"Oh my gosh! best! Look oh!" muntikan na akong mapatalon sa kinauupuan ko nang dahil sa pagsigaw niya.
Napakunot naman ang noo ko dahil busy ako sa pag-iisketch ng bagong design na ipi-present ko sa bagong kliyente. Heto kami ngayon sa apartment at kahit day off namin ay minabuti na lang namin magpahinga imbes na gumala.
"Ano ba 'yan, best?" tanong ko nang hindi lumilingon sa kanya.
"Naka-receive ako ng email mula kay Julia, ikaw ba.. mayro'n?" Napalingon ako sa kaniya.
"Para saan naman?" Ngumiti lang siya na hindi ko maintindihan.
"You better check your email na lang," aniya. Napangiwi ako at dali-daling chineck ang email ko.
At ito ang bumungad sa akin..
'All graduates batch 2017 must have to attend our first ever alumni party. Hope to see you guys by next week! -Julia'
Nakatingin lang siya sa reaksyon ko habang napatakip ako sa aking bibig. Napaisip ako na baka ito ang magiging dahilan para magkita kami at ayaw na ayaw ko iyon mangyari. At kasabay ng pagkuyom ng aking mga palad ay ang mga salitang bigla na lang lumabas sa bibig ko.
"Hindi ako pupunta best," naramdaman ko ang paglapit niya sa akin.
"What? Bakit naman best? E-- minsan lang naman 'yon, ah.. at isa pa.. kung--" natigilan siya sa sasabihin.
"I said ayoko. Kung gusto mo, kayo na lang, p'wede naman siguro na kayo na lang 'di ba? Nandoon naman siguro si Maggy," nakita ko ang pagbusangot niya, simbolismo lang na hindi niya nagustuhan ang isinagot ko. Subalit hindi pa rin ako nagpatinag, dahil buo na ang desisyon ko.
"Hennielyn, huwag mo nga akong daanin sa pagpapacute mo dahil hindi--"
"Bakit?! Masakit pa rin ba? Affected ka pa rin ba?" natigilan ako at dahan-dahan napailing. Hindi dahil sa sumasalungat ako sa sinabi niya kung hindi dahil sumasalungat ako sa sarili ko.
Bakit masakit pa rin? Kahit ilang ulit kong i-deny 'yon sa sarili ko. It's been years!
"Best, two years.. two years na ang nakalipas. Dapat kalimutan mo na 'yun. Learn how to accept that you don't have a happy ending.." nagsimulang pumatak ang luha ko na kahit ilang ulit kong pigilan sa harapan niya ay hindi ko magawa.
Mahal ko pa nga ba si Lithian?
Or else, ano kayang mararamdaman ko kapag nagkita ulit kami?
Ang hirap magpretend. Pero kahit itago ko 'yun, ramdam pa rin ni Hennielyn ang totoong nararamdaman ko. Sometimes, a bestfriend know you more than yourself.
"Ano? Iiyak ka na naman ba? Tama ako 'di ba? Kahit itago mo iyang sakit na nararamdaman mo, ramdam ko pa rin 'yun. Dahil kilalang-kilala kita Keena!"
napahagulgol ako sa pag-iyak at hinayaan ko na ang sarili ko na tanggapin ang yakap niya.
"Ang sakit sakit pa din best.." tagnging sabi ko sa gitna ng yakap na 'yon.
"You have to be strong best. I'm here for you, I support you all throughout, alam mo naman 'yan 'di ba?" napatango ako habang pinupunasan ang luhang dumungis na naman sa mukha ko.
"So, aattend tayo ng reunion okay? Huwag kang magpaapekto sa kanya. Maganda ka.. be confident, dapat mas i-level up mo pa ang personality mo para maglaway si ex," napangiti lang ako dahil mukhang mas gigil na gigil pa siya kaysa sa akin. Ngumiti na rin siya at parang may kung ano na naman siyang naisip dahil sa pagkinang ng mata niya.
