Amy Nahihirapan ako araw araw simula nang pumasok si Lyndon sa Salcefuedez university. Wala siyang ginawa kun'di ang magdala ng problema sa akin. Nalaman kong kaibigan niya noon si Leo pero nagkaroon sila ng matinding away kaya napa transfer si Lyndon sa ibang university. Simula noon ay hindi na sila nagkabati mapahanggang ngayon. Hindi ko alam kung anong sanhi ng pinag awayan nila pero nakikita ko ngayon na malabo na silang maging okay ulit. Hindi ako malapitan o matitigan man lang ni Leo sa tuwing nasa tabi ko si Lyndon. Malaking away iyon at nagwawala itong brat na anak ng may ari nitong university. Alam kong nakakarating kay Lennon ang mga scenario na nangyayari rito sa campus pero hindi na niya inuungkat sa tuwing tumatawag siya sa akin at nagmemensahe. Kapag nakikita ko n

