Amy Napatitig sa akin si Lennon na gulat na gulat mula sa salitang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung matatawa ako sa kaniya dahil sa naging reaksyon ng kaniyang mukha o muli kong babanggitin kung gaano ko siya kamahal. Hindi ko alam ang susunod na gagawin nang titig lang ito nang titig sa mukha ko. Para bang may sinabi ako na hindi kapani-paniwala para kaniya. Nasundan ko ang paglunok niya. Binasa niya ang labi at muling lumunok. "A-anong sabi mo? Puwede bang pakiulit?" Alam kong malinaw pa sa sikat ng buwan ang huling salita ko. Nakatitig nga ako sa kaniyang mga mata bago ko iyon binigkas kaya impossibleng hindi niya narinig o kaya naintindihan. Ngumiti ako at dinampian ng mababaw na halik ang kaniyang mga labi. "I love you, Lennon. I love you so much." Muli ko siyang

