Chapter 3

1350 Words
Hennielyn Hanggang ngayon ay natutuwa pa rin ako sa new look namin ni Keena. Mas lalo nga siyang gumanda sa ayos ng buhok niya, e. Ang galing ko talagang umisip ng hairstyle na babagay! "Excuse me po, ma'am Hennielyn, may bisita po kayo," ang sabi ng isang sales staff sa amin. Nagtaka naman ako kung sinong bisita. Sino naman kayang bibisita sa akin? "Okay, papasukin mo." "Okay po." Maya-maya pa ay may pumasok sa office namin ni Keena, dahil nasa labas ngayon si Keena at kausap ang clients. Nang makita ko kung sino siya ay muntikan na akong mapasigaw. "Bunch?" napatayo kaagad ako para yakapin siya at nabaling ang tingin ko sa dala-dala niyang bouquet of flowers, ang sweet lang. Halos kuminang ang mata ko sa salitang lumabas sa bibig niya. "Happy fourth anniversary bunch," halos maluha-luha ako sa sinabi niya. Nag-effort pa talaga siya during work hours ko, ah? "Akala ko ba nasa office ka? Ang daya mo! Muntik na akong mainis dahil akala ko--" Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil.. hinalikan niya ako. "I just miss you. Maybe we're both busy but it's not an excuse to celebrate our special day." Taray. Gumaganon na siya, ah? "I love you so much bunch. Happy anniversary!" sambit ko at niyakap siya pagkatapos ay hinalikan ko saglit sa may labi. Hinawakan niya ang bewang ko at pinagdikit niya ang ilong namin. "You look so beautiful in your haircut," sambit niya kaya dahil sa kilig ay pinisil ko ang ilong niyang matangos. "Mr. Zy, you have made my day. But it's our time to set apart because it's my office hours," unti-unti kong inilayo ang sarili ko sa kanya. "Okay soon to be, Mrs. Zy," ngumiti siya at nang tumalikod na siya papalayo sa akin ay nakadama ako ng lungkot dahil medyo matagal na naman kaming hindi magkikita. Pero pagkabukas pa lang niya ng pinto ay nakita ko ang mga ka- staff ko na nakaharang sa pinto kasama na rin si Keena at ang boss namin na si Mr. Delfin. "Bunch? What's happening?" nakatayo pa rin ako sa pwesto ko ngayon bagama't hindi makapaniwala. Pumasok silang lahat sa office na may hawak- hawak na banner na may nakalagay na.. 'Will you marry me?' Maluha-luha ako nang mabasa 'yon kahit na hindi ko pa 'yon naririnig mula sa kanya. At mas lalo akong naluha nang lumuhod siya sa harapan ko. Inilabas niya ang box ng ring at hindi ko na maintindihan kung anong mararamdaman ko. Ganito pala 'yung feeling kapag may nagpopropose sa'yo. Hinawakan niya ang isa kong kamay at nagtatalon sa pagtibok ang puso ko sa sinabi niya.. "It's been a long time, we shared a lots of moment together, I know it is the right time. Just say yes." Lahat sila ay hinihintay ang sagot ko. "Bunch naman, e." "Pretty please?" kasabay nang pagtango ko ang pagsagot ko. "Yes, magpapakasal ako sa'yo." "Yieeee!" sigawan at palakpakan nilang lahat habang isinusuot niya sa akin ang engagement ring at mukhang hindi niya na napigilan ang tuwang nadarama dahil binuhat niya ako. "Bunch! Mabigat ako!" tawanan naman silang lahat. Pinandilatan ko siya ng mata nang ibaba niya ako. "Grabe ka, kahit si boss nakakuntsaba mo," bulong ko sa kanya. Inakbayan niya ako habang nakaharap sa kanilang lahat. "Guys, thankyou sa tulong ninyo at sorry na rin sa abala ko." "Okay lang 'yun Mr. Zy," sabi ni boss. Grabeng saya talaga ang nararamdaman ko ngayon. Parang sasabog na ang puso ko. He made my day. -- After one week. "Best gising na!" It's already nine o' clock in the morning at tapos na akong maghanda ng breakfast samantalang 'yung kasama ko sa apartment ay mahimbing pang natutulog. Mukhang walang epekto ang sigaw ko dahil humihilik pa rin siya. At dahil gumana na naman kapilyuhan ko ay kumuha ako ng malamig na tubig na galing sa freezer at ibinuhos ko iyon sa mukha niya ng dahan-dahan. Wala akong pake kahit mabasa ang unan. Hahaha! "Hah! Nalulunod ako!" naalimpungatang aniya. Pagkabangon niya ay tawa pa rin ako nang tawa. "Best naman, e. Bakit mo binasa 