CHAPTER 12

3836 Words

Natatarantang lumabas ang dalawang matanda na sina Liza at Antonio. Malakas ang kabog ng dibdib nila dahil sa kaba. Hindi nila alam kung paano nagkita ang mag-asawa. Ginawa na nila ang makakaya nila para hindi magkatagpo ang landas ng dalawa pero heto sila ngayon, nagkapoproblema kung paano nila ilalayo si Ceana kay Miguel. "Kailangan natin makausap ang anak natin. Kailangan nating balaan siya na mag-ingat sa susunod na hakbang na gagawin," sabi ni Antonio na hindi pa rin nawawala ang pamumutla ng mukha. "Tawagan mo si Lucy," utos nito sa asawang si Liza. Nanginginig ang kamay na kinuha ni Liza ang cellphone sa pantalon niya at tinawagan ang numero ng anak nila. Mga ilang ring lang ay sinagot naman kaagad nito ang tawag. "Hello, Ma. Napatawag kayo?" nagtatakang tanong sa kabilang linya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD