Amy Nagkatinginan kami ni Lennon na parehong aligaga. Nag-panic ako bigla at natakot ng husto. Nasa labas ng pintuan si Lyndon at naghihintay na pagbukasan ng daddy niya. Anong gagawin namin? Mahuhuli kami ni Lyndon na magkasama rito. Lumapit ako kay Lennon at hinawakan siya sa kamay. Hindi rin siya makakilos at nakatingin lang sa akin. "Sa bathroom lang ako." Tumakbo ako papasok sa loob at ni-lock ang pinto. Sumandal ako sa gilid ng pader at huminga ng malalim. Muntik na! Muntik na talaga! Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Nang marinig kong nasa loob na si Lyndon ay saka ko naalala na naiwan ko pala ang bag ko sa labas. s**t! Sana naitago ni Lennon iyon dahil baka makita ni Lyndon. Dinikit ko ang tainga sa pinto at rinig na rinig ko ang boses ni Lyndon. Maingay siya at tumata

