Amy Napatda ako at hindi makakilos mula sa kinatatayuan ko nang makita si Lyndon na nasa edge ng building at nakatingin sa malayo. Para siyang nasiraan ng bait at walang pakialam kung mahulog man ito. Baliw na ba siya para akyatin ang building na iyan at tumayo na edge noon? Nagkagulo ang construction workers at panay ang tawag nila kay Lyndon pero tila ito walang pakialam. Ang nga estudyante ay nag-uumpukan at tinatawag rin siya pero hindi niya pinapansin. "Lyndon?" Malakas na tawag ko sa kaniya. Hindi niya ako narinig pero ang mga estudyanteng nasa harapan ko ay lumingon sa akin. Tinatawag rin siya ng mga nakakakilala sa kaniya pati na rin ang mga professor. Hindi siya malapitan dahil ayaw niya. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong tiningnan. Kanina pa tumatawag

