(3rd POV) Pagkagaling ni Lennon kanina sa baby girl niya ay agad siyang dumeretso sa bahay ni Kerra dahil may importante raw itong sasabihin. Inakala ni Lennon na tungkol ito sa trabaho kaya agad niyang pinuntahan si Kerra. Pagkapasok niya ng condo unit ni Kerra ay nagulat si Lennon. Ang iksi ng suot ng kaniyang kaibigan. Hindi niya matingnan ng maayos si Kerra dahil halos kinulang sa tela ang suot nitong lingerie. Bakat pa ang n*****s niya sa manipis nitong pang itaas. Ngumiti siya kay Lennon at hinawakan sa kamay. Mabuti na lang at hindi dinala ni Lennon si Rambo dito sa loob. "What are you wearing Ke? Can you changed." Tumawa si Kerra. "Para kang hindi sanay. Nakikita mo naman ako noon na nakabikini lang." Lumunok si Lennon at umupo sa sofa. Kinuha ni Kerra ang wine glass sa

