si Vincent 'to." halos manlaki ang mata ko. Matapos kasi ang dalawang taon ay ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya, I missed him so much.
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko.
"Best, una na ako sa loob ah," pagpapaalam sa akin ni Hennielyn at nag-okay sign naman ako atsaka ko binalikan si Vince.
"O-- kamusta na, Vince?"
"Heto okay lang, gwapo pa rin," natawa naman ako dahil hanggang ngayon ay confident pa rin siya sa kagwapuhan niya,
"Hm, hiningi ko kay Pet 'yung number mo, e, buti pa siya.. hindi nawalan ng contact sa'yo," natahimik ako dahil halata sa boses niya ang pagtatampo.
Nagpalit nga pala ako ng contact number para makamove on sa nakaraan.
"Ah.. pasensya ka na, Vince.. kung nagpalit ako," doo'y parehas kaming natahimik.
"Okay I'll understand. Nga pala, meet tayo one of this days, I'm here in Baguio. Nabalitaan ko kay Pet na dito kayo nagwowork ni Hennielyn."
"Ah! Sure! Sama ko na rin si Hennielyn ah?"
"Okay. I miss you Keena. Marami kang utang na kwento sa'kin!" narinig ko ang simpleng pagtawa niya kaya natawa na rin ako.
"Loko ka talaga Vince, I miss you too! O, siya, end mo na 'to, I have to go."
"Okay, see you soonest."
"Soonest?"
"Haha. Malapit na lang naman ako sa inyo."
"Ah. Sige Vince."
"Bye."
--
Nang makapasok na ako pabalik sa office ay hindi sinasadyang matatabig ko ang isang kwintas dahilan para balikan ko ang nakaraan..
Two years na ang nakalipas magmula nang hiwalayan niya ako at ipagpalit..
Flashback..
One week before the Graduation ay hindi na siya nagparamdam. Hindi niya sinasagot ang mga texts at tawag ko.
"Hays payatloves. Sagutin mo naman kasi-- nakakainis ka na!" pilit kong kinakausap ang sarili ko habang hinihintay na sagutin niya ang tawag ko.
Hanggang sa dumating ang Graduation Day, ang araw na pinakahihintay namin lahat.
"Hinihintay mo siya 'no?" tanong sa akin ni Vince.
"E, kasi baka naman nagpapamiss lang siya 'di ba?" sagot ko tila umaasa at medyo naluluha na no'ng time na 'yun.
Tinapik na lang ni Vince ang balikat ko para maging okay ako.
Hanggang sa umakyat na lang kami ng stage ay wala pa rin akong nakitang Lithian Duanne Samonte.
Mabuti na lang at naroon si Hennielyn para sandali kong makalimutan ang kalungkutan na nararamdaman ko.
"Best, picture tayo!"
"Kuhanan ko na kayo," pagpresinta pa ni Peter.
"Sige bunch! Ayusin mo ah!"
"1,2,3 smile."
"Keena, pilit ang ngiti mo ah."
"Patingin nga," sabi pa ni Hennielyn at kumunot ang noo niya nang makita ang litrato namin.
"Best.." niyakap niya ako at sa pagkakataon na 'yun ay pumatak ang luha ko.
Pero sa hindi kalayuan ay parang nakita ko ang taong kanina ko pa hinahanap, biglang nagbago ang expression ng mukha ko kaya kumawala ako sa yakap namin ni Hennielyn.
Napatingin din sila ni Peter sa direksyon ni Lithian a-at doon ko lang napansin na may kasama siya. Hindi sina Tito o kahit si Tita kundi isang babae. Magandang babae na noon ko lang nakita.
Ang sakit.
Pero mas lalo pa akong nasaktan nang makita kong hawakan niya ang kamay ni Lithian at nakita kong masaya pa siya sa ginawa nito. Unti-unting pumatak muli ang luha ko at para akong nanigas sa kinatatayuan ko.
"Keena!" narinig ko pang tawag ni Vince at natigilan siya nang malaman kung sino ang tinitingnan ko.
Lumapit sila lahat sa akin at dinamayan ako sa pag-iyak ko.
"Best.. tahan na. Sayang 'yung make up mo."
Gusto ko sanang matawa subalit ayaw magpatalo ng luha ko.
"Keena," tawag ni Peter kaya lumingon ako sa kanya.
"Sorry kung hindi ko sinabi sa'yo."
"A-alam mo?" nagkatinginan kami nila Vince at Hennielyn.
"Sorry, ayoko kasing masaktan ka pa. Sinabihan din ako ni Lithian."
Naitakip ko na lang sa mukha ko ang dalawang palad ko.
Gusto kong isigaw lahat ng sakit na nararamdaman ko.
One week siyang walang paramdam tapos ganito pa ang makikita ko. Lumapit sa akin si Mama at doon ako natigilan.
"Anak.."
"Ma," kaagad ko siyang niyakap.
"Sobrang sakit, Ma.." sabi ko sa gitna ng yakap namin. Kahit maraming tao ay hindi ako nahiyang umiyak. Dahil wala silang pake sa nararamdaman ko.
"I know.. lilipas din ang sakit na 'yan anak.." hinarap niya ako.
"Ngumiti ka na.." natigilan ako sa paghikbi dahil kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
Kinabukasan after ng graduation ay nagpunta ako sa kanila. Nagbabakasakali na magiging okay ang lahat. Hindi pa rin ako makapaniwala na basta-basta niya na lang ako bibitawan at ipagpapalit.
"Hi, Ma'am Keena. Napadalaw ka po?"
"Ah, nandiyan po ba si Lithian?" napawi ang ngiti ko nang biglang lumungkot ang mukha niya.
