Amy Nagtataka ako bigla dahil nilubayan ako ni Lyndon. Hindi na niya ako nilapitan nang magkita kami sa loob ng campus. Isang beses lang niya ako tiningnan pagkatapos ay nag iwas ito kaagad ng tingin at umalis na. Napagod yata sa kakasunod sa akin. Wala din naman siyang mapapala dahil hindi na magbabago ang isip ko. Hindi na ako babalik sa kaniya o bigyan siya ng pangalawang pagkakataon. "Ang weird niya ngayon. Anong nakain noon?" Nasusundan ko na lang ng tingin ang buntot ng kaniyang magarang sasakyan nang paalis na ito sa campus. Napailing ako. Babalik na sana ako sa loob ng classroom namin nang pagharap ko ay nakita ko ang bulto ni Kerra. Nakatayo pala siya sa likuran ko at ngayon ko nakita nang humarap ako. Napahinto ako bigla at napatingin sa kaniya. Muntik ko na siyang mabang

