Amy Wala ako sa sariling katinuan nang ihatid ako ni Lyndon pabalik sa campus. Hindi pa rin matanggap ng isipan ko na siya ay anak ni Lennon. Anak siya ng lalaking kinahuhumalingan ko ngayon. Hindi ko naramadam ang gutom kahit mag ala una na ng hapon. Lumulutang ang isipan ko at para akong masisiraan ng bait. Gusto kong umiyak pero walang luha ang papatak sa mga mata ko. Basta na lang akong tulala habang papasok sa campus namin. Mabuti na lang at walang masyadong estudyante. Dumeretso ako sa opisina ni Lennon. Wala na akong pakialam sa paligid ko basta makausap ko lang siya. Gusto kong kompirmahin kung tama ba ang natuklasan ko. Isang beses akong kumatok bago tinulak ang pinto. Nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng working table niya. Seryosong nakatingin sa akin. Sinara ko and pin