"Pasensya ka na Keena, ayaw ngayon tumanggap ng bisita ni Lithian."
"Saglit lang naman po, Yaya Mela--"
"Hm, sige na nga p-pero huwag mong sabihin na ako 'yung nagpapasok sayo ah? P-papagalitan ako no'n, e," nagtataka ma'y tumango na lang ako.
"Promise po, Yaya."
"Sige, halika na sa taas."
"Salamat po, Yaya."
Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako ng mga oras na 'yun. Malinaw naman na 'yung nakita ko pero gusto ko pa rin marinig ang side niya.
Nagsimula akong kumatok, mahina lang 'yung katok ko pero narinig niya pa rin.
"Sino 'yan?" Hindi ako nakasagot. Namiss ko ang boses niya.
"I said, who are you?!" narinig ko ang yabag ng paa niyq na parang papalapit sa pinto at hindi nga ako nagkamali dahil binuksan niya iyon. Natigilan pa siya nang makita ako.
"What are you doing here?"
walang ganang tanong niya.
"P'wede ba tayong mag-usap? Hindi mo sinasagot ang texts at mga tawag ko."
"Umalis ka na."
"Pero--"
"I said, umalis ka na!" halos mapaatras ako. Ang sakit lang masigawan ng taong sobrang mahal mo kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak sa harap niya.
"Lithian.. kahit ngayon na lang please.." pagmamakaawa ko at
tumango siya.
Pumasok siya sa kwarto at sumunod naman ako. Umupo ako sa may kama niya habang siya naman ay nakadungaw lang sa may bintana. Napansin ko rin ang mga upos ng sigarilyo sa may kama niya.
"Bakit naninigarilyo ka ulit?"
Ang alam ko matagal na siyang tumigil sa paninigarilyo eversince naging kami.
"Wala ka na 'dun."
"Bakit ka ba nagkakaganyan? One week kang walang paramdam! Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin 'yun? Bakit ah? W-wala na ba tayo? Wala na ba ako diyan sa puso mo?" halos itulak ko na siya sa paghahampas ko sa dibdib niya.
"I'm sorry, Keena. We're over," napatayo ako sa kinauupuan ko.
'I'm sorry Keena. We're over,' paulit-ulit na nagsink-in 'yan sa utak ko.
"Totoo ba 'yung nakita ko kahapon? Siya na ba?" naiiyak kong sabi at napalunok ako nang tumingin siya sa mga mata ko na wala kang makikitang emosyon
"Oo. Siya na ang mahal ko at hindi ikaw. Okay ka na?"
"Hindi 'yan totoo. Ano bang dahilan? Sabihin mo sa akin!" lumapit ako sa kanya upang yakapin siya pero tinanggal niya lang ang kamay ko.
"Stop it! Ano pa bang gusto mong malaman? Tapos na tayo! Hindi na kita mahal, hindi ko na kailangan pang i-explain. Huwag mo ng saktan 'yung sarili mo."
"Lithian, mahal na mahal kita. Pero bakit nagising ka na lang isang araw na hindi mo na ako mahal at iba na ang mahal mo.. Bakit parang wala lang sa'yo lahat ng pinagsamahan natin. 'Di ba mahal mo pa naman ako? Sabihin mo sa'kin 'di ba hindi totoo 'yung mga sinabi mo?" halos ipagduldulan ko na ang sarili ko sa kanya. At hindi na ako nakapagsalita sa mga sumunod na sinabi niya.
"Keena, stop it. I realized na hindi ikaw 'yung babaeng gusto kong makasama habang buhay kundi si Denice. We're two weeks engaged now."
Lalong bumuhos ang luha sa mga mata ko. Wala itong tigil sa pagpatak.
"Ang sakit Lithian. Sobrang sakit. Matagal mo na pala akong niloloko. Matagal mo na pala akong pinapaniwala sa mga pangako mo."
"Keena, kalimutan mo na ako. Hindi ko deserve ang mga luha mo, hindi ko deserve ang pagmamahal mo."
"Pero mahal kita. Mahal na mahal.. hindi gano'n kadali sa akin na makalimutan ka," nilapitan niya ako at sa huling pagkakataon ay niyakap niya ako.
"I'm so sorry Keena, kung nasaktan kita ng sobra. Sana mapatawad mo ako," kumawala ako sa yakap niya. Sapat na ang mga narinig ko, na hindi niya na ako mahal. Kung siya nga hindi ako nagawang ipaglaban, bakit hindi ko rin gawin na palayain siya. Kaya pinunasan ko ang mga luha sa mata ko.
Sa unang pagkakataon ay tinitigan ko siya ng walang pagmamahal, kundi puro galit at hinanakit.
"Malaya ka na, Lithian." iyon lang ang nasabi ko bago lumabas at umalis ng silid na 'yun.
End of Flashback..
"Keena Martinez Lupango!"
"Ay kalabaw!" nakatulog pala ako. Pero parang basa ang mata ko.
"Nananaginip ka na lang, e, umiiyak ka pa.." Dali-dali kong kinuha ang salamin para tingnan ang itsura ko. At halos matutop ko ang bibig dahil umiyak nga ako.
"Kanina ka pa hinahanap ni boss, buti sinabi ko na bawal ka munang magpa-excuse," napangiti naman ako.
"Thankyou best, ah."
"Ano ka ba, wala 'yun, mag-ayos ka na at baka mahalata ka pa mamaya ng kliyente natin."
Nag-ayos na ako ng sarili ko at lumabas na para kausapin ang bago naming kliyente.
---
Itutuloy..