"I have an idea," magtatanong pa sana ako pero bigla niya akong hinila palabas. Hindi ko na nagawang magpumiglas dahil sadyang mahigpit ang pagkahawak niya.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" pangungulit ko pero imbes na sagutin niya ako ay kinindatan niya lang ako.
"What the hell are you doing best?!" iritang tanong ko habang pinapagana niya ang manibela.
"Relax best.. I would made your day," kumindat ulit siya at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Mukhang may plano na naman siyang hindi ko alam.
Nagpunta kami sa isang mall at dahil nga kilala na ang pangalan namin bilang designer dito sa Pinas ay hindi maiwasang pagtinginan kami dito sa mall. Naisipan namin dumaan sa isang shop ng glasses at bumili kami ng shades para sa privacy namin. Oh 'di ba? Sikat na kami. Pagkatapos no'n ay dumaan kami sa isang salon.
"Bakit tayo nandito?" pagtataka ko.
"Chill, let's have fun!" masayang wika niya pero napairap lang ako.
"Don't tell me magpapatreatment ka na naman Hennielyn."
"Hindi 'no, ano ka ba best, kaya nga tayo nagpunta rito dahil araw natin 'to! Siyempre.. mas maganda before reunion, e, new look na tayo!" ngumiti pa siya habang hinahawi ang buhok patalikod.
Ang taray ng bestfriend ko. Kaya hindi ko maiwasang matawa sa ginawa niya.
"O siya! Ang dami mong naiisip."
Umupo na kami at nagpaayos. Nagpakulay na rin kami ng buhok. Ever since kasi, hindi ko pa napakulayan itong buhok ko. Ash blonde ang napili kong kulay at chesnut brown naman ang kay Hennielyn. Pagkatapos ay pinakulutan niya ang dulo ng buhok ko. Ang pangit daw kasi ng mahaba lang at walang design. Iyong sa kanya naman ay pinaputulan niya hanggang upper shoulder length ng college cut.
Matapos ang mahigit isang oras na paghihintay..
"Oh my gosh best! You're so pretty!" hinawak-hawakan pa niya ang buhok ko.
"Ikaw din best," nakangiti kong sagot.
"Oo nga ma'am. You look so gorgeous," sabi ng babaeng nag-ayos ng buhok ko. Nagpasalamat ako sa papuri na 'yon.
Matapos namin magpaayos ay nagawa pa namin picturan ang aming mga sarili.
"Ayan.. may pang post na ako sa i********:!" tila kinikilig na aniya habang nandito kami sa isang coffee shop. Mahilig talaga siya sa social media, kabaliktaran ko naman na walang kahilig-hilig hanggang silip lang ako ng notifications and messages, e.
"Sandali lang, comfort room lang ako best."
"Okay," sagot niya habang busy pa rin sa pag-iinstagram.
Tinanggal at inilagay ko na muna sa ulo ko 'yung shade ko dahil wala naman kami sa public place. Pero bago pa man ako pumasok ng comfort room ay may nakabangga ako.
Medyo nanlaki ang mata ko nang magtagpo ang mga mata namin.
Ang babaeng mahal niya na ngayon.
Ang babaeng naging karibal ko kahit na hindi ko naman siya nakilala noon.
At ang babaeng naging dahilan ng sakit na nararamdaman ko hanggang ngayon.
"Excuse me? You look familiar," sabi niya habang hindi ko nagawang lumingon.
Naikuwento na ba ako sa kanya ni Lithian?
Kahit minsan ba ay nabanggit niya ako sa babaeng ito?
Hays.. Keena, huwag ka nang umasa.
Ang ganda niya, hindi, e. Ang ganda-ganda niya. Wala kang maipipintas sa kanya, matangkad, makinis, mukhang anak mayaman, sexy at maganda.
"Hey, I'm talking to you."
"Ah, I'm sorry, hindi ako 'yung taong inaakala mo, Excuse me," atsaka ako nagpatuloy sa pagpasok. Napahinga ako ng maluwag nang magawa ko 'yon, subalit..