'yung mukha ko-- at malamig na tubig pa talaga ha?!" nakanunot-noong aniya. Inilagay ko sa bewang ko ang kanang kamay ko. "E, kasi naman kanina pa kita ginigising pero ang sarap-sarap ng tulog mo. Hindi ka ba na-eexcite mamaya?" kinusot-kusot pa niya ang mata niya habang nakatingin siya sa unan na nabasa. "Inaantok pa ako best," sabi niya at humiga na naman siya pero mabilis ko naman siyang napigilan. "Waaa!" malakas niyang sigaw. "Babangon ka ba o babangon?" doo'y napaupo siya. "Pareho lang naman 'yun ah?" sumilay ang ngisi ko habang kinunutan niya ako ng kilay. "Kaya nga.. no choice ka na kaya bumangon ka na! Nagluto na ako ng breakfast," nag-unat siya ng kamay niya. "Yuck ang lakas best!" pagbibiro ko. Nagkunwari pa akong nagtakip ng ilong ko para lalo siyang maasar. "Trip mo ko best ah? Humanda ka sa'kin," napangisi siya kaya pagkatapos niyang ayusin ang higaan ay tumayo siya at lumapit sa akin at bigla niya akong kiniliti! "Hahahaha-- tama na best hahahaha!" patuloy na tawa ko. Nakikiliti talaga ako, e. "Asar pa," sumeryoso na ang mukha niya kaya natigilan na rin ako sa pagtawa. "Tara na.. malamig na ang niluto ko," napatango siya at sumunod sa akin. Dumating ang hapon at kasalukuyan na kaming nakabihis para sa alumni party. "Napakaganda mo best. For sure maglalaway 'yung ex mo," pang- aasar ko. Pero wala man lang akong nakitang reaksyon sa mukha niya. Nagkunwari ako na walang napansin. Sa totoo lang, ibang- iba na ngayon ang tindig ni Keena, kahit na sa akin niya na lang ipinapakita na mahina siya, pagdating sa ibang tao ay ibang Keena ang nakikita ko, palaban at malakas. Galit na galit ako sa ginawang iyon ni Lithian sa bestfriend ko. Kapag nakita ko talaga sila ng babae niya, babalatan ko sila ng buhay! "Best?" nabalik lang ako sa realidad nang marinig kong tinatawag niya na pala ako. "Iyong kotse ko 'yung gagamitin, ah?" sabi niya. "Okay." Sabay na kaming nagpunta sa venue ng Alumni Party kung saan ay sa isang resort dito sa Baguio gaganapin ang party. Pagkapasok pa lang namin sa entrance ay naglog-in kami sa notebook ng nag a-assist doon. Kagaya ng inaasahan ko ay marami ng tao sa loob. Ang ganda ng venue na ito, napakaperfect. Nakita naman kami nila Vince at Peter kaya lumapit sila sa amin. Doon lang namin napansin si Maggy na kasama ni Vince. "Maggy!" agad kaming nagbeso sa isa't-isa. "We missed you!" sabi ni Keena. "I missed you two as well. You look so gorgeous." "Thank you," sabay naming sagot. "Oh.. let's take a sit." sabi ni Vince at tumango naman kami. Magkakasama kaming lima sa isang table at maya-maya pa ay nakita na namin nagsidatingan sila Morisette at Louie, magkaholding hands sila. Wow, sila pa rin. Tapos sila Stephen at Beatrice kasama ang little angel nila na si Tracey. Ang cute-cute ni Tracey, tatlong taon na siya ngayon, parang kailan lang. Bale, siyam kami sa isang table. Si Keena lang ang walang ka-partner. "Oops. Mukhang ako lang ang naiiba, " sabi niya at ngumiti pero alam ko sa likod noon ay nagtatago ang lungkot. Ilang sandali pa ay nakita na namin sila Julia at Rob. Maging ang ka-music club noon ni Keena na sina Krisha, Samantha, Maris, Jelo, Philip at Dave. Kilala ko sila dahil minsan na silang ipinakilala sa akin ni Keena. "Thanks for coming guys, I hope you enjoy the party!" bungad ni Julia. Kung naaalala niyo siya ang president ng school namin no'ng College. Nakita ko naman na nagbeso sila ni Keena, noon pa man ay close na sila. "Dito muna kami, mag o-organize pa ako ng program," pagpapaalam niya sa lahat. "Okay, Julia," sagot ni Keena at kumaway naman kaming lahat sa kaniya. Pero kagaya nang inaasahan ko na ayaw kong makita.. nakaramdam ako ng matinding kaba, natigilan ako nang muli ko siyang makita kasama ang bago niya. Hindi ko tuloy maiwasan mapalingon kay Keena na ngayon ay masayang kausap sina Vincent. Shete. Sana hindi sila makita ni Keena. Sana..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD