Masayang bumaba si Oceana sa hagdanan nila. May malaki kasi siyang surpresa para sa asawa pero natigilan siya nang makita ang hindi pamilyar na mukha. Hindi niya pa ito nakikita. Ang matanda ay nakasuot ng pang-maid na damit. Nasa ibaba ito at tinitigan siya nito sa pamamagitan ng nakatatakot na tingin. Para bang may hindi magandang mangyayari sa kaniya ngayon. Ngayon lang niya nakita ang matanda sa bahay nila. Nagkibit-balikat na lang siya dahil baka kinuha ito ni Miguel at nakalimutan lang nitong sabihin sa kaniya na kumuha ito ng bagong katulong sa bahay. Habang pababa siya ay hinimas-himas niya ang hindi pa masyadong halatang umbok sa tiyan niya. Mamaya ay sasabihin na niya kay Miguel na magkaba-baby na silang dalawa. Alam niyang magiging masaya ang asawa niya kapag binalita niya