"Denice, who are you talking wih?" natigilan ako sa boses na 'yon. Habang paulit-ulit kong itinatanong sa sarili ko na..
Bakit? Of all places bakit nandito rin sila?
"Ah! Nothing. Let's go?"
Matapos kong marinig 'yon ay hindi ko na nagawang lumingon.
Pero nang makalayo na sila ay sinilip ko ulit at nagtagumpay ako nang makita ang likod nila. Kahit nakatalikod siya, kilala ko pa rin siya. Alam kong siya 'yung kasama ng Denice na 'yun.
Animo'y parang naramdaman ko ulit 'yung naramdaman ko two years ago. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Ngayon ko lang naappreciate ang ayos ko. Mas lalo akong gumanda. Hehe.
-
Nang balikan ko si Hennielyn ay ramdam ko pa rin ang tensyon na naramdaman ko kanina. Pero saglit kong nakalimutan 'yon nang pilosopohin niya ako.
"Bakit ang tagal mo? Matagal bang magtaas ng underwear?"
"Loka ka talaga best. Hinaan mo nga 'yong boses mo," pagkasabi ko no'n ay biglang nag ring ang phone ko.
Vincent is calling..
"Hello Keena.."
"Yes, Vince?" napatingin sa akin si Hennielyn.
"Oh talaga? Ah.. yes were here. Nasaan ka ba?"
"Oh I see. Okay. As in now na?"
"Okay, see you."
"Ano raw 'yun?"
"Natatandaan mo ba 'yung sinabi ko sa'yo last time, na magkikita kami ni Vince. Nandito siya sa Baguio for vacation."
"Ah.. oh saan naman? Baka makaistorbo lang ako sa inyo."
"Best, friends na lang kami. That's it," sagot ko at tiningnan niya lang ako ng isang nakakaconfuse na tingin.
Sabay kaming napalingon nang may tumawag sa pangalan namin..
"Keena, Hennielyn," napatitig ako sa itsura niya ngayon. Lalo siyang naging gwapo at mas naging manly.
At dahil sobrang miss ko siya ay niyakap ko siya, takap ng isang kaibigan.
"Grabe! Ikaw ba talaga 'yan Vince?" sabi ko habang kaharap namin siya sa table.
"Oo nga. You look better," dagdag pa ni Hennielyn at napangiti lang si Vince.
"Kamusta na kayo ni Maggy?" pag-iiba ko ng usapan.
"We're officially lovers," tipid at
nakangiti niyang sabi.
"Kelan pa?" sabay naming tanong. Isa kasi ako sa botong-boto para sa kanila.
"Last year. Hindi niyo ba nakikita sa mga posts ko?"
"I'm not updated," matipid kong sagot.
"Kamusta na si Maggy?" tanong ni Hennielyn.
"She's working as a professor in our college school."
"Oh nice. E, ikaw? Saan ka nagwowork?" tanong ko.
"Actually, I stop on working because I have a business now."
"Wow!" paghanga ni Hennielyn maging ako ay napapatango na lang.
"Minsan pasyal kayo sa restaurant ko here in Baguio."
"Sure! Kaya naman pala nandito ka, e. Akala ko ay nagbakasyon ka lang," sagot ko.
"Definitely, hm.. kakabukas lang din naman no'n, and sooner or later on, kami na ni Maggy ang magpapatakbo ng negosyo ko."
"Wait, may hindi ba kami nalalaman, Vince?" ngumiti siya at nanlaki ang mata namin nang itaas niya ang kanyang kanang kamay na may suot na singsing.
"Wow! Hindi ako makapaniwala Vince but I'm so happy for both of you," napapangiting sabi ko.
"Ako rin, Vincent, so, congrats!" dagdag pa ni Hennielyn.
"Thank you."
Grabe, ang dami na talagang nagbago sa loob ng dalawang taon.
---
Waaaaaaaaaa ^_^