Amy Kanina pa ako tahimik simula nang manggaling kami sa bundok na pinagdalhan niya sa akin. Hindi na kami nakapasok dahil maghapon kaming nawala. Hinatid niya ako sa bahay at agad rin itong umalis. Umupo ako sa sala namin at inisip ng maayos ang sinabi niya kanina. Parang may mali? Parang may alam si Lyndon na hindi niya sinasabi. Hinanap ko ang cellphone ko sa loob ng sling bag. Nakapatay kasi iyon kaya naghintay pa ako ng ilang sandali. Nang umilaw ang screen ay agad kong kinalikot. Maraming messages si Lennon sa akin at ganoon din ang Tita ko. Hindi pa makakauwi si Tita simula nang umalis kahapon. Tinawagan ko siya dahil bigla akong nag alala. "Amy," napahinga ako ng maluwang nang marinig ang boses ni Tita. She was fine and alive! "Okay ka lang ba? Nasaan ka? Hindi kaba

